GMA-7’s Primetime Queen Marian Rivera turned 34 last August 12 at ilang magkaka-hiwalay na party ang inihandog ng mga kaibigan at mahal niya sa buhay. Ang pinaka-huli dito ay ang pa-birthday dinner mismo ng asawa niyang si Dingdong Dantes na ginanap sa Solaire Resort & Casino, kung saan din nila pinagsaluhan ang unang gabi ng kanilang pagiging mag-asawa noong December 30, 2014.
Ang intimate ngunit bonggang salu-salo ay dinaluhan ng pamilya at piling kaibigan ng birthday girl mula sa loob at labas ng showbiz.
At sa gabi ding yon, natural na naging agaw-pansin ang ka-kyutan at pagka-bibo ng panganay ng mag-asawa na si Baby Letizia (also fondly called Baby Zia or Z), who is turning three this coming November.
Sa video na na-post sa Instagram account na @dmzdantes (na obvious na binuo to curate ang regramm positive social media posts regarding the Dantes family), makikitang mas nakatuon ang pansin ng mga bisita kay Baby Z, kaysa sa birthday girl na busy din namang nakatugaygay sa kanya.
Isa sa mga nakaka-aliw na video posts sa nasabing IG account ay ang pagkaka-capture kay Baby Zia habang sinasagot ang tanong ng Mommy Marian niya kung ano ang birthday wish niya para dito.
Eto ang naging sagot niya:
Hindi pa natapos doon ang lahat dahil after that, hindi nagdalawang-salita si Marian nang hilingan niya na kantahan siya nito.
Bukod sa feel na feel na rendition niya ng Moana song na “How Far I’ll Go,” bigay-todo rin ang naging pag-birit ni Baby Z ng cute na cute na version niya ng “Bahay Kubo.”
Heto ulit si Zia: