Andrea Brillantes, aminadong "medyo hassle" din sa kanya na maya't maya siyang iniintriga at nagte-trending

Wala raw sa pakikipagrelasyon ang atensyon ngayon ni Kapamilya actress Andrea Brillantes dahil abala umano siya sa trabaho at sa mga gusto niyang ma-achieve sa nalalabing araw ng taon.

PHOTO: @blythe on Instagram

Wala raw sa pakikipagrelasyon ang atensyon ngayon ni Kapamilya actress Andrea Brillantes dahil abala umano siya sa trabaho at sa mga gusto niyang ma-achieve sa nalalabing araw ng taon.

Beneficial man daw na palagi siyang trending at pinag-uusapan sa social media, medyo hassle na din umano ito para kay Andrea Brillantes.

Inamin niya ito sa interview niya with Luis Manzano sa online show nito sa YouTube na Luis Listens ngayong araw, November 21.

Naitanong kasi sa kanya ng TV host-actor and vlogger kung ano ang pakiramdam na palagi siyang laman ng mga balita at laging trending online. 

Sagot ng Kapamilya star, nagiging abala na umano ito sa kanya dahil kahit na mga mumunting bagay na nasasabi niya ay pinalalaki sa mga social media platforms.

"Sa totoo lang po, medyo hassle din s’ya. Kasi talagang may mga bagay na wala lang naman talaga dapat or parang mag-a-advice lang ako , nagkataon lang kasi kalog din ’yong ugali ko so parang very pickable s’ya lagi na medyo hassle na minsan," pag-amin niya kay Luis.

Sinabi rin n'ya na hindi niya sinasadyang magpag-uusapan sa ganu'ng paraan. 

"Kasi hindi ko naman ginusto na kumalat o maging big thing ito," saad ng aktres.

Oo nga't may benefits umanong dala sa kanyang showbiz career ang lagi siyang nasa top trending topic sa internet pero nagiging abala na raw ito sa kanya minsan.

"Maganda s’ya for my career. Career wise, oo kasi laging maingay ’yong pangalan ko and ganu’n s’ya pero naha-hassle-an ako," diin niya.

Katulad na lang daw na palagi siyang pinaalalahanan ng kanang handler na mag-ingat sa mga bibitawan niyang salita bago siya sumalang sa interview with Luis.

Nakabantay daw kasi palagi hindi lang ang kanyang fans and supporters kundi maging ang kanyang mga bashers.

"Ang hirap kasi kahit wala naman akong sinasadyang gawing pick up line o iniisip na ‘Ah, ito, mapi-pick up ito ng media...’ Napi-pick up na nila lagi," mahinahong pahayag ni Andrea. 

Dahil palagi raw na nabibigyan ng kulay ang kanyang mga statement at kadalasan ay nagmumukha iyong negative, hiling ng aktres, pansinin din daw sana ang mga inspiring words na mula sa kanya.

"Sa akin lang, sana, kung merong pick up line na laging napi-pick up, nagiging relevant, sana din ’yong ibang inspirational na sinasabi ko kasing taas din nu’n," sabi ng Senior High lead star.

"Hindi laging mga kwela ’yong laging [pinapansin at naibabalita], e. 'Yong laging may bitterness lagi, unfortunately, ang [nakikita]," pangre-real talk niya. 

Meanwhile, wala raw siyang idea kung bakit laging marami rin ang nakiki-usyoso at nag-aabang sa love life niya. 

"Ewan ko sa kanila. Sila na ’yon. Kasi ako, ‘E, di mag-abang lang kayo.’ Ako hindi. Iniisip ko lang kasi work, e," she said.

Wala raw sa mga plano n'ya ngayon ang pumasok sa isang relasyon.

"Honestly po, hindi ko kasi iniisip, e. So for me, walang bigat o walang hassle sa akin at all kasi naka-focus lang po ako sa mga bayarin ko. Hahaha!" natatawang sabi niya. 

"Sa mga gusto kong ma-achieve before the year ends, mga gusto kong ma-achieve next year," pagtatapos ni Andrea.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Blackpink member na si Rosé, naloka sa tsika ni Andrea Brillantes na hiwalay na sila ni Ricci Rivero

Andrea Brillantes, walang takot sa bitbit niyang ahas during the Opulence Ball 2023; “Bakit pa ako matatakot? May mga kilala na akong ganito. Char!”

Pika's Pick: Andrea Brillantes renews contract with ABS-CBN

Andrea Brillantes, umabot ng "milyon" ang nairegalo kay Ricci Rivero?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.