Ai-Ai, Rufa Mae, Kakai, at Juliana…pare-parehong na-bully ng kapwa-artista.

(Right Photo, L-R) Juliana Parizcova Segovia, Kakai Bautista, Rufa Mae Quinto, and Ai-Ai delas Alas comprise the riot four of the comedy film, And Ai, Thank You, which is about a bitchy actress (played by Ai-Ai) reaping her so-called bad karma.

PHOTOS: Anna Pingol & Reality Entertainment

(Right Photo, L-R) Juliana Parizcova Segovia, Kakai Bautista, Rufa Mae Quinto, and Ai-Ai delas Alas comprise the riot four of the comedy film, And Ai, Thank You, which is about a bitchy actress (played by Ai-Ai) reaping her so-called bad karma.

Dahil sa Gerald Anderson-Bea Alonzo-Julia Barretto controversy na mas pina-ingay pa ng social media. Usong-uso ngayon ang mga salitang “ghosting” (na nag-ugat sa hindi pakikipag-break nang maayos diumano ni Gerald kay Bea), “ghost” (dahil diumano ay ghostwriter ang nagsulat ng Instagram statement ni Julia); at “bullying” (na siyang direktang naging paratang ni Julia kay Bea dahil umano sa ang direktang act nito ng pagla-like ng mga posts ng Netizens na may kinalaman kina Julia at Gerald ang nag-instigate ng Netizen bashing kay Julia).

Kaya naman sa anumang showbiz umpukan, kabilang na ang mga press conferences at bloggers conferences, hindi naiiwasang mapag-usapan ang mga nasabing topic.

Sa grand media conference kamakailan ng ikatlong comedy movie ni Ai-Ai delas Alas this year, ang And Ai, Thank You, isa sa naitanong kay Ai-Ai—at sa iba pang members of the cast na sina Rufa Mae Quinto, Kakai Bautista, at Juliana Parizcova Segovia ng It’s Showtime—ay kung nakaranas din ba sila ng pangbu-bully mula sa kapwa artista. Bagay din kasi sa istorya ng pelikula nila dahil tungkol ito sa isang bitchy movie actress na na-karma sa kamalditahan.

 

NEGATIVE TO POSTIVE

Si Ai-Ai ang pinaka-unang sumagot. Ayaw niyang tukuyin kung sino ang nam-bully sa kanya. Instead, she waxed philosophical muna at sinabing hindi na niya ini-intindi ang mga ito dahil may matatag siya pananalig sa Diyos.

“Ako po talaga todo [na na-bully]…kaya lang wag na po [natin siyang pangalanan],” paki-usap ni Ai-Ai. “Nanalig lang ako sa Panginoon na alam ko na hindi Niya ako papabayaan. And kahit naman po noon pa, e, parati akong naka-ano kay Lord kasi naalala n’yo ’yong first ’yong Tanging Ina is Signal No. 3. Sino po ba ang makakagawa no’n diba? Ang panalangin ko kay Lord, ‘Lord, wag naman po sanang umulan para naman po ano maraming manood sa sinehan.’ Ano po’ng binigay ni Lord? Signal No. 3. 

“Minsan kasi binibigyan Niya tayo ng mga bagay na siya lang ang nakakaalam at nakakaintindi. And ’yon such a good blessing for us—negative man o positive—dararating po ang panahon na ’yong negative na ’yon magiging positive sa buhay natin.” 

Pinilit pa ring ipa-elaborate kay Ai-Ai ang mga circumstances ng pangbu-bully sa kanya. But once again, nag-beg off siya.

“Mahirap pong ipaliwanag, e, kasi pag pinaliwanag ko mahirap, e. Hindi kapani-paniwala pero pag tinahi-tahi ninyo meron kayong…ano’ng tawag dito, pagpapatunay,” esplika ni Ai-Ai. “Doon mo lang malalaman na, ‘Ay, gano’n pala. So, siya pala. So, okey na po ’yon. Gano’n po talaga ang buhay.”

