Angeli Khang, flattered masabihang pantapat siya ng Black Rider kay Ivana Alawi ng kalabang programa

Happy si Angeli Khang na after n’yang magpa-sexy sa ilang movies sa Vivamax ay makakapag-explore s’ya ng ibang genre ngayong mapapanood na rin s’ya sa GMA Primetime series na Black Rider.

PHOTOS: @angelikhang_ & @ivanaalawi on Instagram

Happy si Angeli Khang na after n’yang magpa-sexy sa ilang movies sa Vivamax ay makakapag-explore s’ya ng ibang genre ngayong mapapanood na rin s’ya sa GMA Primetime series na Black Rider.

Nagulat at natawa ang sexy-drama actress na si Angeli Khang nang matanong s’ya ng entertainment press kung s’ya ba ang ipinangtatapat ngayon sa actress-vlogger na si Ivana Alawi.

Nangyari ang tsikahan kagabi, April 16, sa media conference para sa panibagong season ng Kapuso primetime series na Black Rider.

Ipinakilala kasi s’ya rito bilang isa sa mga bagong cast ng action-drama series kung kaya’t napaisip ang press people kung s’ya ba ang ipangtatapat ng serye kay Ivana Alawi. Si Ivana kasi ang leading lady ni Coco Martin sa Batang Quiapo na katapat na programa ng Black Rider.

Kaya naman right after ng media conference proper ay diretsahang natanong ng press si Angeli kung s’ya nga ba ang pantapat kay Ivana.

“Huh? Thank you, thank you po,” nao-overwhelm na sabi ng Filipino-Korean actress.

Itinuturing n’ya raw na compliment kung iyon ang nakikita ng mga tao. S’ya man daw kasi ay fan din ni Ivana.

“Very ano po… nakakataba ng puso pag nakikita ako ng tao na ganu’n. Idol ko po talaga si Ivana. Lagi ako nanonood ng vlogs niya, lalo na ’yong mga TikTok-TikTok,” nakangiting lahad n’ya.

“Kaya thank you, thank you so much po na nakikita nyo ako as [pantapat kay] Ivana,” dagdag pa ng aktres.”

Ayon pa sa kanya, karangalan for her ang mapabilang sa Kapuso TV series.

“I heard it from my manager na meron daw akong teleserye. Finally, dito naman sa GMA. Sobrang thankful po. I am honored na kinuha ako as one of the cast dito sa Black Rider,” ani Angeli.

Opportunity daw kasi ito para sa kanya na makapag-explore ng ibang genre maliban sa pagpapa-sexy na ginagawa n’ya sa kanyang mga Vivamax movies.

“I’m very thankful and I’m very happy. Sobrang nakakataba po ng puso na another genre naman this time. Action naman this time,” pahayag n’ya.

“I really want to learn and know more about action kaya thank you, thank you so much po, Black Rider, GMA and everyone supporting me, na kinuha n’yo ako. I feel very blessed.”

Pakiramdam daw n’ya ay artistang-artista na s’ya dahil ito ang maiko-consider na first ever teleserye project n’ya. 

At dahil gaganap s’yang kontrabida at third party ng mga bidang sina Ruru Madrid at Yassi Pressman, naloka raw s’ya na kissing scene agad ang una nilang eksena ng Kapuso leading man.

“First scene namin ni Ruru ay kissing scene agad… Yes po. Halikan agad. Go agad,” kuwento n’ya.

Nagulat kami na, ‘Hi,’ ‘Hello,’ ‘Kiss na tayo agad.’ Ganu’n. Sabi ko nga, ‘Ito na ’yong bonding natin. Ito na ’yon. Kiss.’ Haha!” pagpapatuloy ni Angeli.

“It was fun…somewhat challenging but the challenge feels good in the heart, that I’m knowing the craft.”

Dahil dito ay nausisa ang aktres kung nag-enjoy naman kaya s’ya sa kissing scene nila ni Ruru.

“Very, very happy. Hahaha! Enjoy na enjoy. Charot!” pilyang sagot n’ya.

Pero pagseseryoso ng aktres, ginawa lang nila ’yon bilang parte ng kanilang trabaho as actors.

Trabaho lang po. All in all, the shoot was very fun… Another set, another agency, ang saya, one big family…bonding,” aniya.

“But when it comes to shooting talagang very firm, very strict but in a good way, you’re gonna learn more about the teleserye,” she addd.

Ngayong mapapanood na s’ya sa mainstream TV, sinabi ni Angeli na nasa puso pa rin n’ya ang Vivamax at ang pagpapa-sexy.

Sa Vivamax pa rin po. I started from Vivamax and hindi mawawala sa puso ko na tinulungan nila ako mula umpisa hanggang ngayon na nandito na po ako sa mainstream, sa teleserye sa GMA. Viva is always in my heart,” pagtatapos n’ya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Angeli Khang sa sexy scenes nila ng showbiz newbie na si Chester Grecia : “Nangangapa pa s’ya kung paano… Nadadala s’ya minsan. Hahaha!”

Angeli Khang, nilabag ang sariling limitasyon dahil sa tiwala kay Direk Mac Alejandre

Vivamax top grosser Angeli Khang, nangangarap ding magka-wholesome movie

Angeli Khang, imbiyerna sa poser niyang ibinubugaw siya sa mga lalaki sa social media

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.