Aljur Abrenica, nag-sorry sa kanyang mga anak: “Pasensya na at umabot sa ganito.”

Tila na naninibago pa rin si Aljur sa set-up nila ngayon ng estranged wife na si Kylie Padilla pag dating sa mga bata. “Dati araw-araw kong nakakasama, ngayon palitan. So, I’m always looking forward na magkaroon ng oras sa kanila.”

PHOTO: @ajabrenica on Instagram

Tila na naninibago pa rin si Aljur sa set-up nila ngayon ng estranged wife na si Kylie Padilla pag dating sa mga bata. “Dati araw-araw kong nakakasama, ngayon palitan. So, I’m always looking forward na magkaroon ng oras sa kanila.”

Humingi ng paumanhin si Aljur Abrenica sa mga anak nila ng estranged wife n’yang si Kylie Padilla na sina Alas at Axl dahil sa nangyari sa kanilang pamilya. 

Naganap ito sa TV5’s musical reality show na Sing Galing last November 6 kung saan sumalang s’ya bilang celebrity contender.

Doon ay natanong s’ya ng mga hosts na sina K Brosas at Randy Santiago tungkol sa mga bagong update sa buhay n’ya at present. Isa na nga dito ay kung ano ba ang lagay ng puso n’ya ngayon. 

Sagot ng aktor, bagama’t hindi daw madali ang pinagdaanan n’ya ay masaya na s’ya ngayon.

Okey naman. Masaya. Hindi s’ya madali. Rollercoaster. Araw-araw lumalaban,” tugon ni Aljur sa pangungumusta ni K sa kanya. 

Hindi ko rin inakala na darating din ako sa punto na ganito… ’Yong sa estranged wife ko, talagang nangarap ako. ’Di ba, nangangarap ka nang makakasama mo habambuhay?” pagpapatuloy niya.

Pero ang na-realize ko, hindi pala lahat ng…kahit ano’ng gawin mo para hawakan ’yong isang bagay, e walang kasiguraduhan na hindi s’ya makakawala. Natutunan ko na hindi lahat ng bagay kaya mong kontrolin. Kailangan na lang nating tanggapin ’yon.

Natanong din s’ya ni Randy kung ano naman ang kinakapitan n’ya o nagsisilbing inspirasyon n’ya sa buhay. 

’Yong mga anak ko. ’Yong dalawang ’yon,” sagot ng StarStruck Season 4 alumnus. “Dati araw-araw kong nakakasama, ngayon palitan. So, I’m always looking forward na magkaroon ng oras sa kanila.

Pinaghahandaan na rin daw n’ya ang pag-aaral ng mga anak nila ni Kylie in the near future. 

“Tapos, I’m thinking of their future kasi mag-aaral na ’yang mga ’yan,” lahad pa n’ya. “Ang inspirasyon ko sila kasi…I’ll be their example, e. Nangyari na ’to at lahat-lahat pero we still have time and opportunity to be better.”

Nang mahingan s’ya ng mensahe para sa kanyang mga anak, dito na humingi ng tawad si Aljur sa mga ito. Hindi man daw successful ang marriage nila ni Kylie, sinabing n’yang ang mga anak nila ang pinakamagandang dumating sa buhay nila.

Sa mga anak ko, Alas, Axl, kung napapanood n’yo ’to, pasensya na at umabot sa ganito. Pero papa’s fine and your mama is happy. We’re both happy,” pahayag ni Aljur. 

“Don’t worry about us. Magkaibigan kami. We’re doing our best to co-parent. And kayong dalawa ang pinakamagandang nangyari sa buhay namin. 

Hindi man kami nagtagal ng mommy ninyo ay kayo ang pinakamagandang nangyari sa buhay namin,” pagtatapos n’ya.

It could be recalled na February this year nang umugong ang balitang nagkakalabuan sina Kylie at Aljur. Last July naman nang kumpirmahin ng daddy ni Kylie na si Robin Padilla na hiwalay na ang celebrity couple at third party umano—sa part ni Aljur—ang dahilan nu’n—bagay na tinatawag na “one sided story” ni Aljur.

Nitong October naman nang maghamon si Aljur kay Kylie via Facebook post na aminin kung sino ang unang nagloko sa kanila kaya nasira ang kanilang relasyon. Itinanggi naman ng aktres ang banat na ’yon ng kanyang estranged husband in her interview with Kapuso Mo, Jessica Soho. 

Sa isang media conference binawi rin ni Aljur ang kanyang mga inilahad in his deleted FB post at sinabing nadala lang daw s’ya ng kanyang emosyon. Tila nabugbog daw kasi sila ng bashing online ng napapabalitang girlfriend n’ya si AJ Raval.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.