Ang buhay at mga awitin ni Rey Valera ay isinalin na sa pelikula sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera. At deserve naman niyang magka-biopic dahil isa siya sa mga OPM singers-composers natin ang mga awitin ay tunay na humaplos sa puso ng maraming Pinoy gaya ng “Kumusta Ka,” “Mr. D.J.,” “Pangako,” “Kung Kailangan Mo Ako,” “Tayong Dalawa,” “Maging Sino Ka Man,” “Walang Kapalit,” “Ako si Superman,” at ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok."
Pero among his hit songs, masasabi raw niyang ang “Ako si Superman" ang talagang naglalarawan ng kung ano siya ngayon.
“Ang tingin ko, I am somebody when you’re with me...kayong mga tumangkilik ng awitin ko. Pero kapag wala kayo, e, sino naman ako?”
At dahil nga up to now ay buhay na buhay pa rin ang kanyang mga awitin, maligaya raw s'ya na ang mga awitin n'ya ay naging bahagi na ng buhay ng mga Pilipino dahil iyon naman daw ang purpose, ang maka-touch ng buhay.
“S'yempre, honored ka, pero ang ekplanasyon ko ro’n, gumagawa naman ako ng kanta, hindi pa raw sa akin kung hindi para sa inyo. Meaning, kung tinamaan ka diyan, anuman edad mo, dahil ginawa ito para sa'yo, mararamdaman mo ‘yon.”
At ngayon nga, isa sa mga official entries sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko." Ipinagmamalaki ng singer-composer na maganda umano ang kinalabasan ng kanyang pelikula. Aniya, malaking bagay daw na ang mismong writer-director ng pelikula na si Direk Joven Tan ay isa rin mahusay na composer.
(Joven Tan is the brains behind "Ano'ng Nangyari sa Ating Dalawa" na inawit ni Ice Seguerra.)
“Magugulat ka, iba siya sa usual mong Filipino movie," pagbibida niya. "Halo-halo siya. Hindi siya musical, hindi siya pure biography. Kapag napanood mo, habang nanonood ka, puro puso, pero ‘pag-uwi mo, saka mo lang mari-realize. Ang tama sa ‘yo, sa puso muna, then, sa isip.”
When asked if he had a hand in picking the actor who would portray him...
“Ang biro ko lang, baka si Piolo Pascual ako,” natawang sabi niya. “Palagi ‘kong joke ‘yan...na napagkakamalan akong si Piolo Pascual. Pero, wala, wala akong sinabi. Full trust ako sa creativity ni Direk.
“Although, s'yempre, nakaka-nerbiyos. Kung magkamali siya [nang pagpili], damay ako, e.”
Bit kudos to RK Bagatsing, who ended up with the role, dahil napangatawanan naman niya ang maging Rey Valera onscreen.
Samantala, ayon kay Rey, wala raw siyang itinago kay Direk Joven, who as mentioned earlier, ay siya ring nagsulat ng script.
Pero biniro namin ang music genius na tila wala sa pelilkula ang tungkol sa isang aktres na minsang na-link sa kanya.
“Inamin ko sa kanya [Joven] 'yon,” natatawang sabi niya.
Hindi na niya binanggit ang pangalan ng actress, pero sumang-ayon siya nang sabihin namin na ang initial ay A.M.
“Aga Muhlach ‘yan,” biro pa niya.
Pero hindi na raw ito isinama pa sa kuwento dahil hindi naman daw relevant sa kabuuan ng kuwento.
“Kasi, wala naman talaga kaming totoong naging relasyon. Parang paghanga lang. Ano lang ‘yon, parang may balak na pelikulang gawin noon. So, nauna muna ang alingasngas na ‘yon, although hindi naman natuloy ang movie.”
Hindi rin naman daw umabot sa niligawan niya ito.
But he assures na kahit wala ang intrigang ito sa pelikula n'ya ay mananatiling interesting lalo pa't bukod sa ensemble cast—including Gardo Versoza, Gelli de Belen, Ariel Rivera, Rosanna Roces, at Christopher de Leon—makikita raw ng audience ang kanyang matitinding pinagdaanan bago naging Rey Valera. At s'yempre, highlight ang mga awitin niya. At malamang sa hindi, isa doon ay naging theme song ng buhay ng sinumang manonood.
Ang Kahit Maputi na ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) ay mapapanood na starting April 8, in cinemas nationwide.
YOU MAY ALSO LIKE:
On-the-Set LOOK: Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)
Rey Valera reveals story behind 1981 hit song “Walang Kapalit”
Rey Valera, nilabanan ang depression sa pamamagitan ng pagkanta
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber