Sa kanyang Facebook post kagabi, February 1, idinaan ng actress-politician na si Aiko Melendez ang kanyang pagkadismaya sa serbisyo ng isang airline company.
Hindi raw kasi n’ya mawari kung ano'ng nangyari at bakit nagkaroon ng sira ang kanyang mamahaling maleta kaya’t kinuwestiyon n’ya ang airline company na kanilang sinakyan pa-Taiwan.
“Philippine Airlines what happened with our luggage? Our belongings should be treated with care. It was not a full flight, but I’m wondering what went wrong [Disappointed face emoji],” imbyernang pagko-call out ni Aiko.
Kalakip nito ang ilang photos kung saan makikitang may sira ang lower portion ng maleta.
“Rimowa is known to be a heavy-duty luggage it takes a lot of force for this be damaged. [Disappointed face emoji] #disappointed,” dagdag pa ng aktres.
Kuwento pa ng konsehala sa kanyang friend sa comment section, nakita na lang umano nila na may damage na ang kanyang branded luggage noong pinick up nila ito sa carousel.
“[I] just arrived in Taiwan.. and when our luggage got out of the carousel ganyan na bro,” pagbabahagi n’ya.
Gusto nga daw n’yang magreklamo doon right away pero wala daw customer assistance desk. May language barrier din umano sila ng personnel na nakaharap nila.
“Tapos we were looking for a counter na we can report this, walang counter [Disappointed face emoji] i received a message from IG bro they said i should have filed a complaint? How bro eh wala tao and ung isang kausap namen di marunong mag english [Disappointed face emoji],” dismayadong pagtatapos ni Aiko.

Samantala, sa post na ito ni Aiko sumagot ang airline company para mag-sorry sa aktres.
“Hi, Aiko. We are truly sorry for the inconvenience that this has caused. We understand how important your baggage is. We have noted that you have also reached out to us via Instagram,” saad ng Philippine Airlines sa comment section.
Tiniyak din nila na kokontakin nila si Aiko kapag natapos na ang isinasagawa nilang imbestigasyon.
“We assure you that we are looking into this matter and we'll get back to you with updates via direct message. Thank you,” pagtatapos nito.

Naka-relate naman kay Aiko ang ilang netizens at marami sa kanila ang nagsabing nakaranas din umano sila ng hindi magandang serbisyo mula sa nasabing airline company.
YOU MAY ALSO LIKE:
Aiko Melendez, touched na touched sa pagbibigay-oras ni VP Sara Duterte sa kanyang 47th birthday
Aiko Melendez, napapa-isip nang magpa-freeze ng eggs niya for a possible third child
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber