Andi Eigenmann to Philmar Alipayo: “Sabi n’ya, ‘People don't like us to be together because taga-isla lang ako.’ I said to him, ‘Taga-isla ka lang? Don't ever say that lang-lang thing...”

PHOTOS: @andieigengirl on Instagram, Happy Islanders on YouTube

PHOTOS: @andieigengirl on Instagram, Happy Islanders on YouTube

Trending ngayong araw, August 6, sa YouTube ang latest vlog entry ng aktres na si Andi Eigenmann and her partner, professional surfer Philmar Alipayo, na in-upload kagabi, August 5, sa kanilang “Happy Islanders” YouTube Channel.

For the first time kasi ay sinagot nina Andi at Philmar—na naninirahan ngayon as happy couple sa hometown ni Philmar sa Siargao—via on-cam ang mga na-kolekta nilang mga palagiang tanong sa kanila ng kani-kanilang mga social media followers tungkol sa kanilang relasyon.

Isa nga sa mga unang tanong na sinagot nila ay kung paano sila unang nagkita.

“It was competition time...awarding,” pagre-recall ni Philmar, referring to a surfing competition na sinalihan niya.

“And I came for vacation,” pagtutuloy ni Andi sa sinagot ng boyfriend. “I went to Siargao for vacation tapos we were invited to go to the boulevard where the awarding ceremony was and then I saw him.”

May drinking session daw si Philmar that time with his friends. Pero dahil isang surfing enthusiast si Andi, natural lang na automatic siyang naging fan ni Philmar na isa sa pinaka-magaling nating surfers sa bansa. Andi took the chance na makipag-photo op sa surfing champ.

Dahil hindi naman mahilig sa showbiz news, wala daw ideya ni Philmar noon kung sino si Andi. Pero pinaunlakan n’ya ang pagpapa-picture nito. 

"He gave me a shot," natatawang dagdag k’wento ni Andi. “He gave a tequila shot. Tapos, I mean pa-picture...I’m the one that made pa-picture. Nakakahiya. But I know that he didn't know me. Pero palagi at palagi s’yang pinapakilala sa lahat ng tao. Kasi s’yempre, professional surfer based here in Siargao. Ako, nagpa-picture ako kasi fan [niya] talaga kami ng friends ko because we’re fans of surfing as a sport. From then on naging friends na kami...like, commenting on the Instagram.”

Natanong din si Philmar kung na-attract ba s’ya kay Andi noong nakita n’ya ito for the first time.

At dahil hindi agad nakapagsalita si Philmar, si Andi na ang naunang sumagot.

“I know you like curly [hair],” natatawang sundot ni Andi sa kasintahan.

“Yeah, I like curly but I didn't know...You’re cute and small,” sagot naman ni Philmar.

At dahil mas ma-tsika ang All Souls Night lead star, siya na ang nag-detalye ng mga ang tipo ni Philmar sa babae. 

“He likes fit girls, like, as in sporty,” tuloy-tuloy na tsika Andi. “So, sporty ako, athletic ako pero dahil nga hindi n’ya ako kilala, hindi n’ya alam 'yon. 

Kasi it doesn't show anymore in my body. Kasi for the longest time I’ve been depressed and not really taking care of myself. That was one of the main reasons why I left the [showbiz] industry. [Also] because I wanted to take the time to find myself, figure out how to love myself so I can be a better mom to Ellie. And then eventually, you know, become a good partner to you.” 

The couple also recalled their first date na kakaiba at tingin nila ay mas romantic kumpara sa karaniwang ginagawa ng ibang magkasintahan tulad ng dinner date o panonood ng sine. 

“Breakfast nagsimula. Ang aga! Hahaha!” masayang balik-tanaw ni Andi. “And then we went snorkling in Cloud 9 [surfing area in Siagao]. It was such a nice afternoon. Tapos ang galing lang kasi makikita mo sa Cloud 9 may mga taong nagsu-surfing. Doon lang kami sa katabing-katabing waves kasi summer noon [kaya] maliit lang ’yong waves. 

 “And then we went under to go inside holes and caves underwater. It was so cool. I really wish we had the camera. And it’s been two years [since].”

Pero nagsimula daw talaga ang kanilang love story dahil sa isang literal na bridge at sa pagbi-bridge ng kanilang common friend.

K’wento ni Andi: “There's a bridge... I went to Siargao all by myself since Ellie’s not gonna be with me. I went to Siargao tapos niyaya ako [ng isang friend] to hang out with her and her friends in the bridge. [It was] Sunset. [And then] Philmar arrived.”

“No, I was fishing,” pagko-correct ni Philmar sa k’wento ng kanyang nobya. “When I came back home, my mom told me that, ‘Someone is looking for you... With a friend. An actor friend.’ So, sino man?

Si Echo [Jericho Rosales],” biro ni Andi. “Kasi friend mo si Echo.” 

Ikinatawa naman ni Philmar ang tinuran ng aktres. 

“‘There in the bridge.’ So I followed. Then it was her,” pagsasalayasay ng Pinoy surfer. 

So, hindi mo talaga alam kong sino,” pangungulit pa ni Andi sa kasintahan. 

“No idea,” ani Philmar. 

Ani Andi, clueless daw talaga si Philmar kung sino siya dahil wala nga daw itong hilig sa panonood sa TV. 

“Philmar knew...like, my name Andi and that I have a lot of followers on Instagram,” paliwanag ng aktres. “He wasn't exactly sure what I did. Like he never saw me on TV. Sabi ko nga, ‘You never watch TV?’ [He said] ‘No, I'm surfing. I have fun stuff to do.’ 

“I feel like that’s what made me comfortable with Philmar is that just like me getting to know him. It’s the same for him because he didn’t know anything about me. I had to share everything and that is really nice and refreshing.” 

Andi went on: “We got really close and we got along so well. We were always hanging out and then I was going back to Manila and he came to Manila because he was going to Zambales for a training. I came along and, obviously, our relationship got stronger.”

 Say pa ni Andi, na-realize niyang mas lalalim pa ang relasyon nila nang makita niya kung paano nito pakitunguhan ang panganay niyang si Ellie.

“But for me, I really knew that there’s a future [for both of us] because of his relationship with Ellie,” testimonya ni Andi. “That, for me... he’s my friend, obviously, so I didn’t have to overthink introducing them. For me it’s okay, ‘Oh, that’s Philmar from Siargao.’ Philmar is really good with kids.”

Sinagot din ni Philmar ang tanong kung paano ba n’ya na-realize na love na talaga ang naramdanan n’ya for Andi. 

“[Noong] first [time] na naghiwalay tayo,” pag-amin ni Philmar.

“Ah, like when you went back to Siargao?” tanong ni Andi sa kanya. 

“Yeah,” sagot ng 27-year-old surfer. “Then I realized na I’m happy with you. At masaya akong pinapasaya kita. ’Yon nga. I think it’s love.”

At dahil hindi naman ma-aalis sa isang relasyon ang pagtatalo, natanong din ang dalawa kung ano ang kadalasan nilang pinag-aawayan at kung paano nila ito inaayos. 

Wala,” lahad ng actress-vlogger. “We have had no serious fights. Like, as in...wait lang. I’ll explain. We have had no fights na super deep or serious no’ng reason. We have had fights na, like, you know, we made layas from each other or we’re really so mad at each other and we didn’t talk for a few days but the reason is so walang k’wenta. 

“As in, like, mababaw lang talaga ’yong mga reasons. Mababaw lang talaga pero lumalala kasi hindi namin alam how to handle each other when fighting. It’s getting worse and worse instead of getting fixed right away.”

Aminado si Philmar na pansamantala siyang umaalis ng bahay kapag may pagtatalo sila at bumabalik na lang kapag nawala na ang inis n’ya. 

“It's worse kasi, ako, when I get mad I don’t talk. I just [keep quiet],” pa-totoo ni Philmar. “Sometimes I will go away somewhere to release and come back.”

Kabaligtaran naman ni Andi na “talkies” ang armas pag galit. Aminado naman si Andi na masyado nga raw s’yang gigil tuwing may argument sila kaya lalo silang hindi nagkakaintindihan. 

“Me, I learn that also... kasi at first I was trying to tell him and communicate with him to explain to... kung ano ’yong nangyayari. Para ma-solve agad,” paliwanag ni Andi. “Ang problema, I talk a lot. And I’m talking fast. He doesn’t understand me, ’cause you know he’s Bisaya. And I'm [talking in] English. Hahaha! Lalong lumalala.

Sinang-ayunan agad ni Philmar ang mga sinabi ni Andi. 

Aniya: “When she’s mad, she’ll ask me, ‘Why are not answering me?’ ‘How will I answer you? I don't even understand you.’”

“I didn’t know that at first,” natatawang pagtatapat ni Andi. “It’s so funny kasi s’ya parang, ‘Oh my God,’ like, ‘OH MY GOD!’ ’Yong reaction na parang, ‘Bakit mo ako kinakausap nang ganyan? I'm leaving.’ ’Yon pala kaya s’ya umaalis kasi ’di n'ya ako naiintindihan.

 Ganoon pa rin daw sila mag-away, more or less. Ang kaibahan lang ay mas napapag-usapan na nila ngayon ang problema rigfht after.

“But anyway, ’yon pa rin, e. Now we know that our problem was proper communication, especially with the language barrier. At times now, it’s normal to fight. But the way that we handle it is we make sure ’yong mga mali namin before, we talk about it. 

