Andrea Torres, open makipagkaibigan sa kanyang mga ex; “Hindi naman ako naniniwala na dahil hindi kayo nag-workout kailangan magkagalit na kayo.”

Single pa rin daw at this point ang aktres na si Andrea Torres. Hindi naman daw s’ya naghahanap ng makaka-relasyon sa ngayon pero nagpahiwatig s’ya na open s’ya kung sakaling dumating ito at kumatok sa pinto n’ya.

PHOTOS: @andreaetorres on Instagram

Single pa rin daw at this point ang aktres na si Andrea Torres. Hindi naman daw s’ya naghahanap ng makaka-relasyon sa ngayon pero nagpahiwatig s’ya na open s’ya kung sakaling dumating ito at kumatok sa pinto n’ya.

Bukas daw ang aktres na si Andrea Torres sa pakikipagkaibigan maging sa kanyang mga naka-relasyon. 

Sinabi n’ya ’yan sa interview n’ya with Boy Abunda nang sumalang s’ya kahapon, July 27, sa programa nitong Fast Talk With Boy Abunda.

Nausisa kasi s’ya ng TV host sa working relationship nila ng dati n’yang nobyo na si Sef Cadayona ngayong co-actors sila sa upcoming Kapuso primetime series na Love Before Sunrise.

“Actually, Tito Boy, wala po kaming masyadong eksena dito [na magkasama]. Parang dalawa pa lang yata. Pero in Bubble Gang, Tito Boy, mas nakaka-work ko s’ya doon regularly,” sagot ng aktres.

Pero pagtitiyak n’ya, wala naman daw silang problema ni Sef na magkatrabaho. Wala rin daw awkwardness between them kapag magka-eksena sila. 

Wala po. Sobrang normal lang kami, Tito Boy, na minsan nga iba [tao] na ’yong gumagawa ng issue [tungkol sa amin]. Pero kami, parang wala namang anything. Wala namang ilang or anything,” pagmamalaki ni Andrea.

Napuri naman ni Tito Boy ang aktres na napapanatili nito ang friendship nila ng kanyang dating karelasyon dahil hindi nga naman lahat ay nagagawa ’yon.

Hindi pa po lahat [ng ex]. Hahaha! Hindi pa lahat,” natatawang pagtutuwid ni Andrea.

Dahil dito, natanong s’ya ng King of Talk if she will have her way, makikipagkaibigan ba s’ya sa kanyang ex-boyfriend. 

(Hindi man nabanggit sa kanilang usapan pero alam ng publiko na si Derek Ramsay ang huling naging nobyo ni Andrea. November 2020 nang aminin ng aktor na naghiwalay sila matapos ang mahigit isang taon nila ng pagiging magkarelasyon.)

“Ideally po kasi may pinagsamahan naman din po kayo. Hindi naman ako naniniwala, Tito Boy, na dahil hindi kayo nag-workout kailangan magkagalit na kayo,” punto ng aktres.

Kasi may time sa buhay n’yo na prinotektahan n’yo ang isa’t isa, minahal n’yo ang isa’t isa, kahit na ang mga family ninyo,” dagdag pa n’ya.

Kahit na may cheating na nangyari?” hirit na tanong naman ni Tito Boy.

Sey naman dito ni Andrea, “Kahit may cheating, Tito Boy, hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng ex ko. Okey na po na kaming dalawa na lang ’yong mag-usap.”

At nang matanong naman s’ya if she’s in a relationship right now, sinabi ni Andrea na single pa rin s’ya at this point.

Hindi rin naman daw s’ya naghahanap ng makaka-relasyon sa ngayon pero nagpahiwatig s’ya na open s’ya kung sakaling dumating ito at kumatok sa pinto n’ya.

Hindi nga, Tito Boy. Sumobra nga [ako] sa pagka-home buddy, e. Hahaha! Pero naniniwala po ako na may season talaga for that, e,” sabi n’ya.

Hindi mo s’ya kailangang hanapin. Like ako, home buddy ako. Kung time ko na talaga [na ma-meet ang the one ko], maybe sa isang punta ko sa grocery nandu’n s’ya,” saad pa n’ya.

Sa ngayon naman daw ay happy and honored s’ya na kabilang s’ya sa teleseryeng pagbibidahan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo.

Ang saya, Tito Boy, kasi ngayon lang po ako magko-kontrabida. I took it [the role] because Bea Alonzo is my idol. So sabi ko, ‘Wow!’ Para maisip nila na isama nila ako [sa project], ang laking trust nu’n na binigay sa akin,” paghahabagi ng aktres.

Marami na raw agad s’yang natutunan sa pag-o-observe lang sa kanyang idolong leading lady.

Ino-observe ko si Bea. Very ano s’ya…’yong script talagang inaaral n’ya. Mga bagay du’n na usually hindi mo na mapapansin, ’yong little things napapansin n’ya and kinu-question n’ya,” tsika pa ni Andrea.

Sabi ko nga, ‘Ay, dapat ganyan ako mag-isip.’ Parang pareho sila ni John Lloyd [Cruz] kasi naka-work ko rin po si John Lloyd. ’Yong meron s’yang nakikita doon sa script na, ‘Ay, oo nga no. It makes sense,’” pagtatapos n’ya.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Andrea Torres, pinaiyak ng isang pulis

Andrea Torres, “sabog ang puso” sa kaligayahan sa mainit na pagtanggap ng netizens sa kanyang pagganap bilang Sisa

Andrea Torres, nagmistulang tour guide ng mga Argentinian co-actors and production staff nang mag-shoot sila sa Caramoan at Palawan

Andrea Torres, open nang magmahal muli; “Lumalabas-labas na rin po at nagmi-meet na ng mga tao.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.