Aiko Melendez, touched na touched sa pagbibigay-oras ni VP Sara Duterte sa kanyang 47th birthday

“Maraming salamat po sa inyong lahat. Napakasaya ko na nakikita ko kayo ngayon, na you went out of your way para pumunta dito ngayong gabi, sa kabisihan nating lahat sa mga parties dahil dalawang taon tayong walang mga party, at sa pagsuong niyo sa napakatinding traffic sa mga kalye. Mas lalo kong napatunayan na marami ang nagmamahal sa akin at mahal ko kayong lahat."—excerpt from Aiko Melendez's birthday speech

Photos: Aiko Melendez Facebook page

“Maraming salamat po sa inyong lahat. Napakasaya ko na nakikita ko kayo ngayon, na you went out of your way para pumunta dito ngayong gabi, sa kabisihan nating lahat sa mga parties dahil dalawang taon tayong walang mga party, at sa pagsuong niyo sa napakatinding traffic sa mga kalye. Mas lalo kong napatunayan na marami ang nagmamahal sa akin at mahal ko kayong lahat."—excerpt from Aiko Melendez's birthday speech

Ngayong araw, December 16, ang tunay na kaarawan ng aktres at public servant na si Aiko Melendez.

Pero ginanap ang celebration ng kanyang 47th birthday in advance kagabi, December 15, sa Super Sam restaurant sa Quezon City.

Seksing-seksing ang birthday girl sa kanyang Havana-themed cocktail dress na gawa ng designer na si Edwin Tan.

Merry mix of showbiz and politics ang namataan naming mga bisita doon. Ang hanay ng mga taga-pulitika ay pinangunahan ni Philippine Vice-President Sara Duterte, Senator Bong Go, Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang magkapatid na sina Quezon City 5th District Congressman PM at QC Fifth District Councilor Alfred Vargas, at Narvacan (Ilocos Sur) Mayor Chavit Singson.

Super touched si Aiko na pinaglaanan s'ya ng oras ni VP Sara. Sa kanyang eventual Facebook post, taos-puso siyang nagpasalamat dito at sinabing hindi siya nagkamali ng sinuportahan.

Sa hanay naman ng showbiz, ilan sa mga namataan namin ay sina Ogie Diaz, ang manager Aiko; ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters co-start niyang si Thea Tolentino kasama ang kasintahan niyang PAL Express pilot na si Martin San Miguel; at ang mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde. Sayang at hindi nakarating si Congressman Arjo Atayde, anak nina Sylvia at Art, due to a prior commitment.

Naroroon din sa masayang party ni Aiko ang iba pa niyang mga kaibigan gaya nina Sunshine Cruz, Vina Morales, ang film producer and Unfiltered CEO na si Rina Navarro, Katrina Halilina, at ang balik-Pinas na si BB Gandanghari.

S'yempre naman, hindi nawawala sa tabi ni Aiko ang kanyang “Mr. Right,” ang kasintahang niyang si Zambales District 1 Representative Jay Khonghun.

Present din s'yempre ang forever young-looking mommy ni Aiko na si Mommy Elsie at s'yempre pa, ang dalawang “kayamanan” ni Aiko sa buhay, ang mga anak niyang sina Andre Yllana at Marthena Jickain. 

Ang paborirong bandang South Border ni Aiko ang nag-provide ng entertainment. Napakanta pa nga ang birthday girl onstage ng hit song nilang "Kahit Kailan."

At exactly 12 midnight, masayang kinantahan si Aiko ng mga bisita ng "Happy Birthday" song at saka  niya hinipan ang solo candle sa kanyang fruit-decorated cake.

In her speech, isa-isang pinasalamatan ni Aiko ang kanyang mga bisita—as in literal na inisa-isa niyang banggitin ang lahat ng nasa loob ng venue. Pero higit ang pasasalamat nya sa mga mahal  nya sa buhay—mga kapatid, ang kanyang Mommy Elsie, mga anak na sina Marthena at Andre, at ang kalahati ng puso niyang si Cong, Jay.

In part, she says: “Maraming salamat po sa inyong lahat. Napakasaya ko na nakikita ko kayo ngayon, na you went out of your way para pumunta dito ngayong gabi, sa kabisihan nating lahat sa mga parties dahil dalawang taon tayong walang mga party, at sa pagsuong niyo sa napakatinding traffic sa mga kalye.

"Mas lalo kong napatunayan na marami ang nagmamahal sa akin at mahal ko kayong lahat.

“S'yempre sa mga anak ko, Marthena and Andre, blessing kayo sa buhay ko, of course my dearest mommy Elsie, sa mga kapatid ko, mahal na mahal ko kayo... and of course sa nag-iisang Congressman ng buhay ko, si Cong Jay, mahal na mahal kita.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aiko Melendez, napapa-isip nang magpa-freeze ng eggs niya for a possible third child

Panawagan ni Aiko Melendez sa publiko, lawakan ang pang-unawa sa pagkuha ng Shopee kay Toni Gonzaga bilang endorser

Aiko Melendez, Thea Tolentino, Angel Guardian, and Beauty Gonzalez lead stellar cast of Mano Po Legacy: The Flower Sisters

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.