Andrea Brillantes to BTS fans: “Peace na tayo.”

PHOTO: Melo Balingit

PHOTO: Melo Balingit

Kahit big fan si Andrea Brillantes ng South Korean boy band na BTS ay natatakot siyang sabihin ito in public dahil sa pamba-bash ng kapwa niyang fans.

“Sinasabing bandwagon ako,” malungkot na paliwanag ng teen star sa presscon na ginanap kamakailan para sa pelikulang Kahit Ayaw Mo Na, kung saan isa siya sa tatlong bida.

Ayon kay Andrea, taong 2016 pa daw niya kilala ang BTS pero ngayong taon lang niya isinapubliko ito, dahilan para akusahan siyang “fake fan” at “poser” ng ilang supporters ng banda.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 방탄소년단 - BTS - BANGTAN (@bts_._0fficial) on

Malaki ang fanbase ng K-pop group, na nag-debut noong 2014 at umani ng international recognition simula noong 2017 para sa kanilang mga talento.   

“Okay lang” daw kay Andrea na tawagin siyang bandwagon, pero ang hindi okay sa teen star ay ang pagpapadala sa kaniya ng mga negatibong mensahe ng ilang fans.

“Nakakatakot sila, kasi may death threats pa, tapos tawag sakin ‘cancer.’ ‘Wag ka, cancer ka.’ ’Tapos minumura ako.”

Dagdag ng teen star: “Di dapat jino-joke ang cancer, seryoso ’yon.”

Panawagan niya sa mga nasabing fans: “Peace na tayo… wala naman akong intention na masama.

“Nakikinig lang ako sa kanila, napopogian lang ako sa kanila, tapos gusto ko ’yong personality nila. Pinapasaya nila ako, tapos hindi din naman ako nakikisawsaw dahil sikat sila.

“Nagkataon lang na naging fan ako, I started to stan them, no’ng sobrang sikat na nila tapos meron silang upcoming album.

“As in gusto ko sila, genuinely.”

Sa sobrang pagkagusto pa nga daw ni Andrea sa BTS ay gumawa din siya ng fan account para sa kaniyang idols. “Nagpopost ako kahit sobrang busy ko, nagpupuyat ako,” bahagi niya. 

“Saka nag-iipon ako for merch!”

Sino naman kaya ang crush ni Andrea sa pitong miyembro ng BTS?

“Si V, pero may bias-wrecker ako. Si RM saka si Jimin!” 

How about in local showbiz?

“Wala, wala nga! Promise. Loyal ako sa asawa ko. Si Naruto!”

Ang tinutuloy ni Andrea na asawa ay si Naruto Uzumaki, ang bida ng Japanese anime na Naruto. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Naruto Uzumaki (@naruto) on

Kuwento pa niya, “Marami nga akong crush sa anime e. Si Naruto lang talaga ang number one sa puso ko.”

Mapapanood si Andrea sa Kahit Ayaw Mo Na, showing December 5. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Are Andrea Brillantes and Francine Diaz the next Kathryn and Julia?

Kyle Echarri posts movie-like pictures with Andrea Brillantes on IG

Seth Fedelin, aminadong crush niya si Andrea Brillantes

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.