Angel Locsin at Bea Alonzo, buena-manong kakulitan ni Vice Ganda sa Gabing Gabi na Vice: Take 2 Vaklang Two!

Photos: Xander Angeles for The Vice Ganda Network & Instagram

Photos: Xander Angeles for The Vice Ganda Network & Instagram

Naunsiyami ang grand launch ng The Vice Ganda Network (TVGN) last month dahil sa technical glitch. 

Pero tuloy na tuloy na mamayang gabi ang pormal na pagbubukas ng TVGN at back-to-back paandar ang kanilang pambungad.

Tonight, August 14, at 9PM, mamimigay agad si Meme Vice P100K through the “PRIZE GANDA: Ang Online Palaro ng Madla” show at ang GOLD SQUAD lang naman na sina Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Kyle Echarri and Francine Diaz ang makakasama niyang mamudmod ng grasya.

Bukas naman, August 15, ang pinaka-aabangang GABING GABI NA VICE will start airing at 10PM with no less than Angel Locsin and Bea Alonzo as buena-mano guests!

Lahat ng exclusive na yan ay mapapanood lang sa The Vice ganda Network (viceganda.com.ph) and you need to register para magka-access. 

So, register now at maki-countdown sa register.viceganda.com.ph 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.