Angel Locsin at Neil Arce, nanggulat; kasal na pala

Ang pang-gulat na anunsyo ng kasalang Angel Locsin at Neil Arce ang laman ng kanilang latest vlog sa kanilang “The Angel and Neil Channel” sa YouTube na in-upload lamang ngayong gabi, August 7. Tinawag nilang “Lipat Bahay Gang” ang nasabing vlog entry. At kaya naman pala lipat-bahay ay dahil pasakalye lang ito sa talagang highlight ng vlog nila, which is ang announcement nila sa dulo na: “Oh, by the way… since filming this vlog, we decided not to wait and just do it. We Got Married!”

Photos: @iamnoelferrer

Ang pang-gulat na anunsyo ng kasalang Angel Locsin at Neil Arce ang laman ng kanilang latest vlog sa kanilang “The Angel and Neil Channel” sa YouTube na in-upload lamang ngayong gabi, August 7. Tinawag nilang “Lipat Bahay Gang” ang nasabing vlog entry. At kaya naman pala lipat-bahay ay dahil pasakalye lang ito sa talagang highlight ng vlog nila, which is ang announcement nila sa dulo na: “Oh, by the way… since filming this vlog, we decided not to wait and just do it. We Got Married!”

Kasal na ang actress na si Angel Locsin at ang businessman/film producer na si Neil Arce.

Ang pang-gulat na anunsiyo ang laman ng kanilang latest vlog sa kanilang  “The Angel and Neil Channel” sa YouTube na in-upload lamang ngayong gabi, August 7. Tinawag nilang “Lipat Bahay Gang” ang nasabing vlog entry.

At kaya naman pala lipat-bahay ay dahil pasakalye lang ito sa talagang highlight ng vlog nila, which is ang announcement nila sa dulo na: “Oh, by the way… since filming this vlog, we decided not to wait and just do it.

“We Got Married!”

At kasunod nito, ibinahagi rin nila ang ilang larawan na kuha sa mismong civil wedding ceremony nila. Ang nag-officiate ng kanilang kasal ay ang Mayor ng Taguig na si Lino Cayetano.

Sa Instagram post naman ni Angel ngayong araw din, nagpahiwatig ito na bukas, August 8, ay may mga ibabahagi pa siyang larawan at detalye sa naging kasal nila.

Sey niya sa caption: “and just like that. Bukas na yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig.”

Si Neil naman ay isang simpleng, “Pamine” ang caption nito sa kanyang IG post. Pamine na ang ibig sabihin, official na kanyang-kanya na nga ang girlfriend na misis na niya ngayon na si Angel.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce)

Parehong nakasuot lang ng white coat sina Angel at Neil at naka-black pants. 

Sa ngayon, wala pang detalye kung kailan talaga ginanap ang kasalan at kung sino ang mga naging bisita o tumayong witnesses sa naganap na civil wedding.

Pero ang isa sa matatalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana ay present sa ginanap na civil wedding kasama ang mister niya na si Boyet Ahmee.

Mabilis itong nag-post sa Instagram niya ng dalawang magkasunod na posts. Ang una ay posibleng kuha niya sa you-may-now-kiss-the-bride portion ng ceremony. Nilagyan niya ito ng caption na: “In case you missed the end of their surprise reveal VLOG, check out the Angel and Neil channel on You Tube.  May we present to you, Mr. and Mrs. @neil_arce @therealangellocsin.”

Sa ikalawang IG post ni Dimples, mas emosyonal na ito at may birong reply si Neil sa caption niya na: “Mother of the bride lol” dahil iyak umano ito nang iyak sa ceremony.

Ang message ni Dimples sa dalawa, “Like the way you have our backs, MR and MRS @neil_arce @therealangellocsin, we will always have yours @papaboyetonline and I are honored and humbled to have been part of this beautiful moment and like what our beloved Mayor @linocayetano said, Kapag mawala pa lahat, HOPE, FAITH and LOVE remains, truly you are each other’s treasure. Anubaaaaaaa naiiyak pa din ako!!! Hahahahaah”

Dapat ay noong November 8, 2020 ang kasal nina Neil at Angel, pero na-postpone ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Hindi na nakapagtatakang ituloy pa rin nila ang orihinal na planong grander wedding once matapos ang pandemic.

Bumuhos naman ng mga pagbati mula sa mga kaibigan from in and outside of showbiz ang parehong Instagram accounts ng mga bagong kasal.

Ilan sa mga maagap na nag-post ng kinikilig na pagbati sa newlyweds ay sina Kathryn Bernardo, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Marian Rivera, Zanjoe Marudo, Ria Atayde, at marami pang iba.

Samantala, narito ang ilan pang larawang kuha sa naganap na civil wedding courtesy of their official photographer, Nice Print Photos.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Angel Locsin, two years lang ang taning sa pagso-showbiz niya noon

Pika’s Pick: Angel Locsin supports fundraising drive for the underprivileged students of UP Integrated School

Angel Locsin, patuloy na nasasaktan pero patuloy na lalaban para sa ABS-CBN; “slowly healing” na rin daw matapos ang ill-fated community pantry niya

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.