Albie Casiño, ready nang i-level up ang pagpapa-sexy; “Meron na bang Vivamax King? If none, I’ll take that crown.”

Hindi umano takot ma-typecast si Albie Casiño sa mga gay and sexy roles dahil marami na umano s’yang nagawang mga ganito in the past. “I’m not scared to get ‘typecasted’ if that makes sense, because with my catalog naman, you can see na I can play the gay role, I can play the good guy, I can play the bad guy. I’d like to think na I’m versatile,” palabang sabi n’ya.

PHOTOS: Melo Balingit & @thestallion09 on Instagram

Hindi umano takot ma-typecast si Albie Casiño sa mga gay and sexy roles dahil marami na umano s’yang nagawang mga ganito in the past. “I’m not scared to get ‘typecasted’ if that makes sense, because with my catalog naman, you can see na I can play the gay role, I can play the good guy, I can play the bad guy. I’d like to think na I’m versatile,” palabang sabi n’ya.

Para sa 30-year-old actor and fitness enthusiast na si Albie Casiño, full circle ang paglipat n’ya sa Viva dahil dito raw ang nangyari ang pinakauna audition na pinuntahan n’ya noong nangangarap pa lang s’ya na maging artista.

Iyan ang sinabi n’ya sa exclusive interview n’ya with pikapika.ph nitong September 5 right after he signed an exclusive management and movie contract with Viva

Parang familiar s’ya pag pasok ko, e. And then I realized, nu’ng hindi pa ako nag-aartista, isa sa pinakauna kong go-see or audition na pinuntahan, dito sa Viva office na ’to,” masayang pagbabahagi ni Albie sa amin. 

“Third year high school pa ako nu’n. Third year high school…14 or 15 years ago na ’yon, ’di ba?” saad pa n’ya.

Kinumusta din namin ang former Star Magic artist kung paano ang naging pagpapaalam n’ya sa kanyang previous management. 

Kuwento n’ya, natapos na raw talaga ang kontrata n’ya doon at maayos din umano s’yang nagpaalam sa kanyang dating manager na si Leo Dominguez. 

Mahirap nga, e, kasi nu’ng una, wala ’yong manager ko dito sa Philippines. He was in Europe for a certain amount of weeks…three weeks ata. So I had to wait, of course, ’di ba? Pero, in all honesty, tapos na ’yong contract ko,” he shared. 

Mahabang panahon din daw ang pinagsamahan nila ni Leo kaya medyo mahirap din umanong magpaalam dahil parang pamilya na raw ang turing n’ya rito. 

“We we’re working together for nine years. So it’s very hard din talaga to have a conversation kasi, you know what I mean, kahit anong sabihin mo, you spent that much time with someone. Parang family mo na ’yon,” paliwanag pa n’ya.

Wala rin daw s’yang masabi sa dati n’yang manager kundi nice words. However, gusto rin umano n’ya this time na mag-explore. 

“Never naman n’ya ako binigo, like, I was always visible, I had work. It was really just me… Because I believe in the saying ‘You can’t grow in your comfort zone,’” sabi ni Albie.

Alam mo ’yon, sobrang comfortable ko na sa kanya so I felt like, paano mag-e-evolve, paano magbabago ’yong career ko, trajectory ng path ko if I’m not doing anything different? Paano magle-level up?” pagpapatuloy pa n’ya.

Nagkataon naman daw na may mga nakausap s’yang mga taga-Viva kaya na-offer-an s’ya ng management and movie contract.

Matagal na rin kasing nasa Viva ang mga tropa n’yang sina Marco Gumabao at Gab Lagman

Parang timing lang din talaga na tapos na ang mga contracts ko with my previous managers and then I was able to meet with people here in Viva. I’m happy na they want me here,” nakangiting sabi n’ya.

At ngayong talent na s’ya ng Viva, game daw sumabak sa mga palabang roles itong si Albie.

Katunayan, kung naging daring s’ya sa Vivamax movies n’ya na Biyak at Moonlight Butterfly, bukas daw s’ya na mas i-level up pa ang pagpapa-sexy sa pelikula.

Gusto nga raw n’yang mabansagan na “hari” ng Vivamax. 

“Ready na ako. Meron na bang Vivamax King? If none, I’ll take that crown. Hahaha! ’Di ba? Ready ako for that,” natatawang sabi n’ya sa amin.

S’yempre, tatanggap pa rin naman daw s’ya ng mga wholesome roles.

“Of course. That’s something na never ako natakot sa career ko,” aniya.

Kung titingnan nga naman, marami na s’yang nagawang roles na kadalasang tinatanggihan ng ibang mga aktor. 

“If you look back at my career, ang dami kong pini-play na gay roles. Actually, my best actor [award], sa MMK [Maalaala Mo Kaya] ko nakuha ’yon, e. I played a transgender woman,” paglalahad n’ya.

“I’m not scared to get ‘typecasted’ if that makes sense, because with my catalog naman, you can see na I can play the gay role, I can play the good guy, I can play the bad guy. I’d like to think na I’m versatile,” palabang sabi pa n’ya.

Nae-enjoy ko s’ya lahat, sa totoo lang ha. Hindi ako natatakot to accept the same role because I’d like to think na good actor can do similar role differently. Just because it’s a similar role doesn’t mean na parehas ang gagawin,” pagtatapos ng aktor.

Congratulations, Albie!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Albie Casiño gamely answers pikapika’s Random NAUGHTY Questions

Albie Casiño, mabilis naka-move on kay Andi Eigenmann pero natagalan kay Dawn Jimenez

Dahil dyslexic, Albie Casiño, takot mag-hosting noon; ngayong nagso-showbiz na, TikTokerist Yukii Takahashi, ready na daw sa bashers

Para kay Albie Casiño, "medyo outdated" na ang konsepto ng kasal; "I believe marriage can work. Pero I don’t know if it will work for me.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.