Alamat member na si Tomas, aminadong mabilis ma-fall; ma-in love kaya agad sa ka-loveteam niyang si Heart Ryan?

Kabilang ang talented Viva artist na si Thomas Franco Rodriguez—o mas kilala ngayon bilang si Alamat Tomas ng hit P-pop group na Alamat—sa romcom movie'ng Girlfriend Na Pwede Na na kinatatampukan ng longtime celebrity couple na sina Kim Molina and Jerald Napoles, at ng Viva leading man na si Gab Lagman. Dito ay inila-loveteam siya sa magandang LITZ girl group member na si Heart Ryan, na crush daw n'ya in real life.

PHOTOS: @alamat_official & @heart_ryane on Instagram

Kabilang ang talented Viva artist na si Thomas Franco Rodriguez—o mas kilala ngayon bilang si Alamat Tomas ng hit P-pop group na Alamat—sa romcom movie'ng Girlfriend Na Pwede Na na kinatatampukan ng longtime celebrity couple na sina Kim Molina and Jerald Napoles, at ng Viva leading man na si Gab Lagman. Dito ay inila-loveteam siya sa magandang LITZ girl group member na si Heart Ryan, na crush daw n'ya in real life.

Umamin ang singer-actor na si Thomas Franco Rodriguez o mas kilala ngayon bilang si Alamat Tomas ng hit P-pop group na Alamat na marupok daw ang kanyang puso pag dating sa usapin ng pag-ibig.

Inilahad n’ya ito sa exclusive virtual interview n’ya with pikapika.ph kamakailan.

Kabilang ang talented Viva artist sa upcoming romantic comedy film na Girlfriend Na Pwede Na na kinatatampukan ng longtime celebrity couple na sina Kim Molina and Jerald Napoles, at ng Viva leading man na si Gab Lagman.

At base sa title ng pelikula ay natanong namin si Tomas kung kaya ba n’yang pumasok sa isang relasyon kung saan magkakaroon s’ya ng girlfriend na “p’wede na.”

Pag-amin ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemate, mabilis daw s’yang mapa-ibig kahit na hindi naman daw n’ya gusto ang isang babae sa simula. 

Ano kasi ako, e… ’Yong tao kahit di ko talaga gusto, pag nakita ko ’yong magandang loob, nai-in love ako. Mabilis ako ma-in love, promise," natatawang pag-amin ng kalog na Bicolano acting newbie. "Sobra, sobrang rupok ko.” 

Ganu’n pa man, kinikilatis naman daw n’ya muna ito. 

Pag una ko kasing ma-meet ’yong babae, tinitingnan ko s’yempre ’yong mga una mong makikita...Mukha, katawan, kung paano s’ya makipag-usap. Minsan kasi nakikita mo na ’yong ugali doon,” paliwanag n’ya.

“And habang tumatagal doon ko makikita na ‘Deserve ba talaga itong mahalin?’ Pag Nakita ko ’yon, ayan, and’yan na ako. Parang magugustuhan ko na talaga ’yong tao. Kaya kong mahalin ’yong taong sa una hindi ko naman talaga gusto,” dagdag pa n’ya. 

Nabiro tuloy namin s’ya na baka sa bilis n’yang ma-fall ay mauwi s’ya sa pagiging chick boy.

Natawa na lang s’ya at ipinuntong medyo malabo din ’yong mangyari dahil may pagkapihikan daw s’ya pagpili sa babae kapag pakikipagrelasyon na ang usapan.

Hala… Hindi. Actually, mapili ako. Mapili ako, masyadong akong picky pag pipili ng isang karelasyon, sobra,” paglilinaw n’ya.

Kung hindi n’yo po natatanong ang naging girlfriend ko pa lang po is isa. Sobrang mapili ako sa babae. Ewan ko, baka ang taas ng standards ko,” saad pa n’ya.

Muling biro naming sa kanya, baka panahon na para magkaroon s’ya ng bagong kasintahan.

Hindi ko s’ya hinahanap. Darating ’yan. Sure ako,” pagtitiyak ni Tomas. “Sa ngayon mag-focus muna ako sa mga pangarap ko. S’yempre, ’yong family ko gusto ko bigyan ng magandang buhay.

