Andrew Schimmer to his late fiancée Jho Rovero: "I will make you proud."

"It’s been Months now since you’ve left…😞 I missed taking care of you," mensahe ni Andrew Schimmer sa pumanaw na fiancée na si Jho Rovero sa kanyang FB post kalakip ang photo nilang dalawa. "I missed those moments when we can still look at each other’s eye. Until dimensions meet, I will see you again my dear. "[W]atch me now, I will make you proud."

Photos: @JohnAndrewSchimmer Facebook

"It’s been Months now since you’ve left…😞 I missed taking care of you," mensahe ni Andrew Schimmer sa pumanaw na fiancée na si Jho Rovero sa kanyang FB post kalakip ang photo nilang dalawa. "I missed those moments when we can still look at each other’s eye. Until dimensions meet, I will see you again my dear. "[W]atch me now, I will make you proud."

Inaalala ni Andrew Schimmer ang kanyang namayapang fiancée na si Jorhomy "Jho" Rovero makalipas ang mahigit isang buwan mula nang ito ay sumakabilang buhay.

Sa kanyang Facebook post nitong January 31, ibinahagi ng aktor na na-miss umano n'yang alagaan ang ina ng kanyang mga anak. 

Mahigit isang taon din kasing naratay sa ospital si Jho bago ito tuluyang pumanaw last December 20.

"It’s been Months now since you’ve left…😞 I missed taking care of you," mensahe ni Andrew sa kay Jho sa kanyang FB post kalakip ang photo nilang dalawa.

Na-miss din umano niya ang mga tinginan nilang dalawa noong mga panahong iyon. Positibo rin siya na darating ang panahon na magkikita silang muli.

"I missed those moments when we can still look at each other’s eye. Until dimensions meet, I will see you again my dear," saad pa ni Andrew.

Sa ngayon, magsusumikap daw siya para maging proud si Jho sa kanya.

"[W]atch me now, I will make you proud," pagtitiyak niya.

Sa nauna nga niyang FB post ay ibinahagi ng aktor sa kanyang online followers na pinasok na rin niya ang pagnenegosyo ng mga beauty products.

 

Matatandaan na noong November 2021 nang isinugod sa St. Luke's Medical Center sa Taguig City si Jho dahil sa asthma na nauwi sa cardiac arrest at severe hypoxemia o below-normal na level ng oxygen sa dugo.

Halos isang taon ding naratay si Jho sa ospital bago siya nailabas at naiuwi ni Andrew sa kanila sa Bulacan noong October 10.

However, noong October 17 ay muling ibinalik sa ICU [intensive care unit] si Jho dahil minanas, nilagnat, at tumaas ang heart rate nito. 

Ang naibigay na excessive sodium content umano sa diet nito na prinescribe ng nutritionist na naka-assign dito ang itinuturong dahilan kaya't  muling na-ospital si Jho. 

Hindi na rin natupad ang plano sana ni Andrew na pagpapakasal nila dahil pumanaw na si Jho noong December 20.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Andrew Schimmer, may mahalagang payo mga nagmamahalan sa kanyang Christmas greeting

Andrew Schimmer, hindi na raw magdiriwang ng Pasko kailanman: “I’m sorry…but I hate Christmas, and I don’t think I will ever like it again.”

Bunso ni Andrew Schimmer na si Xander, nag-birthday sa lamay ng inang si Jho Rovero

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.