Ai-Ai, muntik nang sukuan ang Ex Battalion

(Right Photo) The Ex Battalion (L-R) Emcee Rhenn, Brando Samonte, King Badger, Skusta Clee, Bosx1ne, and Flow-G

PHOTOS & VIDEO: Melo Balingit

(Right Photo) The Ex Battalion (L-R) Emcee Rhenn, Brando Samonte, King Badger, Skusta Clee, Bosx1ne, and Flow-G

Aminado si Ai-Ai delas Alas na hindi siya ganoon ka-galing na singer pero may tenga siya for music at musical talents. Kaya naman agad siyang nagka-interes sa viral hip-hop group na Ex Battalion at agad niyang kinuha bilang mga talents sa binuo niyang production at management company. Bilib na bilib siya sa songwriting abilities ng mga miyembro nito at maging sa showmanship kapag hinatag na ng mga ito ang mga sinulat nila.

Ang Ex Battalion o Ex B, para sa mga hindi hip-hop lovers, ay ang itinuturing na most successful hiphop group sa bansa at nagpasikat ng “Hayaan Mo Sila” at “No Games.” Hindi lang sila hitmakers kundi mga YouTube sensations din.

As a group, sinusubok nila ngayon ang pag-aartista via the musical-comedy flick, Sons of Nanay Sabel, kung saan ang manager nilang si Ai-Ai delas Alas ang bida.

Biro ni Ai-Ai, kung hindi lang niya mga alaga ang mga miyembro ng Ex B ay malamang winalk-out-an na niya sa shooting dahil karaniwang nate-take-10 daw ang mga ito. May umabot pa nga raw ng Take 17. Pero naiintindihan naman daw niya dahil hindi naman talaga pag-arte ang forte ng mga ito kahit pa sa totoong buhay ay puro sila mga kalog at natural comedians.

Pero hindi lang pala sa shooting gustong mag-walk out ni Ai-Ai kundi maging sa professional nilang samahan bilang manager at alaga. Maraming beses na raw silang nag-away-away ng mga ito at may isang matinding away sila kamakailan na muntikan na talagang gumib up ni Ai-Ai.

“Totoo ’yon na nag-away kami nang isang malaking away na muntik na… actually hindi muntik… gusto ko na mag-resign as manager nila,” pag-amin ni Ai-Ai na nakausap ng pikapika at iba pang members of the press sa media conference ng Sons of Nanay Sabel kamakailan sa Quezon City.

“Ang nakakatawa sabi nila sa akin no’ng bati-bati na kami, ‘Mama, next time i-tag mo kami [sa social media]. Kasi hindi ko sila na-tag [sa emote post ko], so hindi naman nila alam na gusto ko na mag-resign. Hahaha! So, hindi naman pala nila alam na magre-resign ako. So, wala naman din palang epek.”

Pero dahil parang mga anak na nga ang turing ni Ai-Ai sa mga ito, isang masinsinang sorry lang ay agad niyang napatawad sina Emcee Rhenn, Brando Samonte, King Badger, Skusta Clee, Bosx1ne, and Flow-G.

“Nag sorry naman sila, nagso-sorry naman ’yong mga ’yon sa akin at saka pag alam naman nilang mali, nagso-sorry. And pag ako rin naman pag sumobra ’yong talak ko sa kanila, nag-sorry din ako. Kasi minsan out-of-line na ’yong sinasabi ko. Masyado nang harsh…‘Ma, masyado ka nang harsh,’ Gano’n. Naaawa din ako pag nag-sorry.”

“Kasi parang feeling ko kung iiwanan ko itong mga ito… kumbaga sa ano bagay na medyo sabog …lalong sasabog,” dagdag paliwanag ni Ai-Ai. “Dapat aayusin natin ’yong bagay para maging malinis at maayos. Gano’n. Parang kakalat, e, pag iniwanan mo. So dapat aayusin hindi ikakalat, gano’n.”

Disciplinary problem daw ang kadalasan nilang pinagtatalunan lalo na ngayong napasabak sa aktingan ang tropa. Gets naman daw niya na bukod sa mga bata ay sakay din naman daw niya ang “artistic mode” ng mga ito. Kailangan lang daw talaga na bilang nanay ay mag-remind nang mag-remind at gumabay nang gumabay.

At aminado si Ai-Ai na nanghihinayang siyang pawalan ang grupo dahil rare gem kumbaga ang talent ng mga ito.

“Magaling kasi sila talaga, e,” bitiw ni Ai-Ai. “Magaling silang gumawa ng kanta…magaling naman sila kaya lang, ’yon nga lang ang problema kasi minsan hindi sila maka-adjust sa showbusiness dahil nga galing sila sa underground, sa… Internet sensation sila, e.

“Hindi naman sila ’yong ganito na tayo na showbusiness, aarte, kakanta, pupunta dito, pupunta d’yan… sila nangangarag sila ng gano’n. Kasi ako kaya ’yong may taping ako ngayon, mamaya may press con ako, mamaya pupunta ako sa ganito, mamaya…’yong buong magdamag kaya kong trabahuhin. Sila hindi. Hindi nila alam ’yon na pagka-taping ninyo ngayon…gusto nila tapos na. ‘Hindi, may press con tayo.’

“‘Hindi, Ma, hindi namin kaya gano’n.’ Gusto na nila matulog, gusto na nila magpahinga. Sabi ko hindi p’wede ’yon ang babata ninyo pa. ‘Ma, hindi kami sanay sa ganyan, gano’n. Gusto nila gig, pag tapos ng gig, tapos na. Tsikahan na, gano’n.  Hindi katulad natin sa showbiz, hataw.

“Or ako siguro. May pagka-workaholic kasi ako kaya kong bunuin ’yong hanggang magdamag. Hanggang 3 AM kaya kong magtrabaho…nagigising ako kinabukasan ng 7 AM…Hindi nila kaya ’yon. So ’yon ang nagiging problema, minsan nale-late sila.”

Magkaka-alaman later on kung susuko nga ba o hindi si Ai-Ai. So far ay naka-isang taon na sila sa two-year contract na pinirmahan nila bilang manager at talents. Isang taon pa ang tatakbo.

But so far, all’s well that ends well, ’ika nga. Meantime, pre-Mother’s Day presentation ng Viva Films and Sons of Nanay Sabel and it’s showing in cinemas nationwide come May 8.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

WATCH: Ex Battalion plays 7 seconds challenge

Ai-Ai delas Alas, happy at last!

Ai-Ai, excited nang maging piloto ang mister niya

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.