Aiko Melendez at Candy Pangilinan, nagkaayos na; “Matagal na po kami ok.”

Sa pagpapahayag ng suporta ni Aiko Melendez ng suporta sa pelikulang Road Trip ng mga kaibigan n’yang sina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Janice and Gelli de Belen ay inamin n’yang nagkaayos na sila ni Candy.

PHOTOS: @aikomelendez & @candypangilinan on Instagram

Sa pagpapahayag ng suporta ni Aiko Melendez ng suporta sa pelikulang Road Trip ng mga kaibigan n’yang sina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Janice and Gelli de Belen ay inamin n’yang nagkaayos na sila ni Candy.

Matagal na raw nagkabati ang magkaibigang Aiko Melendez at Candy Pangilinan.

Nanggaling mismo ’yan sa actress-politician nang magpahayag s’ya ng suporta sa pelikulang "Road Trip" ng komedyana kasama ang iba pa nilang BFFs na sina Carmina Villarroel, at magkapatid na Janice and Gelli de Belen.

“Congratulations on your movie mga mare @mina_villarroel @gellidebelen @candypangilinan and ate @super_janice [Green heart emoji],” pagbati ni Aiko sa mga kaibigan sa kanyang Instagram post nitong weekend.

“You know in every friendships you go through tough times too, But in the end what matters is the love and respect,” dagdag pa n’ya.

Kasunod nito ay ang pagre-recall n’ya sa naging misunderstanding nila ni Candy noon pero nagkaayos at nagkapatawaran na raw sila.

“Candy and I chose to keep quiet with what we went through, because we just needed time and healing, And also in our hearts we know in the end our friendship will remain, etched in my heart! Hindi matatawaran ang pinagsamahan namen,” paliwanag ni Aiko.

“Again Goodluck! And will be supporting your movie :),” she added.

Ayaw na umano n’yang idetalye pa pero matagal na raw mula nang magkabati sila. 

“Matagal na po kami ok. We just felt that there is no need to explain or expound kasi mahal ko yan si Candy [Green heart emoji],” aniya.

Nagpahiwatig din ang aktres na baka sa susunod na pelikula ay magkakasama na silang lima.

“So watch nateng sabay sabay!!! Sa susunod kumpleto na kami [Three green heart emoji],” patakam n’ya sa kanilang fans.

“Showing na po let’s show our support by grabbing tickets! This film is directed by our dear friend too @andoyr1973 [Green heart emoji]  Maki road trip na tayo!!!” pagtatapos ni Aiko.

Kung matatandaan, January ng taong 2021 nang aminin ni Aiko sa YouTube video ng comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz na nagkaroon ng gap sa pagitan nila ni Candy.

Hindi na n’ya idinetalye kung ano ang pinagmulan noon.

“Ako, bilang meron pa akong respeto na natitira para sa kanya, ayoko nang i-elaborate. Kasi matagal kaming naging magkaibigan and mahal ko 'yong taong 'yon, gusto ko munang iiwan sa kanya 'yong konting respeto na 'yon,” pahayag n’ya that time. 

“Because nga iniisip ko pa rin, at the end of the day, na naging magkaibigan kami and meron naman s'yang magandang nagawa sa buhay ko. Kaya ayoko s'yang siraan, ayoko s'yang i-bad mouth. Basta ang pinaka-safe na masasabi ko hindi kami okay ngayon,” sabi pa ng aktres.

Samantala, palabas na sa mga sinehan nationwide ang Road Trip na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Janice and Gelli de Belen, kasama sina John Lapus, JC Tiuseco, Yumi Garcia, Heart Ryan, and more.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aiko Melendez, inaming may sama ng loob sa kaibigang si Candy Pangilinan

Aiko Melendez, masaya sa pagpapakasal nina Jomari Yllana at Abby Viduya; kasal nila ni Cong. Jay Khonghun, kasunod na ba?

Aiko Melendez, kinol out ang isang young actor na may initial na JP: "Wag kang masyadong mayabang."

Exclusive: Barkadahang Gelli and Janice de Belen, Candy Pangilinan, and Carmina Villarroel, nasa podcast na!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

​​​​​​Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.