Alden Richards opens up about ghosting Julie Anne San Jose before; says he asked her forgiveness for it

Alden Richards recalls telling Julie Anne San Jose this: “I'm really sorry for what happened. Iniwan kita. There's no one to blame but me. And I'm very sorry. Sana napatawad mo na ako."

Photos: @aldenrichards02 / @myjaps

Alden Richards recalls telling Julie Anne San Jose this: “I'm really sorry for what happened. Iniwan kita. There's no one to blame but me. And I'm very sorry. Sana napatawad mo na ako."

Walang nakapigil kay Alden Richards na aminin na muntik na niyang maging girlfriend noon si Julie Anne San Jose.

Sa naging interview ng Asia’s Multimedia Star sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules (January 25), sinagot ni Alden ang tanong ni Kuya Boy kung sino sa mga artistang na-link sa kanya ang muntik na niyang maging girlfriend.

Sagot ni Alden ay sina Winwyn Marquez at Julie Anne San Jose.

Sa follow-up ni Kuya Boy, tinanong nito si Alden kung bakit hindi natuloy ang kanilang relasyon ni Julie?

Kinuwento naman ni Alden kasalanan daw niya kung bakit naudlot ang dapat na magiging relasyon nila ng Asia’s Limitless Star. 

“It was my fault po Tito Boy. I decided to focus na lang talaga sa work,” madamdaming pag-amin ng aktor.

Taong 2013 noong unang ma-link sina Alden at Julie dahil sa naging malapit sila sa isa’t isa noon sa set ng Party Pilipinas. 

Pinagtambal din sila sa pumalit sa Party Pilipinas na Sunday Pinasaya noong 2015.

Biglang naman sumikat noong taong ding iyon ang tambalan nila Alden at Maine Mendoza na AlDub sa Eat Bulaga!

Naging Phenomenal Love Team ang AlDub dahil sa hit segment ng EB na Kalyeserye. Nagtambal din sila sa pelikulang My Bebe Love #KiligPaMore in 2015 at sa teleserye na Destined To Be Yours in 2017. Nagsama rin sa maraming TV commercials at product endorsements ang AlDub.

Kinuwento pa ni Alden na kinausap niya na noon si Julie sa rehearsal ng Sunday Pinasaya upang humingi ng tawad dahil “naiwan ko po siya.”

Alden recalls telling Julie Anne this: “I'm really sorry for what happened. Iniwan kita. There's no one to blame but me. And I'm very sorry. Sana napatawad mo na ako."

Dahil sa pangyayaring iyon, pitong taong silang hindi nag-usap ni Julie. Pero naka-move on silang dalawa at magkaibigan na sila ngayon.

“Naniniwala po kasi ako that time really heals everything. Mahirap po kasi ipilit kahit gusto mong magka-ayos kayo, pero 'yung panahon hindi pa tama kasi sariwa pa ang sugat. And hindi po natin madidikta sa puso natin kung kailan gagaling 'yun,” sey pa ni Alden.

Ngayon ay karelasyon na ni Julie si Rayver Cruz at sikat ang tambalan nila na JulieVer na nabuo sa Sunday variety show na All Star Sundays. 

Si Alden naman kahit na nakatambal ang iba’t ibang aktres, nananatili pa ring walang lovelife.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Lady CEO, patay na patay kay Alden Richards

Alden Richards, pinaratangang “financer ng mga kulto” kaya tahimik umano sa "mag-asawa" at "may anak" issue nila ni Maine Mendoza

Kahit dumaan sa mga mapapait na karanasan sa showbiz, hindi raw mahirap maging Alden Richards; “Masayang maging Alden Richards.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.