Nilinaw ni Kapamilya actress Angel Locsin sa kanyang Instagram Stories ngayong araw, July 23, ang sinabi n’ya noong dumalo at nagtalumpati s’ya sa noise barrage sa tapat ng ABS-CBN last Saturday, July 18.
Sa nasabing noise barrage kasi, tahasang binatikos ng aktres ang mga “silent” Kapamilya actors na tila tikom at walang pakialam ngayong tuluyan nang nag-shutdown ang kanilang TV station.
Matatandaang naibasura last July 10 sa kongreso ang broadcast franchise application ng media giant.
“Sa mga kasamahan kong artistang di nagsasalita, ano? May career pa ba kayo?” pahayag ni Angel during the noise barrage. “Wala na, wala na kayong network. Kahit magpa-cute kayo d’yan sa Instagram, mag-send kayo ng mga sad face, ‘di n’yo nadadamayan ang mga katrabaho n’yo na dahilan kung bakit kayo sumikat.”
"Kahit magpa-cute kayo d’yan sa Instagram, magsend kayo ng mga sad face, di n’yo nadadamayan ang mga katrabaho n’yo na dahilan kung bakit kayo sumikat."
Posted by Angel Locsin on Saturday, July 18, 2020
Bagama’t maraming pumuri sa tapang at paninindigan ng tinaguriang “real-life Darna,” marami ring nag-taas ng kilay at na-turn off sa mga tinuran niya na tila nag-uudyok pa diumano sa mga kapwa n’ya artista na sumama sa rally habang may coronavirus pandemic. Kasabay nito ang pagpuna na hindi rin umano nasunod ang social distancing protocol sa nasabing rally.
Pero hindi lang naman si Angel ang ABS-CBN star at supporter na nagsimulang mang-call out din sa mga “tahimik” na artista ng Kapamilya Network. Nandiyan si Eula Valdez at Enchong Dee, na nanawagan din sa kapwa nila ABS-CBN stars na magpakita ng suporta lalo na sa mga nawalan ng trabaho behind the camera.
Sa ilang Netizens na kumampi kay Angel, may mga naki-call out din tuloy sa ibang artistang wala sa rally o sa mga tahimik maging sa social media. Nagmistulang nag-roll call ang mga Netizens sa mga artistang tingin nila ay dapat “tamaan” sa sinabi ni Angel.
Isa sa tila nasaling ni Angel ay ang gaganap na bagong Darna sa si Jane de Leon, na ayon sa mga Netizens ay walang balls gaya ni Angel kaya’t tila hindi raw karapat-dapat sa role.
Kinabukasan, July 19, nag-release ng statement ang na-delay na newest Darna na si Jane. At sa pananaw ng Netizens, tila may pahaging kay Angel sa kanyang statement.
Sa bahagi kasi ng kanyang statement sinabi ni Jane na: “My support to the current crisis the network is facing right now is not just measured by going out in the streets in this time of pandemic.”
Maging sina Sarah Geronimo at Nadine Lustre—na kapwa madalang mag-social media—ay idinawit ng Netizens na umano’y tila walang paki sa mga nagaganap. Pero solid naman silang in-absuwelto ng kanilang respective fans.
Kapwa rin sila nag-release ng statements. Si Sarah through Instagram feed, habang si Nadine ay through IG Stories.
Isa pa nga sa mga artistang kinuwestiyon din ng Netizens ay ang award-winning actress na si Alessandra De Rossi na gumanap noon na Valentina sa Kapuso teleserye kung saan bumida si Angel Locsin as Darna.
Hindi daw kasi nagpapakita sa mga rally si Alex at puro na lang umano sa Twitter ang ganap n’ya.
“May covid. Maawa ka,” tugon ng aktres sa Netizen na nagtatanong sa kanya last July 19. “Tsaka di ako okay (mentally) pag madaming tao. Birthday party nga, di ako umaattend, rally pa?”
Pabiro ding sinagot ni Alex ang iba pang Netizens na nag-uudyok sa kanyang magpakita ng support sa mga Kapamilyang nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.
