Angela Morena sa idea na maging kerida: “Bilang isang babae, I should know my worth. Hindi p’wede.”

Kung may biggest take away daw si Angela Morena sa pelikulang La Querida, ito ay ang maging tapat at loyal sa partner para maging maayos ang takbo ng relasyon at hindi na mauwi pa sa paghahanap ng intimacy, affection, o attention mula sa iba. “Kasi kapag hindi ka naging honest sa kanya at kapag hindi mo sinabi sa ’yong totoo p’wedeng mag-break kayo o mag-away kayo…or worse, hindi na kayo magkita... lalo na kung mahal na mahal mo ’yong tao.”

PHOTOS: Melo Balingit

Kung may biggest take away daw si Angela Morena sa pelikulang La Querida, ito ay ang maging tapat at loyal sa partner para maging maayos ang takbo ng relasyon at hindi na mauwi pa sa paghahanap ng intimacy, affection, o attention mula sa iba. “Kasi kapag hindi ka naging honest sa kanya at kapag hindi mo sinabi sa ’yong totoo p’wedeng mag-break kayo o mag-away kayo…or worse, hindi na kayo magkita... lalo na kung mahal na mahal mo ’yong tao.”

May bagong natutunan ang Vivamax actress na si Angela Morena sa kahulugan ng salitang kerida [querida in Spanish].

Naibahagi n’ya ito sa entertainment press sa naging virtual media conference nila recently ng upcoming movie nila, ang La Querida.

Bagama’t galing sa salitang Espanyol na querida ang Filipino word na kerida ay magkaiba sila ng kahulugan. Nag-evolve kasi sa tila may negative connotation ang Tagalog na ibig sabihin ng kerida bagama't napaka-positibo naman pala ng Spanish equivalent nito.

Kung doon tayo sa Tagalog term…kapag sinabing kerida o kerido kasi sa akin, mali,” pag-amin ni Angela.

Pero nabago naman daw ito nang matutunan na n’ya ang totoong kahulugan nito sa wikang Espanyol.

Beloved kasi ang ibig sabihin nito sa Spanish pero kabit o kulaguyo naman ito sa Tagalog language.

Pero when I found out the meaning ng querido or querida sa Spanish sense, 'Mahal mo,' ganu’n. Mali in the Tagalog sense. Pero sa Spanish naman there’s nothing wrong,” saad pa n’ya.

At base nga sa inilabas na trailer ng kanilang pelikula, married woman ang role ni Angela na magkakaroon ng kalaguyong lalaki na ginagampanan naman ni Arron Villaflor. 

Kaya naman natanong ang aktres kung kaya ba niyang mapasok sa isang right-love-at-the-wrong-time situation na tipong magmamahal siya ng isang lalaking nakatali na sa iba.

Sagot dito ng VMX Heavenly Crush, alam daw n’ya ang kanyang value bilang babae at hindi umano s’ya bukas sa ganitong setup ng relasyon.

“For me, bilang isang babae, I should know my worth. Kung committed na ’yong isang tao… hindi p’wede, e. Hindi na p’wede,” saad ni Angela. 

Kung kayang iwasan, iiwasan ko na. Kasi deserve ko ’yong buo. Dapat sa akin s’ya committed, hindi sa iba, ’di ba?” dagdag pa n’ya.

Kung may biggest take away nga daw s’ya sa ginawa n’yang pelikula, ito ay ang maging tapat at loyal sa partner para maging maayos ang takbo ng relasyon at hindi na mauwi pa sa paghahanap ng intimacy, affection, o attention mula sa iba. 

Ang pinaka-take away ko sa movie is wag na wag ka magsisinungaling sa partner mo o kaya sa lover mo. Always be honest,” pagbabahagi n’ya.

Marami raw kasing posibleng mangyari na baka pagsisisihan pa sa huli kung paiiralin sa isang relasyon ang dishonesty.  

Kasi kapag hindi ka naging honest sa kanya at kapag hindi mo sinabi sa ’yong totoo p’wedeng mag-break kayo o mag-away kayo…or worse, hindi na kayo magkita...lalo na kung mahal na mahal mo ’yong tao,” pagtatapos n’ya.

Maliban kina Angela at Arron, kabilang din sa pre-Valentine offering na ito ng Vivamax sina Jay Manalo, Mercedes Cabral, Josef Elizalde, Andrew Muhlach , Yda Manzano, Jiad Arroyo, Irma Adlawan, Aurora Sevilla, and Rey "PJ" Abellana.

Mapapanood ang sexy-drama movie’ng La Querida simula February 10 exclusively on Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.