Ai-Ai, kinumpirmang may pang-MMFF movie sila ni Coco at Jennylyn

PHOTOS: Anna Pingol

PHOTOS: Anna Pingol

Kinumpirma ni Ai-Ai delas Alas kaninang hapon sa mga movie press na kasama nga siya sa pelikulang niluluto ni Coco Martin para sa Metro Manila Film Festival or MMFF 2019 sa December.

 

Nauna nang napabalita na si Jennylyn Mercado ang magiging leading lady ni Coco at kinumpirma rin ito ni Ai-Ai.

 

Kaya ang agad na tanong namin ay kung ano ang role niya?

 

“Ewan ko, bahala na,” natatawang kwento ni Ai-Ai. “Or baka nanay ko si Jennylyn para maiba naman! Hahaha!”

 

Ngayon palang ay hindi na maitago ni Ai-Ai ang excitement sa nalalapit na project. Bukod kasi sa first time niyang makaka-trabaho si Coco—at maging si Jennylyn— ay hudyat din ito ng pagbabalik niya sa MMFF. Ang Sisteraka pa nila ni Vice Ganda ng huling MMFF project niya.

 

“Masaya, nakakatuwa nga…nakakagulat. Sabi ko, ‘Wow, babalik na ’ko sa filmfest!”

 

Si Coco daw ang mismong tumawag sa kanya at sinabi lang na kasali siya. Wala pa raw silang story conference kaya ang alam lang niya ay action-comedy ito at si Coco ang magpo-produce at magdi-direk.

 

“Excited talaga ako,” ulit ni Ai-Ai. “Kasi ngayon lang ako magkaka-filmfest [entry] ulit.”

 

Matagal na raw silang magkakilala ni Coco at nagkikita sa mga showbiz events. Sa katunayan ay matuturing na ‘Mommy’ daw ang tawag nito sa kanya. Pero ito palang talaga ang chance na makaka-trabaho niya ang para sa kanya ay “napakabait at napakasipag na tao” na si Coco.

 

“Sabi niya sa akin, ‘Alam mo, ‘My, si Sancho, mahusay talaga na artista.’ Saka lagi daw maaga sa set. Sabi ko, sinasabihan ko, behave siya. ‘Kasi ikaw ang boss namin.’”

 

Si Sancho ang panganay na anak ni Ai-Ai na kasama ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 

Pero bago raw ’yon ay humihiling muna si Ai-Ai na sana ay tangkilikin ng mga manonood ang rom-com nila ni Bayani Agbayani na Feelennial. Matagal na rin niyang kaibigan si Bayani. Panahon pa raw na nagta-trabaho palang si Bayani off-cam as a writer kaya alam nilang may chemistry silang dalawa as comics. At buti nalang daw at sumugal si Pops Fernandez na i-test ang chemistry nila on-screen.

 

First movie venture ito ni Pops, kasama ang ilang private friends, through her mom’s DSL (Dulce Santos Lucban) Productions na kilala sa concert world. Pops then has co-prod with Cignal Entertainment (Maledicto, Empty by Design, Born Beautiful).

 

Ayon kay Ai-Ai, may pagka-Korean rom-com ang feel ng movie, which is directed by Rechie del Carmen (Sherlock Jr.) na first time ding nabigyan ng break mag-direk ng pelikula. Feelennial is in cinemas June 19.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:
 

Ai-Ai delas Alas, happy at last!

Ai-Ai, ready nang mag-buntis next year

Ai-Ai delas Alas answers random questions from Pikapika!

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.