“Ang sakit-sakit pala...”—Darryl Yap on his works being pirated

“Sa dami ng trabaho, sa dami ng sinasakripisyo... ta’s makikita mo lang ’yong pelikula sa Facebook or sa mga pirated sites. Medyo nakakagalit ’yon.”

Photos: @vivamaxph

“Sa dami ng trabaho, sa dami ng sinasakripisyo... ta’s makikita mo lang ’yong pelikula sa Facebook or sa mga pirated sites. Medyo nakakagalit ’yon.”

Isa si Direk Darryl Yap sa mga umupong panelists sa virtual launch ng Vivamax Middle East last April 15. Kasama niya sina #Jowable star Kim Molina at Parang Kayo Pero Hindi hugot series star Kylie Verzosa.

Ang #Tililing niya kasi ang pinang-opening salvo ng Viva sa Vivamax Middle East na agad sinundan ng mga new releases ng Viva sa Pilipinas gaya ng Miracle in Cell No. 7 Miss Granny, Just a Stranger,  Unforgettable; On Vodka, Beers and Regrets;  #Jowable, Mia, and more.

Isa sa naitanong kay Direk Da (pet name ng mga artista niya kay Direk Darryl) ng mga Middle East-based media men, ay kung ano ang reaksyon o kung ano ang nararamdaman niya kapag napipirata ang mga obra niya.

Okay na nga sana na nauso ang mga online streaming apps bilang pamalit sa sinehan habang may pandemya. Pero gaya ng sa sinehan, nagkaroon ng panibagong chance ang ilang mga hinayupak ng lipunan para muling makagawa ng maling pagkakakitaan. Gaano man ka-high tech ang approach ng mga namumuhunan sa pagbuo ng apps ay may counterpart pa ring namumuhunan naman sa mga gamit pang-pirata.

At isa sa mga director na bagong biktima ng pamimirata ay si Direk Da.

“Actually, no’ng sa #Jowable time, wala naman masyadong pirata, pero no’ng sa [Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar] na, saka no’ng Tililing, nakikita ko sa Facebook, ang sakit-sakit pala ng gano’n,” pag-amin ni Direk Da.

Pero inamin din niya na baka raw karma niyang napipirata siya ngayon dahil maraming pagkakataon din daw noong araw na na-engganyo din siyang manood ng mga pirated movies na ina-upload sa Facebook.

“I just joined this industry two years ago and self admittedly, I patronized din some film uploads sa Facebook... so, sinasabi ko, no’ng nakita ko nga ’yon [mga napirata sa akin], feeling ko na-karma ako. Kasi no’ng wala pa ako sa [film] industry, nanonood ako ng gano’n sa Facebook, e. 

“So, ’yon nalang ’yong iniisip ko. Sabi ko, ‘Shit, mga ilang pelikula ko pa ’to kasi marami akong pelikulang napanood sa Facebook.”

Pero ngayong taga-industriya na siya, ramdam na ramdam na raw niya ang sakit ng napipirata.

“My reaction? Very violent,” matabil na dagdag niya. 

Binibenta kasi nila. Parang they sell it and then in exchange of GCash money. So, ako naman, sabi ko, ‘Baka p’wede mong tanggalin...’ 

“I message each uploader...nakikiusap [ako]. Before, nagagalit ako pero after awhile...nu’ng napagod na rin ako, it was the Viva legal counsel na who actually handled it.”

Aniya, tila mahirap pang sugpuin at this point ang pamimirata ng mga pelikula and the least one can do ay umasang tatamaan ang kunsiyensya ng mandarambong, hindi na para sa kanya kundi for the benefit ng mga production staff na naghirap para bumuo ng mga pelikulang pinipirata nila.

“It’s hard, you know, Even Netflix films they get pirated din. So...hindi naman sa minamaliit ko pero bago palang ang Vivamax. So, kung ang mga higanteng gaya ng HBO at saka Netflix ay madaling napipirata, s’yempre hindi na ako masyadong mag-i-inarte kung nasa Vivamax ako. 

“Pero I think it’s a matter of decency and maybe their conscience calling when they do this kasi kagaya namin sa Pornstar... we filmed Pornstar during the height of pandemic, it was September last 2020. And doon sa ano na ’yon, many people risked their lives while filming it because it was ECQ in Manila but it was GCQ in Olongapo [where we shot the film]. In Olongapo it’s allowed to shoot...pero people are risking their lives. Yes, they are paid but then again, no amount of money can actually compensate with the fear of contracting this disease. 

“So, ’yon lang ’yong naisip ko. Sa dami ng trabaho, sa dami ng sinasakripisyo... ta’s makikita mo lang ’yong pelikula sa Facebook or sa mga pirated sites. Medyo nakakagalit ’yon.

“Pero sabi nga nila Boss [Vic del Rosario], e, sa kabila ng pinirata and all, you know, we get rewarded because Pornstar did well sa Vivamax. And it feels so happy to actually be a bridge to the four actresses to... sabi nga nila they got their second chance, you know, in mainstream movies.

“When it comes to piracy, I think the legal people will handle that. Pag ako nag-handle niyan baka masampahan din ako ng kaso kasi sobrang galit na galit ako sa mga pinaggagawa nila. Pero, you know, sabi ko nga, Netflix at HBO problema din yan. So, ang sosyal naman kung makikisabay ang Vivamax sa problema. So, why not?”

Anyway, para sa mga kababayan natin sa Middle East, ang Vivamax Middle East is now available for download through Google Play Store and the Apple App Store. So download now, register, subscribe and WATCH ALL YOU CAN for only AED 34.99 a month. 

Hindi naman mabigat sa bulsa, kaya iwas-pirata na.

You can pay through visa and mastercard or in-app purchase (google playstore/apple app store). Enjoy hundreds of entertainment content from Viva! You can also stream all of these on www.vivamax.me 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Darryl Yap, pinadalhan ni Sharon Cuneta ng LV bag worth $5,000!

Tekla, nakipagbalikan nga ba sa dating kinakasamang nagpa-Tulfo sa kanya?

Isabelle Daza introduces second child Valentin to the world

Gabbi Garcia, nag-set up ng community pantry sa Paranaque City

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.