Green card holder na ang status ni Ai-Ai delas Alas since 2015 at ilang kembot nalang ay p’wede na siyang maging naturalized citizen ng Amerika. Ito ang dahilan kung bakit doon muna sila naninirahan ngayon ng asawang si Gerald Sibayan.
Sa Virginia, USA muna sila namalagi pero napagdesisyunan nilang sa San Francisco mag-establish ng residence.
Nandito sa Pilipinas ngayon si Ai-Ai para magkipag-pirmahan ng kontrata sa APCA o Academy of Pastry and Culinary Arts bilang ambassadress ng nasabing eskwelahan kung saan siya naging baking student noong 2021.
.jpg)
Kaya naman happy’ng-happy si Ai-Ai dahil kahit nasa Amerika na siya ay may dumarating pa ring blessing mula sa Pilipinas. At biruin mo nga naman na from student, level up na siya sa pagiging ambassadress ng eskwelahan.
In fairness, bongga ang kinita ni Ai-Ai sa kanyang ube pandesal at kung anu-ano pang baked goodies noong pandemic, ha. Bukod pa sa malaking tulong daw sa kanyang mental health.
Anyway, naganap ang pirmahan kahapon, August 25, sa APCA mismo na nasa Treston International College sa Taguig, kung saan na-exclusive sit-down interview siya ng pikapika.ph.
Agad ding babalik ng US si Ai-Ai dahil may work na pala siya doon ngayon bilang isang activity director sa isang post-acute rehabilitation center.
(Ang mga Post-Acute Care facilities sa Amerika ay nagsisilbing pansamantalang tahanan ng mga pasyenteng hindi pa completely recovered kung saan mimo-monitor sila at ina-access kung pauuwian na ba, ibabalik sa ospital, o patuloy na gagamutin,)
Gaya ng kanyang APCA blessing, hindi rin naman daw s’ya nag-apply para dito kundi dumating lang sa buhay niya.
“Dumating sa akin, binigay sa akin [‘yong work] kasi ’yong friend ko doon nagtatrabaho pero sa may-ari s’ya, parang asi-assistant s’ya nu’ng may-ari, consultant nu’ng facility. ’Yong friend na ’yon ang nagbigay sa akin ng work na ’yon,” lahad ni Ai-Ai.
Dahil dito, pansamantala muna niyang ititigil ang pagbebenta ng kanyang patok ng ube pandesal at milk bread tutal ay hindi na raw niya kinakaya ang load dahil unlike sa Pinas na marami siyang katulong, doon ay talagang mag-isa siyang binubuno ang pagbe-bake at pagbebenta.
Na-curious naman kami sa bago n’yang trabaho bilang activity director kaya natanong namin s’ya kung ano-ano ang ipinagagawa n’ya sa kanilang mga pasyente.
Pero kung tutuusin ay pagbalik palang niya sa Amerika saka niya maa-apply ang pagiging activity director dahil katatapos lang daw niyang mag-training at mag-exam para dito. Gayunpaman, nakakadalawang paycheck na raw siya.
“Ngayon pa lang ako p’wede maging activity director kasi kailangan kong mag-training at mag-e-exam ako para makapasa ako as activity director. Pero nu’ng assistant [pa lang] ako nagpapaandar na ako,” masayang pagbibida n’ya.
“Nagbi-bingo… Nagda-dance-dance ako pag kunwari may topak-topak ang mga lolo mo. Tsumi-tsika, ganyan. Nag-iisip ako ng activities… ‘Ano ba ang activities na p’wede kong mapa-andar dito?’ Ngayon, dahil ako na ang activity director, ako na talaga ’yong mag-iisip ng mga activities,” dagdag pa ng tinaguriang Comedy Queen.
Naaaliw naman daw sa mga paandar n’ya ang mga tao doon dahil ginagamit n’ya ang kanyang galing sa pagpapatawa.
“Tinatanong nila, ‘Who are you?’ Kasi natutuwa nga sila sa akin. Kasi nu’ng pumasok ako… pag kunwari meron kaming coffee party, may music ako,” pagbabahagi ng Kapuso comedienne.
“Pag papasok ako nagda-dance ako. Pag papasok ako sa room pinapaandaran ko ’yong mga residente. Natatawa sila. ‘Sino ba ’tong babaeng ito? Who are you? What’s your name?’”
Nabiro tuloy namin s’ya kung hindi ba n’ya ginagamit ang mga naipon niyang costumes as performer sa mga ginagawa n’yang paandar.
“Malapit na kasi meron kami ngayong Halloween [party], may Halloween event. Meron kaming mga chocolate event. May mga ganyan. Dadalhin ko ang mga costume ko,” natatawang sagot n’ya.
Araw-araw daw ang pasok niya doon dahil bukod sa paggawa ng mga activities para sa mga residents and patients ay may kasama daw itong paper works.
“Oo, every day [ang pasok]. Hindi lang kasi ’yon [ang trabaho, e]. May documentation pa ’yan. Aaralin mo rin ’yong mga pasyente mo, ano ’yong p’wede sa kanilang activities at hindi. Tapos ido-document mo ’yon kasi titingnan ’yon ng mga nagsu-survey doon sa facility. May mga ganyan [paper works]. Dapat may ganito [utak] ka rin,” saad n’ya.
Isa pa sa naitanong namin ay kung hindi ba s’ya nakakaramdam na nade-degrade s’ya sa bago n’yang work ngayon dahil nga isa s’yang celebrity dito sa Pilipinas.
“No, hindi s’ya degrading. Actually, it’s a noble career kasi ang gagawin mo, ang trabaho mo ay pasayahin ang remaining days ng ilang mga seniors. So, sa langit masaya ’yon, ’di ba? Kumbaga, sa remaining days na malungkot sila paliligayahin mo sila,” paliwanag n’ya.
Nagpapasalamat din si Ai-Ai sa may-ari ng facility dahil naintindihan daw nito na hindi pa rin niya tinatalikuran ang kanyang pagiging artista. Payag daw itong mawala siya nang matagal kung kailangan niyang bumalik ng Pilipinas o kaya naman ay may show siya sa ibang States.
Gaya na lang nito na muli pala siyang ini-renew ng GMA-7 as a contract artist. In fact, nakatakda ulit siyang bumalik dito sa December para sa The Clash at iba pang commitments sa GMA..
Ang kaibahan lang, Amerika na ang base niya ngayon at Pilipinas ang bakasyunan.
Kung tutuusin ay hindi naman niya kailangan talaga ng regular job doon pero nakakainip nga din naman kung wala siyang gagawin kundi mamili sa Walmart at Target araw-araw. Haha! Regular fixture na nga daw siya doon.
Congratulations, Ai-Ai!
YOU MAY ALSO LIKE:
Kampo ni Ai-Ai delas Alas, kinundena ang pagdeklara sa kanya sa Quezon City bilang persona non grata
Lolit Solis to Ai-Ai delas Alas: “Hay naku, isip isip kasi, gamitin ang utak.”
Ai-Ai delas Alas mourns the passing of her adoptive mom, Justa delas Alas
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber