Anak ni Sheryl Cruz na si Ashley, susuportahan daw niya ng 200% kung mag-aartista

Noong seven years old daw si Ashley ay nakapasa pala ito sa audition ng pamosong kiddie show sa Amerika na Nickelodeon.

Photos: AOmnl.com & @officialsherylcruz

Noong seven years old daw si Ashley ay nakapasa pala ito sa audition ng pamosong kiddie show sa Amerika na Nickelodeon.

Some three months ago ay nandito pala sa Pilipinas para dumalaw ang 18-year-old, San Francisco-based unica hija ni Sheryl Cruz na si Ashley, ang anak niya sa dating asawang si Norman Bustos.

Freshman na pala sa San Francisco State University ang dalagang younger version niya and she’s taking up pre-Psychology daw.

But up to now ay hindi pa rin daw sure ang bagets sa kung ano talaga ang gutso nitong maging. But whatever it is, naka-suporta lang daw siya.

“[I think] She's gonna be a lawyer because that's also one of the things she’s looking into,” tsika ni Sheryl sa taga-AOmnl.com na pinaki-usapan naming mag-interview on pikapika.ph’s behalf. “Or she can be a medical person because her grandfather naman sa mother’s side ko was a doctor. So,I don't have any problems.”

Kung sakali naman daw gustuhin nitong mag-artista ay okay na okay lang din sa kanya. “If she wants to be an actress, then I 'll support her fully—200%!”

“Showbiz is in her blood,” patuloy niya. “She really has a good voice, she sings well.”

In fact, noong seven years old daw pala si Ashley ay nakapasa pala ito sa audition ng pamosong kiddie show sa Amerika na Nickelodeon.

“But I was starting my career here [in the Philippines],” balik-tanaw ni Sheryl. “So, I cannot just leave my career and dissolve my contracts to actually take care of her [own acting career].”

Hindi naman daw ikinasama ng loob ni Ashley ’yon dahil hindi naman daw ito seryoso  sa pag-aartista that time.

“She didn’t feel bad about it, hindi siya ’yong katulad ng ibang child stars o katulad ko [noon] na talagang gustong- gusto, diba? Or ’yong both parents are in showbiz, ’yong ganyan?” esplika ni She.

“With her naman, it's nice she actually passed that audition and somebody wanted...actually an agency wanted to represent her. But the thing is, her dad didn't have the time for it. So, I couldn't naman just leave my career that I just started here.”

Iyon kasi ang time na kakahiwalay lang nila ng tatay ni Ashley at nagbalik-Pilipinas at showbiz siya. Busy naman si Norman as a policeman sa San Francisco.  

“What I told her is that, ‘After you finish college, nobody's going to stop you. [In the meantime], You could still continue doing stage plays, you can still continue singing and playing instrument or do print ads or commercials.’ I don’t mind for as long as it doesn't affect her studies.”

YOU MAY ALSO LIKE: 

Sheryl Cruz says tall guy in her IG is not her boyfriend

Sheryl Cruz spices things up in her first-ever sexy shoot!

Romnick, sa posibleng balikan nila ng dating GF at ka-loveteam na si Sheryl Cruz… “wag kayong ano…”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.