AJ Raval, aliw na aliw sa pagda-drag queen ng tatay niyang action star na si Jeric Raval

Bilib daw si AJ Raval sa pagiging cool at game ng tatay niyang si Jeric Raval na ayaw magpatalo sa “pagandahan” sa mga Barumbadings co-stars nitong sina Baron Geisler at Mark Anthony Fernandez. “Nakakatuwa po na makitang gano’n ’yong tatay ko kasi kilalang action star po ’yong tatay ko.”

Photos: Vivamax

Bilib daw si AJ Raval sa pagiging cool at game ng tatay niyang si Jeric Raval na ayaw magpatalo sa “pagandahan” sa mga Barumbadings co-stars nitong sina Baron Geisler at Mark Anthony Fernandez. “Nakakatuwa po na makitang gano’n ’yong tatay ko kasi kilalang action star po ’yong tatay ko.”

Hindi namin alam kung paano ang pangungumbinsing ginawa ni Direk Darryl Yap sa action stars na sina Jeric Raval at Mark Anthony Fernandez para mapaganap niya bilang mga nag-gagandahang drags queens sa Barumbadings, ang kasalukuyang sinu-shoot palang na action-comedy movie niya na tila tungkol sa mga beking hindi mo ubrang ma-bully.

Ang pangatlong “binibini” kasing si Baron Geisler ay naka-ilang beki roles na in the fast. Pero ang Jeric at Mark ay wala kaming maalala.

Moreover, meron pang Joel Torre, bilang ang balbas-saradong si Mother Joy, ang gaganap na mentor ng mg tatlong bida. 

Sa first installment ng four-volume Barumbadings mapapanood ang apat na macho-turned-beauty queens, ang Vol.1 DEAD MOTHER, DEAD ALL.

Kaya exciting kung sinu-sino pa ang casting sa volumes 3 to 4 ng panibago na namang taba-utak creation ni Darryl Yap na ito.

Nang mahingan ng pahayag ang namamayagpag din ngayong si AJ tungkol sa “pagpapaganda” ng tatay niya, sinabi niyang proud siya sa pagiging game ng tatay niyang macho.

“Nakaka-proud po...sinend-an po ako ng pictures ng tatay ko, ng mga eksena po nila sa Barumbadings,” natatawang saad ni AJ. “Nakakatuwa po na makitang gano’n ’yong tatay ko kasi kilalang action star po ’yong tatay ko.”

“At action star po siya sa movie, action star din po siya sa bahay...gano’n po siya,” dagdag-info pa ni AJ na hindi naman nag-elaborate. “So, nakakatuwa po na makita po siyang gumanap bilang bading. Sobrang proud po ako ngayon sa kanya.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

AJ Raval at Sean De Guzman, “nagkakitaan na” kaya wala ng ilangan

AJ Raval, napikon sa “virginity” question sa press conference ng Taya

AJ Raval, gustong isampal sa sugalerong ex-boyfriend ang pelikula niyang Taya “para matutunan niya na wag kang maging sugapa.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.