Sa gitna ng pagdadalamhati sa pagpanaw ng mother n’yang si Jaclyn Jose, ibinida ni Andi Eigenmann kung paano ito magmahal sa kanyang mga anak, pamilya, at mga kaibigan.
Naganap ito kagabi, March 5, sa eulogy ceremonies para sa late actress na binuo ng mga nakatrabaho at kaibigan sa ng Kapamilya network, sa pangunguna ni Coco Martin. Unknown to many, si Ms. Jaclyn ang nagbigay-daan para makapasok si Coco sa ABS-CBN noon.
Sa simula ng kanyang maikling pananalita, agad na pinasalamatan ni Andi ang ABS-CBN at Dreamscape Entertainment para sa “tribute night” ng TV and production company para sa kanyang ina na isa sa most revered and decorated actresses ng bansa at nagtala rin ng hindi mabilang na paglabas sa mga shows ng ABS-CBN, na ang pinakahuli ay anv nakamatayan na niyang Batang Quiapo.
“[Salamat] sa Dreamscape at sa ABS-CBN sa gabing ito, at sa pagdalaw ninyong lahat para makiramay sa pagkawala ng aking nanay,” umiiyak at garalgal ang boses na lahad ng former actress.
Kasunod nito ay ang pagmamalaki n’ya kung gaano minahal ng kanyang ina silang ng younger brother n’yang si Gwen Garimond.
“Hindi ko po ma-explain kung paano magiging posible na… Alam ko rin lahat ng mga taong nandito ngayon, sinasabihan ko kung gaano kami ng kapatid kung si Gwen… kung gaano kami kamahal ni nanay,” she said.
“Ganu’n kalaki ’yong puso n’ya. Sobra, sobra, sobra n’ya kaming minahal,” diin ni Andi.
Ganu’n pa man, nagkaroon pa rin daw ng puwang sa puso nito ang mga nakasama at nakatrabaho nito sa showbiz.
“Pero kahit lahat ng pagmamahal naibigay n’ya sa amin, naging posible pa rin na magkaroon s’ya ng malaking natira para sa inyong lahat,” saad n’ya.
Magpapatunay d’yan ang hindi nito pag-iwan sa entertainment industry kahit na challenging ang buhay ng isang single mother. Mahal raw kasi talaga nito ang kanyang trabaho bilang artista.
“Besides that she gave her life to me and my brother, she also dedicated her whole life to her craft. She’s been so passionate about it,” she shared.
Nakatitiyak din umano s’ya na masaya na ang kanyang Nanay Jaclyn ngayon dahil alam nito kung gaano s’ya kamahal ng mga taong minahal n’ya.
“Mahal na mahal n’ya rin kayong lahat. Alam ko na sobrang saya n’ya na malaman na lahat kayong minamahal n’ya minamahal din s’ya,” Andi said.
“Maraming salamat po. Maraming salamat,” umiiyak na pagtatapos n’ya.
Pumanaw si Jaclyn Jose noong umaga ng March 2 due to mycardiac infraction o heart attack. She was 60 years old.
Huli s’yang napanood sa action-drama series na FPJ’s Batang Quiapo.
Noong nabubuhay pa, gumawa ng kasaysayan si Jaclyn bilang kauna-unahang Filipino actress and Southeast Asian artist na nanalong best actress sa prestihiyosong Cannes Film Festival sa France noong 2016.
RELATED STORIES:
Premyadong aktres na si Jaclyn Jose, kumpirmadong pumanaw na
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber