Andre Yllana on his dad Jomari Yllana: “Minsan kasi may mga bagay na it’s too late na. Siguro ’yong thirst ko for a father dati hindi na rin ganu’n [katindi]. Sa totoo lang ha, sa true lang.”

Mensahe pa ni Andre Yllana sa amang si Jomari: “Kahit anong mangyari, I’ll always be here for you through thick and thin. Pero like what I’ve said, may mga bagay na hindi na kasing init ng dati… Sana ’yong mistake mo dati sa akin, wag mo na ulitin sa mga kapatid ko dahil mga bata pa sila. Habang mga bata pa sila, go for it.”

PHOTOS: @andreyllana on Instagram & @josemari.yllana.9 on Facebook; INSET: @jyllana on Facebook

Mensahe pa ni Andre Yllana sa amang si Jomari: “Kahit anong mangyari, I’ll always be here for you through thick and thin. Pero like what I’ve said, may mga bagay na hindi na kasing init ng dati… Sana ’yong mistake mo dati sa akin, wag mo na ulitin sa mga kapatid ko dahil mga bata pa sila. Habang mga bata pa sila, go for it.”

Inamin ng newbie actor na si Andre Yllana na nagsinungaling s’ya noon para subukang magkabalikan ang mga magulang n’yang si Aiko Melendez at Jomari Yllana.

Isinalaysay n’ya ito vlog ng kanyang Mommy Aiko na in-upload nito kahapon, August 14, on YouTube. 

Sa isang parte kasi ng heart-to-heart na usapan nilang mag-ina tungkol sa kanilang pamilya ay nahingan s’ya ni Aiko ng maipapayo sa mga anak na gaya n’yang mula sa broken family. 

Sa puntong ito napa-throwback si Andre sa ginawa n’yang pasisinungaling noon. 

Siguro wag n’yo na lang tularan ang ginawa ko kasi dumating sa punto na, ’di ba, meron pa akong pagsisinungaling na, ‘Uy, miss ka daw ni daddy.’ Ganyan-ganyan. Kahit hindi, ’di ba?” pagtatapat n’ya. 

Naging goal daw kasi n’ya noon na magkabalikan ang mga magulang n’ya at mabuo sila bilang pamilya.

Ang pinaka-goal ko nu’ng bata ako is magkabalikan kayo,” direktang kuwento niyas a ina. “Ayon, kunwari susunduin ako ni daddy, pagkahatid n’ya sa akin gagawa na ako ng k’wento n’yan. ‘Uy, ma, gumaganda ka daw, ah. Uy, ma, nami-miss ka na daw ni daddy, ah.May mga ganyang paandar pa ako noon.” 

However, napagtanto rin daw n’ya noong nag-mature na ang pag-iisip n’ya na walang kahihitnan ang ginagawa n’ya dahil may kanya-kanya na ring buhay ang Mommy Aiko at Daddy Jomari n’ya. 

Nu’ng lumalaki ako,  ako na rin ’yong nakakita na ‘Talagang hindi magwo-work ito. Kahit na magkabalikan sila, hindi magiging masaya ito dahil may mga kanya-kanyang issues.’ Doon ko na nilunok [ang katotohanan] na, ‘Siguro it’s better na nga rin na magkahiwalay sila dahil una sa lahat nand’yan naman si mommy. Hindi n’ya kami pinabayaan,’” pagre-recall ng Viva actor. 

Gumive up man sa idea ng pagkakabalikan ng kanyang mga magulang at muling pagkakabuo ng kanilang pamilya, wala naman daw pinagsisihan si Andre sa mga pinagdadanan ng kanilang modern and extended family. 

Wala kasi hindi rin naman ako magiging kung sino ako ngayon kung hindi rin naman sa mga trials na dinaanan natin,” saad n’ya. 

Sa ngayon, nasanay na raw s’ya sa setup nila na paminsan-minsan ay nakaka-bonding n’ya ang father n’yang si Jom. Hindi na rin naman daw s’ya mapaghanap unlike before noong bata-bata pa s’ya. 

Siguro dad, kung napapanood mo ’to… Minsan kasi may mga bagay na it’s too late na. Siguro ’yong thirst ko for a father dati hindi na rin ganu’n [katindi]. Sa totoo lang ha, sa true lang,” pag-amin pa nya. 

Kumbaga, dati grabe ako maghabol kay dad, siguro nasanay na rin ako na parang wala s’ya. Kaya pasensya na rin dad kung may mga times na nakakalimutan kita.

Isa pa sa inamin ni Andre ay pagtatanim n’ya ng galit sa tatay n’ya noon. Pero later on, nang tamaan s’ya ng depression, ay na-realize n’ya na hindi iyon maganda at hindi makakatulong. 

Mali ’yon. Akala ko dati sobrang lakas ko, e. Akala ko kaya kong kimkimin lahat. Na-depress ako, guys. ’Yon ’yong true story [kung bakit ako pumayat],” pagsisiwalat ng aktor. 

Na-depress ako nu’n nang sobra-sobra kasi akala ko kaya kong kimkimin lahat. ’Yon pala may hangganan din ’yong tao. Kahit na gaano ka pa kalakas, pag sinapol ka - wala, durog ka talaga.

Sa ngayon, okey na daw sila at mas nauunawaan na n’ya ang tatay n’ya ngayon. Nabusog daw kasi s’ya sa payo ng Mommy Aiko n’ya na intindihin na lang n’ya ang tatay n’ya at baka may pinagdadaanan din ito. 

Mensahe pa ni Andre sa ama: “Kahit anong mangyari, I’ll always be here for you through thick and thin. Pero like what I’ve said, may mga bagay na hindi na kasing init ng dati… Sana ’yong mistake mo dati sa akin, wag mo na ulitin sa mga kapatid ko dahil mga bata pa sila. Habang mga bata pa sila, go for it.”

At kung dumating na daw ang panahon na magkaroon s’ya ng sariling pamilya, gagawin n’ya daw ang lahat para tiyaking buo ito. Ayaw na daw n’yang maranasan ng magiging anak n’ya ang naranasan n’ya. 

Ang hirap din naman kasing magsalita nang tapos. Pero ang gusto kong ipaglaban kapag nagkaroon ako ng pamilya is gusto ko complete family, hindi broken family,” lahad n’ya. 

Kasi growing up, nakita ko ’yong hirap pati ’yong pag naglo-long ka for a father. Kasi ako, buong paglaki ko naman nand’yan ka, e. Siguro ’yong paghahanap ko ng tatay… kaya siguro ang mindset ko talaga is to be the best father I could be…in the future,” pagtatapos ni Andre.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

EXCLUSIVE: Andre Yllana answers Random Questions from pikapika

Aiko Melendez, emosyonal sa pag graduate sa college ng panganay na si Andre Yllana

Exclusive: Andre Yllana, game maging escort ni Awra Briguela sa JS prom

Newest Viva love team na sina Andre Yllana and Ashley Diaz, gustong sundan ang yapak ng KathNiel—on and off-cam

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.