Alfred Vargas, feeling high pa rin kahit natabunan ng Eva Darren controversy ang kanyang FAMAS best actor win

Hindi raw dismayado ang actor and QC councilor na si Alfred Vargas na ang FAMAS victory niya ay tila na-overshadow ng kontrobersya tungkol sa hindi pagkakasalang sa beteranang aktres na si Ms. Eva Darren bilang presentor ng gabi ng parangal. Imbes kasi na silang mga winners ang pinag-usapan ay kay Ms. Darren nabaling ang atensyon ng publiko.

Hindi raw dismayado ang actor and QC councilor na si Alfred Vargas na ang FAMAS victory niya ay tila na-overshadow ng kontrobersya tungkol sa hindi pagkakasalang sa beteranang aktres na si Ms. Eva Darren bilang presentor ng gabi ng parangal. Imbes kasi na silang mga winners ang pinag-usapan ay kay Ms. Darren nabaling ang atensyon ng publiko.

Sa pagkakatanda ng actor-public servant na si QC Councilor Alfred Vargas, naka-tatlong FAMAS best actor nomination na siya at sa wakas, through his movie Pieta, ay nasungkit na niya ang kauna-unahan niyang FAMAS best actor award.

 

Kahapon, June 6, nagpa-intimate thanksgiving get-together siya sa entertainment media na aniya ay kasama niya sa journey niya bilang aktor through the years.

 

Dala ang kanyang trophy, masayang ibinahagi ni Alfred ang nararamdamang fulfillment.

 

"Ako masaya lang na 'yong simple at maliit naming pelikula, napansin," tsika ng aktor, who is also the producer of Pieta. "Kasi halos lahat 'yon [mga nominated], filmfest movies. Kami indie 'yon together with Direk Louie Ignacio's movie (na Papa Mascot)."

 

Gayunpaman, sa anumang award's rite, hindi nawawalan ng controversy. Ang panalo niya tuloy ay nabahiran din ng intriga kabilang na ang akusasyong nagbayad umano siya sa FAMAS para makamit ang tropeo.

 

Madiin niyang pinabulaanan ang bagay na ito.

 

"Una, hindi po totoo 'yon. Pangalawa, sa lahat po ng nakapanood na Pieta, malalaman nila. So, sana manood sila ng Pieta. Mabigat po ang trophy," lahad niya sabay angat sa nakalapag na tropeo. "Every inch, every gram nito pinaghirapan natin kaya proud na proud po tayo."

 

Ang nilinaw niyang bayad ay para umano sa seat ng tatlong production staff ng Pieta na nagkakahalaga ng P5000 each.

 

"'Yong seat ko po, libre kasi nominee ako. E, nagsama po tayo ng mga kasama natin sa production kasi gusto rin nilang maka-experience ng award's night. 'Yong seat po nila ang may bayad kasi may kasamang dinner."

 

Kung alam nga lang daw niyang mananalo siya, sana ay isinama na niya ang buong pamilya niya. Pero hindi nga raw siya nage-expect that night. In fact, in his mind, nagko-compose na nga raw siya ng Instagram caption para i-congratulate ang mga winners including ang magiging best actor kung sinuman.

 

Isa pa sa nausisa kay Alfred ay kung hindi ba siya nadismaya na ang victory niya ay tila na-overshadow ng isa pang kontrobersya na tungkol naman sa hindi pagkakasalang sa beteranang aktres na si Ms. Eva Darren bilang presentor gayung gumayak ito at nag-abala at higit sa lahat ay nagbayad ng seats para sa sarili at mga kasama.

 

Imbes kasi na sa kanila nina Piolo Pascual (na ka-share niya sa best actor win) at Kathryn Bernardo (na siyang hinirang na best actress) mapunta ang atensyon ng publiko ay si Ms. Eva Darren ang pinag-usapan ng tao.

 

"Para sa akin, personally, hindi siya na-overshadow," lahad ni Kon. Alfred. "Para sa akin, in my own experience...kasi sa tuwing hawak ko itong trophy na ito, sobrang saya ko pa rin and I'm so honored. Ang bigat-bigat ng trophy. So, siguro, kung ano 'yong iisipin ng iba, hindi na importante sa akin. Basta meron tayong na-achive ngayon sa FAMAS. At the end of the day, na-recognize 'yong ginawa natin sa Pieta. Ang saya-saya ko na.

 

"Actually, that night, katabi ko 'tong natulog," natatawang pag-amin niya sabay hawak muli sa trophy. "Ginawa kong unan 'yong trophy. Haha! Well, actually, hindi naman ako nakatulog sobrang saya.

 

"To answer the question, 'yong ibang issues, hindi naman siya na-affect sa akin in terms of happiness, in terms of feeling proud, in terms of the feeling of accomplishment and meaning. Hanggang ngayon, medyo high ako sa pagkakapanalo natin. I'm just happy to bring this trophy to people who I want to share it with and kasama kayo do'n."

 

Natanong din si Alfred kung hindi rin ba siya nadismayang may ka-tie pa siya sa best actor win n'ya in the form of Piolo Pascual for Mallari. Mas masarap nga namang namnamin kung solo niya ang parangal. Aniya, wala rin daw epekto ito sa kasiyahang nararamdaman niya. In fact, proud pa nga raw siya dahil maging noong nasa Talent Center (tawag sa Star Magic noon) pa siya ng ABS-CBN ay nilu-look up na niya si Piolo.

 

Ang Pieta ang ika-limang pelikulang iprinodyus at pinagbidahan ni Alfred through his Alternative Vision Cinemas production. Ang iba pa ay ang Supremo (2012), Separados (2014), Ang Guro Ko na Di Marunong Magbasa (2017), at Tagpuan (2020).

 

Hindi raw akalain ni Kon. Alfred na lalaki nang ganito ang casting ng kanyang pelikula. Ang goal lang daw niya ay maka-trabaho ang National Artist for Film and Broadcast na si Nora Aunor. Pero sa tulong ni Direk Adolf Alix, Jr. ay nagka-Gina Alajar, Bembol Roco, at Jaclyn Jose pa sila. Hndi na nga raw niya alam kung paano pa niya mata-top ito sa next project nila.

 

Samantala, as per request umano ng mga Noranians, muling mapapanood ang Pieta—via special screenings—sa mga SM Cinemas. Pina-plantsa lang daw nila ang ilang detalye. But they will announce soon. They'e also planning to tour the movie sa buong Pilipinas at maging sa abroad.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.