May covid. 😂😂😂 Maawa ka. Tsaka di ako okay (mentally) pag madaming tao. Birthday party nga, di ako umaattend, rally pa? 😂 https://t.co/PvDu8fgk7T
— alessandra de rossi (@msderossi) July 19, 2020
Lagi ako nababash dyan. Pag naawa ako sa nawalan ng work, automatic anti-gvt agad ako. Kung tama tingin ko, wala akong awa sa nawalan. Wala akong gagawing tama. Kung ako lang masusunod papabuksan ko na yan sa driver ko dahil pandemic pa naman. Kaso wala akong driver. Ako na to!🥴 https://t.co/58ZiXlvkVI
— alessandra de rossi (@msderossi) July 20, 2020
Di ako asar pero di rin ako nagjojoke. Hating hati na tayong lahat dahil sa mga interest na pang personal, pang mahal sa buhay, pang tama at mali. At this point, pag lumaban ka, mayabang ka. Pag nanahimik ka, wala kang paki. Pag pray ka nalang, inasa mo kay Lord. Yung totoo? 😂
— alessandra de rossi (@msderossi) July 20, 2020
Ako pa ba? 😂 Kaya nga madami nagiisip maldita ako dahil pag tama ako, di ako takot magsabi ng totoo at magmukhang mali. Pero yung covid ay wala akong xray vision para dyan. Yung totoo, takot ako dyan. Wala akong planong makausap sya ng personal. Wala akong planong matalo dyan. https://t.co/Md8T5iQfE0
— alessandra de rossi (@msderossi) July 21, 2020
Tinabla naman din ni Kapuso star Katrina Halili, na gumanap naman noon na Black Darna sa teleserye pa ring pinagbidahan ni Angel Locsin sa GMA Network, ang isang Netizen sa Twitter na magagalit diumano si “Darna” kung hindi s’ya magpapakita ng suporta.
Sagot ni Katrina sa kanyang Tweet: “Kailangan ba magpost talaga, pwede naman isama sila sa prayers ko. Kung gusto mo sumama sa kanila, walang pumipigil sa’yo.”
Kailangan ba magpost talaga, pwede naman isama sila sa prayers ko. Kung gusto mo sumama sa kanila, walang pumipigil sayo https://t.co/zd0biOV6oi
— Katrina Halili (@katrina_halili) July 20, 2020
Maging ang asawa ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli, na naka-ilang proyekto din sa ABS-CBN, ay tinira ng Netizens.
Kahapon, July 22, nag-release din ng short but sweet statement ang aktor.
He used this quote na tila sagot niya sa mga kumukuwestiyon sa diumano ay pananahimik niya: “Speak only when your feel that your words are better than your silence.”

At ngayong araw nga, July 23, nilinaw na ni Angel mismo sa kanyang IG Stories na hindi n’ya hinihikayat na sumama sa rally physically ang mga nais magbigay ng suporta o magpakita ng simpatya sa mga kababayan nating nawalan ng ikinabubuhay.
“Inuulit ko, pag hinihikayat magsalita, hindi ibig sabihin nun mag rally na sa kalsada,” diin ng aktres.
“There are many ways to show support. Iba yung takot sa covid, iba yung ayaw lang talaga.”
Humingi rin ng dispensa si Angel sa mga nainis sa kanyang naging pahayag last Saturday sa noise barrage. Pero ipinunto n’yang ito nga kasi ang panahon upang maglabas ng hinaing.
“Kung may na-offend, I apologize dahil nasaktan ko kayo. Pero hindi dahil sa sinabi kong magsalita kayo. Dahil kailangan talaga nating magsalita ngayon.
“Uulitin ko, magkaiba po ang magsalita sa lumabas."
“Magkaisa tayo at wag magpagamit,” pagtatapos ni Angel.

YOU MAY ALSO LIKE:
Angel Locsin slams fellow Kapamilya celebrities who remain silent after ABS-CBN franchise denial