Andi Eigenmann, naging emosyonal sa pagtanggap ng award para sa pumanaw na inang si Jaclyn Jose; “Masaya ko pong ihihilera ito sa kanyang mahigit 50 na tropeo.”

Sa 2nd Parangal ng Sining ng FDCP, ipinagmalaki ni Andi Eigenmann na anak s’ya ni late actress Jaclyn Jose. “Ako po ay pinagpala na lumaki sa kamay ng isang napakagaling na ibinigay ang buong buhay, ang buong puso, ang buong kaluluwa n’ya sa paglikha ng mga pelikula at sa pag-arte.”

PHOTOS: @fdcpoficial on Facebook & @jaclynjose on Instagram

Sa 2nd Parangal ng Sining ng FDCP, ipinagmalaki ni Andi Eigenmann na anak s’ya ni late actress Jaclyn Jose. “Ako po ay pinagpala na lumaki sa kamay ng isang napakagaling na ibinigay ang buong buhay, ang buong puso, ang buong kaluluwa n’ya sa paglikha ng mga pelikula at sa pag-arte.”

Hindi naitago ni Andi Eigenmann kanyang emosyon sa pagtanggap n’ya ng parangal para sa namayapang inang si Jaclyn Jose.

Ginawaran ng Honorary Distinction ang late actress sa ginanap na 2nd Parangal ng Sining ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) nitong weekend.

Si Andi ang dumalo at tumanggap ng award para sa kanyang yumaong nanay. 

Sa kanyang naging talumpati, sinabi ng former actress and Siargao-based vlogger/businesswoman na hindi raw n’ya in-expect na darating ang araw na s’ya ang tatanggap ng parangal para sa pumanaw n’yang ina.

Hindi ko inaasahang makakaakyat pa ako sa entablado para sa industriyang ito, para sa aking nanay na si Jaclyn Jose,” naiiyak na panimula ni Andi sa kanyang speech.

Masaya po akong tumatayo dito para tanggapin ang parangal na ito para sa kanya,” dagdag pa n’ya.

Pinasalamatan din n’ya ang FDCP sa pagkilala nito sa naging kontribusyon ng kanyang ina sa industriya ng Pelikulang Pilipino. 

Maraming salamat po sa Film Development Council of the Philippines sa pagbigay ng parangal na ito sa aking nanay na si Jaclyn Jose,” saad n’ya.

Ako po ay pinagpala na lumaki sa kamay ng isang napakagaling na ibinigay ang buong buhay, ang buong puso, ang buong kaluluwa n’ya sa paglikha ng mga pelikula at sa pag-arte,” she went on.

Ayon pa kay Andi, nagluluksa pa rin s’ya sa nangyari pero alam daw n’yang masaya na ngayon ang kanyang yumaong ina. 

Masakit pa po sa akin na ako ang makakatanggap nito para sa kanya pero sigurado po ako na nakangiti po s’ya ngayon sa langit. She deserves this award and thank you so much for that recognition,” aniya.

Bilang anak, ikalulugod umano n’yang isama sa hanay ng mga awards ng kanyang multi-awarded actress na ina ang panibago nitong trophy mula sa FDCP.

Masaya ko pong ihihilera ito sa kanyang mahigit 50 na tropeo dahil sa kanyang galing sa pag-arte. Salamat po,” pagtatapos ni Andi.

Sumakabilang-buhay ang ina n’yang Jaclyn noong March 2 sa edad na 60 dahil sa heart attack.


 

YOU MAY ALSO LIKE:

Andi Eigenmann on her late mom Jaclyn Jose: “Sobra, sobra, sobra n’ya kaming minahal… Mahal na mahal n’ya rin kayong lahat.”

Andi Eigenmann on her late “nanay,” Jaclyn Jose: “She herself, her life itself, was her greatest obra maestra.”

Andi Eigenmann marks her son Koa's third birthday with a heartwarming Instagram post

Pagba-vlog ni Andi Eigenmann, paraan pala niya para maging updated ang yumaong inang si Jaclyn Jose sa kanyang buhay sa Siargao

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.