“But just like him, nag-learn ako na 'wag agad makipag-argue and makipag-usap. Maging quiet na lang muna ako tapos kapag pareho na kaming hindi naiinis sa isa’t isa... We just stop and you know, sometimes it goes to a point...[because there’s] so much love, hindi na kami nagso-sorry or whatever sa isa’t isa kasi hindi na kailangan, e. Parang kapag lumamig na...

“I am the type of a person who doesn't really say sorry,” kumpirma ni Philmar. 

Which is not a bad thing in their case dahil yakap naman daw ang kapalit.

“He never says sorry,” pag-ulit pa ni Andi. “But ’yon nga eventually... hugs.” 

At that point, biglang niyakap ni Philmar si Andi while saying: “I admit. I’m sorry.”

“Wow,” kunwaring pagulat na komento ni Andi sa sweet gesture ng nobyo. “Now you’re telling me that... Like it goes to a point na kapag nag-separate muna kami tapos lumamig na ’yong ulo, mare-realize ko na hindi ko naman pala kailangan marinig ’yong sorry n’ya. Parang, wala rin naman palang k’wenta ’yon so kalimutan na lang natin. And also we trust each other.”

Inamin din ni Philmar sa vlog kung paano siya nahirapang mag-adjust sa pagkakaroon ng “celebrity wife” noong nagsisimula palang ang kanilang relasyon. 

“At first, ’cause people will come to me na... bashing me..." pagtatapat muli ni Philmar. 

Mahinahong dumepensa naman si Andi sa kanyang partner.

“Oh yeah,” sang-ayon ni Andi. “‘Bakit ’yong mga Filipino, sa tingin nila ’yong hitsura ng Filipino pangit. Like my partner’s maitim... Hello? That’s so nice. Tanned. You have a nice skin.”

Wala namang taong pangit, e,” segunda ng tanned and fit surfer. “Ang pangit lang is ’yong ugali.

“Yeah, that's the thing,” muling sundot ni Andi. “I didn't expect that we would get haters because of that. People saying bad, mean, negative things to Philmar just because of his skin color and also because he’s from the province. 

“I hope that Filipinos would get rid of the mentality that if you’re from the province you are not successful... that means you’re inferior to everyone else who is finding job in the city. Because that’s not the meaning of success.”

Dagdag litany pa ni Andi: “And also, every person is different. There are people who just really think that life for them is much better and gives them more meaning staying on an island. Just like me and Philmar. That’s why we're happy together here.”

Ani Andi, dahil daw sa mga hate comments na natatanggap ni Philmar from Netizens, bumaba raw ang self esteem nito at nagsabi kay Andi na: “Hindi tayo bagay.”

Sabi n’ya, ‘People don't like us to be together because taga-isla lang ako,’” reminisce pa ni Andi. “He said that to me. Oh my God. I said to him, ‘Taga-isla ka lang? Don't ever say that lang-lang thing. Because to me, you guys are the richest people on earth to be surrounded by such beauty, nature, and living in paradise like this.’ Right? My gosh! That’s why I feel so lucky.” 

Pinoys lang naman daw ang lumalait kay Philmar, ani Andi. Sa Siargao daw ay habulin daw ng mga babaeng foreigners na turista si Philmar—bagay na hindi naman daw ipinagseselos ni Andi.

Confident si Andi dahil para kay Philmar, wala na daw tatalo sa smile ng kanyang pinakamamahal. 

At s’yempre, natanong din ang sweet couple kung ano ang k’wento sa likod ng nag-viral nilang photo kung saan nalitratuhan si Philmar na nakasakay sa motor habang angkas n’ya si Andi na may dala namang malaking balde. 

“Because we don’t have a car yet and we went to the mall mall-an, we rode a bike,” salaysay ng aktres.  “I don't know how to drive a bike so angkas lang. Tapos bili-bili ako. Bumili ako no’ng balde e kailangan namin 'yon para sa black rice namin. Because if not, our black rice will have molds.

“So I bought and he doesn't want,” she added. “Magiging moody ‘yan kapag bibili ako nang bibili ng kung anu-ano. Kasi sa amin, si Philmar ’yong treasurer. S’ya ’yong mas magaling sa savings, s’ya ’yong mas marunong sa ganu’n. So, he doesn’t like me buying things that aren’t really necessary. 

Ako, ‘Ay gusto ko ’to. Bilhin ko ’to.’ Tapos s’ya, ‘Kailangan mo ba talaga yan? Kailangan ba talaga natin yan?' So, bili-bili ako. S’yempre kung bibili ako, ako ang magbubuhat, ako ang mag-uuwi,” paliwanag ni Andi sa style nilang mag-dyowa.

At press time, nakapagtala na nang mahigit 316K-plus views ang latest vlog entry nina Andi at Philmar.

PANOORIN ang kaubuan ng kanilang Q&A + Relationship Kwentuhan dito:


 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.