 

“MARAMING TARANTULA AND EVERYTHING!”

Na-bully? Bilang artista? Lagi naman po akong gano’n. Lahat sila parang ano… kaya nga ewan ko sino na nga ba ang friendships?” patawang-banat naman ni Rufa Mae. “Lagi naman pong gano’n, e. Minsan hindi mapigil ng ibang tao ’yong nai-inggit. E, ako kasi hindi ako na-i-insecure kasi nga hindi ko naman iniisip na maganda ako. Charot! Hahaha! Diba hindi at saka basta gagalingan ko, kung gusto kong umuwi, magtrabaho, kumita…gano’n lang naman ako e.”

When asked to elaborate more, say ni Rufa Mae: “’Yong iba marami… hindi ko nga sila ina-ano inaway ako sa TV, iba naman tsismis ka patalikod, [or] nanakawin lang mga ideas mo. Naku yang mga yan!”

Dahil nga daw sa mga hindi magandang karanasan kung bakit nag-lie low siya noong araw sa showbiz at timing naman na noon pala niya makilala ang mapapangasawa niyang si Trevor Magallanes.

“Kaya ako unti-unti na-turn off. Hindi totoo yan,” pagpapatunay ni Rufa Mae. “Yan po ang dahilan kung ba’t ako umalis sa showbiz. Parang ano ba naman ’tong mga nasa dinosaur place… maraming tarantula and everything! Kaya ako umalis nang umalis. Hindi, totoo ito. Yan po ’yong nangyari hindi ko alam kong sino ba ’yong kausap ko talaga na ano.”

Kahit daw matagal na siya sa showbiz, naaapektuhan pa rin daw siya noon ng mga intriga, lalo na nang magsimula nang mauso ang social media.

“Ang daming mga ano [comments] ta’s binabasa ko…mali pala ’yon,” natatawang balik-tanaw niya. “Dapat pala hindi ko binasa. Unti-unti akong na-hurt ta’s ayoko nang mag-artista. Mga gano’n kasi ano po ako hindi ako masyadong nag-aral pero malakas po ang pakiramdam ko at ang vision ko kaya ako artista. So, napi-feel ko agad kapag hindi maganda. Hindi, okey na. Di ’ko din kaya po pag gano’n. Umiiwas po ako kasi hindi ko kaya. Nanghihina ako. Parang kryptonite ko ’yong feelings ko puro emotions. Hindi ko kasi masyadong ginagamit yong isip ko. Hahaha!”

Ngayong very active na naman siya sa showbiz, na-realize daw ni Rufa Mae na wag nalang masyadong pairalin ang emosyon at hayaan nalang na karma na gumawa ng paraan later on.

“Na-realize ko po ngayon lang no’ng nagbalik na ako na kalma,” patuloy ni Rufa Mae. “Kailangan wag kang sensitive, wag kang masyadong emotional. Diba gano’n? Maraming salbahe. Ang yabang-yabang nila akala mo naman… kaya tignan mo wala na sila dito. Di naman sila nawala, pumangit sila or nahuli sila, nahuli sila. Hahaha. . . nahuli. Na-tokhang pala. Charot!”

Ayon pa kay Rufa Mae, kahit na naging comedy skit at trademark niya ang pagiging “booba,” malaking factor din daw ito kung bakit siya nabu-bully maging ng kapwa niya artista noon. 

“Mali-mali ang English ko, hindi ako maka-salita. So, ’yon ang naging hugot. Tuloy, awa ng diyos dahil doon binigyan… tingnan n’yo ngayon, American ang asawa ko. Hahaha! Sinuwerte ano?”

 

“MASYADO SILANG MISERABLE.”

Miserable naman ang tingin ni Kakai Bautista sa mga bullies in general. May mga hindi raw ito matanggap sa buhay nila kaya sa ibang tao ibinabato ang mga hang ups nila.

Diyos ko, ako pa ba? Araw-araw akong binu-bully pero deadma nalang kasi bata pa lang ako binu-bully na ako, e,” nagpapatawa pero seryoso ang hugot ni Kakai. “Pero one thing lang siguro kung hindi tayo na-bully, hindi talaga tayo magiging strong or lalo na sa industriyang ito? Grabe ’yong mga bully. Pati minsan mga tinuturing mong kaibigan binu-bully ka din. So might as well diba? Iiyak lang ako.

“Marami akong experiences…sa taping may mga nagpa-power trip. Pero iiyak ko nalang. Sasabihin ko [sa sarili ko], ang focus ko nalang kailangan kong magtrabaho. Hindi ko kailangan maawa sa sarili ko kasi diba? 

“Kaya minsan ’yong mga nangbu-bully sila ’yong nakakaawa, e. Minsan kahit gusto mong basagin ’yong mukha diba, pero pag naisip mo mas nakakaawa sila kasi masyado silang miserable sa buhay nila kaya tinatapon na lang nila sa’yo kung ano man mga negative na nakikita nila sa sarili nila na hindi nila ma-amin. So, ikaw tanggapin mo nalang. Doon sila masaya, e, di bigay mo na. Baka doon lang sila sumasaya.”

In the end, muli siyang nagpa-tawa. Ani Kakai, dedmahin nalang ang mga bullies dahil hindi na raw yata ito matatanggal sa sistema [ng mundo] lalo pa raw sa mga kagaya niyang maganda.

“Kaya hindi naman natin mata-tanggal ’yong mga bully lalo na sa industriyang ito. Kaya kailangan nalang natin silang sabayan, diba? At ano nalang natin dedmahin kasi gano’n talaga. Hindi naman mata-tanggal lalo na ganito ka-ganda? Diyos ko, ewan ko nalang diba? And And Ai, Thank You!”

 

“34 YEARS NA PO AKONG NABU-BULLY”

Samantala, para naman kay Miss Q&A 2018 winner ng It’s Showtime  na si Juliana Parizcova Segovia (TJ Ortega in real life), hindi bagong konsepto ang bullying dahil tila destined daw siya for it. Masakit isiipin kung tutuusin pero para kay Juliana, nilalabanan niya ito by using it as motivation to make his life better.

“Ako po kasi 34 years old na ako, 34 years na po ako ng nabu-bully. Simula bata nasa sinapupunan palang yata ako nabu-bully na ako. Danas na danas ko na po yan at alam na alam ko na po ’yong pakiramdam. Alam na alam ko na kung papaano ako magre-react sa mga pambu-bully kasi eversince talaga—wala pa ako sa showbiz, hindi pa ako nasali sa Miss Q&A—tulad nga nong pinalabas sa MMK [Maalaala Mo Kaya], sa buhay ko every aapak ako sa entablado ng Miss Gay, wala akong ibang naririnig kundi puro lang po panglalait talaga.

“So, doon palang ginamit ko na ’yon na parang mas may bilang ’yong kapasidad ko kaysa sa sinasabi ng tao sa akin na negative kaya ’yon ang pinanghawakan ko. Kung bakit nilakasan ko ang loob ko na sumali sa [It’s] Showtime na alam ko na kahit maraming p’wedeng mang- bully sa akin, kahit manalo ako meron at meron mangbu-bully sa akin…pero kailangan ko kasing labanan imbes na patulan. Ayon po.”

And Ai, Thank You—directed by Joven Tan—is showing in cinemas August 14.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aminadong dating bully, Vin Abrenica, ini-isa-isa ang mga dating biktima para hingan ng tawad

Xian to bullying victims: “Speak up. There’s people who care.”

Ai-Ai delas Alas answers random questions from Pikapika!

PIKACUTIE MONDAY | 5 times Athena Alexandria is as spirited as mom Rufa Mae Quinto

Watch: Laugh trip kung paano binisto ni Kakai ang pagka-trauma ni Maymay sa unang pasok nito sa sauna

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.