Limang taong hindi napanood ng mga fans niya si Angel Locsin sa anumang teleserye. The Legal Wife noong 2014 pa ang huli niyang pinagbidahan sa ABS-CBN. Pero nang tanungin kung sa tingin niya ba ay makakabawi na ang ABS-CBN sa big-time comeback project niyang The General’s Daughter matapos siyang hindi bigyan ng teleserye for a long time ay sinabi niyang she really didn’t mind dahil “sumusweldo naman po ako kahit wala akong ginagawa.”
Marami ang napa-“Oooh!” sa naging tugon ni Angel dahil hindi naman alam ng karamihan na guaranteed contract pala ang pinirmahan niya sa paglipat niya sa ABS-CBN. Balita kasing hindi na masyadong pina-practice ang ganitong sistema ngayon sa showbiz, kung saan obligadong bayaran ng management ang isang talent sa anumang nakasaad sa kontrata whether or not binibigyan nila ito ng proyekto o hindi. Karamihan ay dumaranas ng per-project basis lamang.
Ayon kay Angel, pabor daw sa kanya ang naging sitwasyon dahil may iba siyang napagtuunan ng oras niya. Isa pa ay tama lang daw na naghintay siya ng tamang project na hindi siya mapapahiya.
“I think eto ’yong perfect moment na babalik po ako sa teleserye kasi parang nandito po lahat ng dream kong mga makatrabaho.”
Noong kinakausap na raw siya para sa project, pinapipili daw siya ng mga gusto niyang makakasama. Pero sinabi raw niya sa Dreamnscape Entertainment big boss na si Deo Endrinal na surpresahin na lamang siya.
“Na-surpise naman po ako nang bonggang-bongga talaga.”
At bakit nga naman hindi, may Diamond Star Maricel Soriano ka na, tinambakan pa siya ng napakaraming versatile actors ng industriya namely: Tirso Cruz III, Janice de Belen, Albert Martinez, Eula Valdes, Arjo Atayde, JC de Vera, Paolo Avelino at Ryza Cenon.
The General’s Daughter will premiere on January 21.
Here’s Angel: