Andrea, impressed sa acting ni Seth

PHOTOS: Jewelle Pacia

PHOTOS: Jewelle Pacia

Bumilib ang young star na si Andrea Brillantes sa acting skills ng former PBB housemate na si Seth Fedelin, na kasalukuyang nabigyan ng stint as Mikoy sa hit teleserye Kadenang Ginto.

Bilang child star na lumaki sa industriya, aminado si Andrea na napansin niyang very natural ang acting newbie na si Seth pagdating sa pag-arte.  

“Actually nagulat ako kasi hindi naman niya masyado kailangan ng tulong. Tapos halos isa lang din si Mikoy at si Seth parehas silang makulit sobrang kuhang-kuha na niya agad so nagulat ako kasi bilang baguhan magaling na agad siya...like super effortless.” sabi ng aktres sa thanksgiving media conference kamakailan.

Dagdag pa nito, “Hindi ko na nga siya masyado tinulangan, tsaka parang hindi naman niya kailangan ng tulong.

Pero sinabi ko sa kanya pag kailangan niya ng tulong, handa naman akong tulungan siya.”

As for her own kontrabida role as Marga, Ibinahagi din ng 16-year-old Kapamilya artist na hindi siya affected sa mga bashers na naiinis sa pagka-maldita niya sa nasabing youth-oriented teleserye.

“No, alam ko naman kasi yung totoo at hindi,” nakangiting sabi ng batang acting veteran. “Lagi din naman sinasabi sa’kin wag ako maging affected kasi pag nainis sila sa’kin, magaling ‘yong pagiging kontrabida ko.”

Naging dream come true for Andrea na gampanan ang character ni Marga dahil matagal na nitong gustong tumanggap ng mga challenging roles at iba sa mga nakasanayang nitong mababait na roles. 

Very open daw ang young actress sa lahat ng opportunities na ibibigay sa kanya ng management. 

“Ngayon, masayang-masaya ako pero s’yempre po kung meron ibibigay sa’kin s’yempre po tatanggapin ko. Pero ngayon sobrang saya talaga ako sa Marga at sa Kadenang Ginto kasi sobrang successful siya.”

Nang tanungin kung gusto niyang tumagal ang team-up niya with Seth and eventually maging couple in real life like other popular loveteams na KathNiel and LizQuen, sinabi ni Andrea na walang kasiguraduhan pero masaya itong naging close sila agad.  

“Sa ngayon hindi ko pa masasabi kasi kakakilala pa lang namin pero ngayon sobrang close na kami agad kasi pareho naman kaming makulit at sobrang mapang-asar po siya.”

Hmmm, mukang p’wede. Tingin n’yo? 

We welcome your comments below.

Watch the full interview:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.