AJ Raval pens a tribute for dad Jeric Raval: “You will always be the first man I ever loved.”

Matatandaang nagpahayag ng suporta si Jeric Raval sa relasyon ng anak n’yang si AJ Raval at nobyo nitong si Aljur Abrenica. Sa interview nito with Fast Talk With Boy Abunda last August, sinabi nitong hindi s’ya tutol sa relasyon ng dalawa pero may pakiusap lang s’ya sa aktor. Iyon ay ang pakasalan nito ang anak n’ya kapag napawalang-bisa na ng aktor ang kasal nito kay Kylie Padilla.

PHOTO: @ajravsss on Instagram

Matatandaang nagpahayag ng suporta si Jeric Raval sa relasyon ng anak n’yang si AJ Raval at nobyo nitong si Aljur Abrenica. Sa interview nito with Fast Talk With Boy Abunda last August, sinabi nitong hindi s’ya tutol sa relasyon ng dalawa pero may pakiusap lang s’ya sa aktor. Iyon ay ang pakasalan nito ang anak n’ya kapag napawalang-bisa na ng aktor ang kasal nito kay Kylie Padilla.

Umiral ang pagiging sweet daughter ng sexy-drama actress na si AJ Raval.

Kahit kasi hindi naman birthday ng tatay n’yang si Jeric Raval ay heto’t my heartwarming Instagram post ang aktres para dito kahapon, October 15.

Sa kanyang social media tribute ay nagpasalamat si AJ sa kanyang ama dahil inuuna raw nito ang kaligayahan at kapakanan ng kanilang pamilya.

“Thank you for your firm commitment and guidance to ensure our happiness and well being. I appreciate the sacrifices you have made to provide for our family,” mensahe ng Vivamax actress sa kanyang tatay sa kanyang IG post.

Kalakip nito ang series of photos nilang mag-ama.

Nagpasamat din s’ya sa tatay n’ya sa mga naibahagi nitong karunungan at pagbibigay ng panahon sa kanila na mga anak nito.

“Thank you for all the Advice, wisdom and valuable lessons you have instilled in me. At ang pinaka sa lahat ay ang pag bigay mo ng oras at atensyon saamin [Red heart emoji],” pagbabahagi pa ni AJ.

Tiniyak din ng 23-year-old actress na kahit anong mangyari, ang kanyang ama ang mananatiling kanyang first love. 

“You will always be the first man I ever loved Tatay Erick [Red heart emoji],” pagtatapos n’ya.

Matatandaang nagpahayag ng suporta si Jeric sa relasyon ng anak n’yang si AJ at nobyo nitong si Aljur Abrenica.

Sa interview nito with Fast Talk With Boy Abunda last August, sinabi nitong hindi s’ya tutol sa relasyon nina AJ at Aljur pero may pakiusap lang s’ya sa aktor.

Kapag napawalang-bisa na raw ni Aljur ang kasal nito sa ex-wife nitong si Kylie Padilla, gusto umano n’yang pakasalan nito ang kanyang anak. 

‘Ayusin mo muna 'yong sarili mo, hijo. Wala naman akong problema sa inyo dahil buhay n'yo 'yan, e.’ Pagdating sa buhay pag-ibig ng anak ko hindi ko na saklaw 'yon,” pagbabahagi ni Jeric sa nasabing interview.

“‘Ang anak ko gusto kong pakasalan mo. Kapag ayos ka na, wala ka ng problema, pakasalan mo 'yong anak ko,’” dagdag pa ng seasoned actor..

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

AJ Raval, na-miss umarte sa harap ng camera; umaming awkward makipag-love scene kay Aljur Abrenica

Pika’s Pick: AJ Raval graduates from the Alternative Learning System in San Fernando, Pampanga

AJ Raval proudly reveals she had her breast implants removed

Aljur Abrenica, aware daw na masaya si Kylie Padilla para sa kanila ni AJ Raval; "Nag-uusap naman kami.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.