Allen Ansay, liligawan daw si Sofia Pablo pag tuntong niya ng trenta; protesta ni Sofia: “Thirty? Parang ang tanda! Hahaha!”

Natanong ang Team Jolly nina Sofia Pablo at Allen Ansay kung nape-pressure ba silang totohanin ang kanilang love team at maging magkasintahan sila talaga in the near future.  “Okey lang po,” sagot ni Allen. “Sabi ko nga po kay Sofie, kung sakali man na nasa tamang edad na, liligawan ko s’ya. At least kilala na po namin ang isa’t isa, ’di ba?  “Ang dami na naming pinagsamahan. Madali na lang. Wala nang ligaw-ligaw,” confident na sabi pa n’ya. Napa-“wow” at natawa naman si Sofia sa kompiyansang sagot na ito ng leading man n’ya.

PHOTOS: @itsmeallenansay on Instagram

Natanong ang Team Jolly nina Sofia Pablo at Allen Ansay kung nape-pressure ba silang totohanin ang kanilang love team at maging magkasintahan sila talaga in the near future. “Okey lang po,” sagot ni Allen. “Sabi ko nga po kay Sofie, kung sakali man na nasa tamang edad na, liligawan ko s’ya. At least kilala na po namin ang isa’t isa, ’di ba? “Ang dami na naming pinagsamahan. Madali na lang. Wala nang ligaw-ligaw,” confident na sabi pa n’ya. Napa-“wow” at natawa naman si Sofia sa kompiyansang sagot na ito ng leading man n’ya.

Napuno ng kilig at tawanan ang naging virtual media conference kahapon, April 7, ng upcoming Kapuso miniseries na Raya Sirena na pagbibidahan ng tinaguriang Team Jolly composed of Sofia Pablo and Allen Ansay.

Ang magandang chemistry nina Sofia at Allen, at ang clamor ng kanilang fans ang nagtulak sa GMA Network at Regal Entertainment na gawing seven-part series ang Raya Sirena mula sa pagiging episode lang noon sa Regal Studio Presents.

Tsika nga ng GMA executives na si Joey Abacan, iba daw talaga ang kilig na dala ng young Sparkle love team dahil sa connection nila na nagta-transcend onscreen. Kaya naman wish daw n’ya sa dalawang Kapuso stars na magkatuluyan talaga sila in the future.

Sa totoo lang, pag nagbi-build ka ng love team, gusto mo sila na rin pag tanda nila. Hahaha!” natatawang pag-amin ni Joey Abacan sa press. 

Pero bawi n’ya, “They’re still very, very young. Ayoko na muna mangarap ng ganu’n but, at least, ito makapagbigay sila ng aliw muna using Raya Sirena.”

Sinang-ayunan naman ito ni Roselle Monteverde ng Regal Entertainment at sinabing napaka-natural daw ng dating nina Sofia at Allen. 

Minsan ka rin namang makaramdam ng… Minsan makikita mo, ‘Ay, sobrang pretentious nitong love team na ’to.’ Dito, nakita ko talagang totoo s’ya. Pati ako pag pinapanood ko sila I get younger, kinikilig ako sa eksena nila,” aniya. 

Dahil dito ay natanong ang Team Jolly na sina Sofia at Allen kung nape-pressure ba silang totohanin ang kanilang love team at maging magkasintahan sila talaga in the near future. 

Okey lang po,” masayang sagot ni Allen. “Sabi ko nga po kay Sofie, kung sakali man na nasa tamang edad na, liligawan ko s’ya. At least kilala na po namin ang isa’t isa, ’di ba? 

Ang dami na naming pinagsamahan. Madali na lang. Wala nang ligaw-ligaw,” confident na sabi pa n’ya.

Napa-“wow” at natawa tuloy si Sofia sa kompiyansang sagot na ito ng leading man n’ya.

Natanong naman si Allen kung ano ba sa tingin niya ang tamang edad for him para ligawan n’ya si Sofia. 

Siguro…siguro mga 30 [years old], ganu’n. Hahaha!” sagot ng aktor.

Nawindang naman si Sofia sa sinabing ito ni Allen.

Ilan? Thirty? Parang ang tanda! Hahaha!” bulalas ng young actress.

Pak’wela pa ng StarStruck Season 7 alumnus sa kanya, “Pag mga 30 [years old] na ako. S’yempre, mga 27 ka nu’n.

Paliwanag pa n’ya sa press, “Basta ma-ano namin ni Sofie na successful na kami sa pangarap namin. Kahit anong age ’yan basta okey na po lahat.”

Sey naman ni Sofia, nagulat daw s’ya sa sinabi ni Allen dahil malayo umano ’yon sa edad na naiisip n’ya. 

Okey lang naman po. Natawa lang ako. Kasi usually, lahat ng naririnig ko, ‘Siguro po mga 21, 22, 23…’ Ito naman nagulat ako, 30,” tawang-tawang lahad n’ya.

Kaya naman napilitan pag mag-explain si Allen. 

Hindi, kasi ’yong 30 na ’yon kasal na ’yon,” pagtutuwid n’ya. “S’yempre, ’yong ibang age, ano lang po ’yon parang vacation, ’di ba? Hahaha!”

At nang matanong na ang dalawa sa kung ano na talaga ang kasalukuyang estado ng relasyon nila, may kilig na sagot ni Sofia, “Bestfriends po.” 

Opo, sobrang close,” dagdag pa ni Allen.

Maliban sa napapanood sila Sofia at Allen sa umeere ngayon na Prima Donnas, masusubaybayan na rin ng kanilang fans ang characters nilang sina Raya at Gavin sa Raya Sirena ngayong miniseries na ito. Magsisimula na itong mapanood sa April 24 sa GMA Network.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.