Paano naman kaya kung sakaling mag-boom na ang tandem nila ng itinatambal sa kanya ngayon na si Heart Ryan? Magka-love team kasi sila, bukod sa KimJe couple, sa pelikulang Girlfriend Na Pwede Na. Agad din kaya syang ma-fall?

(Si Heart Ryan ay isa sa magagandang miyembro ng all-girl Viva P-Pop group na LITZ.)

Ang role ko sa movie, hindi ko kapatid si Kuya Je pero parang kapatid ang turing niya sa akin,” kuwento niya. “Tapos, si Heart, crush ko...”

Linawin natin yan, putol namin sa kanya. Crush sa movie o in real life?

“In real life din po,” nangingiti-ngiting pagko-confess n'ya, “Hindi naman s’ya mahirap maging crush. Ang ganda-ganda n’ya kaya? And single ako. Hindi naman maiwasan na maging crush ko s’ya.

S’yempre, sa first appearance pa lang ’yon. Magde-deep pa lang ’yong crush na ’yon kung makikilala ko s’ya sa katagalan, ’di ba?

Pagbibida pa n’ya, mabenta daw kay Heart ang mga pamatay n’yang banat noong magkasama sila sa set. 

Si Heart, pag pina-practice namin ’yong lines, binabanat ko sa kanya, natatawa s’ya, e. Pag nag-deliver kasi ako ng banat, feeling ko totoo talaga ’yong banat,” pagre-recall ng talented actor.

Ganu’n talaga ako. And natatawa s’ya. Pag nagde-deliver kasi ako ng lines… Ewan ko, nakakatawa. Kahit wala akong ginagawang nakakatawa natatawa s’ya.”

Nausisa pa namin kung ano-ano naman kaya ang na-discover n’ya na pagkakapareho nila noong time na magkasama sila sa set.

Parang kulang ’yong information na natanong ko nu’ng nag-usap kami. Hindi ko natanong ’yong mga ganyan,” natatawang sagot n’ya.

Tingin n’ya, mukhang pareho daw silang choosy pag dating sa pagpili ng taong mamahalin. 

Pero feeling ko sa ugali [pareho kami] kasi nu’ng nakasama ko naman s’ya, feeling ko parehas kami du’n sa part na pumipili talaga ng taong makakasama,” lahad ni Tomas.

Pumipili kami ng mga tao na feeling namin ’yong tunay sa amin. Base lang naman sa mga pagtatanong-tanong ko sa kanya at pag-uusap namin, feeling ko parehas kaming ganu’n.

At nang matanong na kung nayaya na ba n’yang lumabas si Heart nang silang dalawa lang ay natigilan at napangiti na lang si Tomas. 

Hindi kami lumabas pero tumambay kami [malapit sa] Viva [office]. Kasi ’yong studio nila, katabi lang naman sa amin. Tumambay lang, kuwentuhan lang,” pagbabahagi n’ya. 

Babawi kaya s’ya ngayong magkikita silang muli sa red-carpet premiere ng kanilang pelikula mamayang gabi sa SM Megamall?

Tatanungin ko s’ya kung wala s’yang kasabay. Kasi meron naman akong sasakyan. P’wede namang sabay na kami para hindi na s’ya mamasahe,” saad ni Tomas.

Katunayan, naihanda na daw n’ya ang kanyang isusuot para naman ma-pogian sa kanya si Heart. 

“Actually, bago po ako [naupo dito] for interview, nag-fit na ako ng damit. Tiningnan ko. Sabi ko, ‘Pogi ba ako dito?’ Feeling ko date ’yong pupuntahan ko, e. Kaya ayon, pinaghandaan ko,” natatawang pagbabahagi pa n’ya.

Sakaling magustuhan ng mga manonood ang kanilang tambalan, handa naman kaya sila na muling magtambal sa pelikula kung saan sila na mismo ang bida?

“Ready na ’yan. Ready na ’yan anytime. Hindi naman p’wedeng hindi,” nae-excite na sagot ni Tomas. 

Para makarami, ’di ba, ng mga [magagawang] movies. And s’yempre, looking forward ako na magkakilala pa kami nang mas malalim,” pagtatapos n’ya.

Mapapanood sina Tomas at Heart sa pelikulang Girfriend Na P'wede Na, kasama nina Kim Molina, Jerald Napoles, at Gab Lagman, simula January 18 sa mga sinehan nationwide.

Samantala, get to know Tomas more, dito:

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.