Alden at Janine, bawal mapiktyurang magkasama?

Text & Video by Anna Pingol

Text & Video by Anna Pingol

First time naka-attend ang mga entertainment press sa isang press conference kung saan ang bidang lalaki at ang leading lady nito ay tila bawal ma-piktyuran at ma-interview manlang na magkasama. Ito ang agad nahalata ng mga press people sa ginanap na grand presscon kamakailan ng Victor Magtanggol (na nag-TV premiere noong July 30) kung saan bida si Alden Richards at kapareha niya si Janine Gutierrez.

Given naman na solong ii-introduce si Alden bilang siya ang superhero title role, pero isinama lamang sa isang grupo ng mga co-stars si Janine at ni hIndi manlang inilapit sa pag-i-intro kay Alden. Maging sa group picture ng buong cast ay magkalayong-magkalayo pa rin sina Alden at Janine. At nang humihiling na ang mga press people na pagtabihin ang dalawa later on sa picture-taking ay patay-malisyang bumababa na sa stage si Janine habang nag-busy naman si Alden na magpa-picture nang solo.

Magkahiwalay na solo table interviews nalang din ang naganap sa dalawa at never silang napagsama sa interview kagaya nang ginagawa sa ibang mga TV or movie tandems. Wala namang direktang sinabi ang mga namamahala ng presscon na bawal silang mapiktyuran together o ma-interview. Wala ring direktang pagbabawal sa mga press people na tanungin ang either sa kanila tungkol sa AlDub or kay Maine Mendoza pero halatang mong asiwa sila, lalo na si Janine, kapag dito na pumupunta ang topic.

Hindi na rin naman nagpumilit pa ang karamihan sa mga members of the press na naroon dahil naiintindihan naman nilang makakatikim lamang ng batikos ang dalawa, pati na rin ang show, mula sa mga protective fans ng AlDub tandem na tila karamihan ay hindi pa matanggap na sa buhay-artista ng kanilang mga idolo ay kailangan nila paminsan-minsang kumawala sa loveteam at gumawa ng iba pang projects na hindi naka-angkla sa loveteam.

Hindi pa man kasi nasisimulan ang Victor Magtanggol ay nakakatanggap na ng batikos si Alden at Janine mula sa mga bashers. Ayaw nalang siguro ng dalawa na bigyan pa ang mga bashers ng bagong anggulong paghuhugutan na naman nila ng pangba-bash.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.