Ai-Ai delas Alas, na-senti nang maalala ang kanyang late mother ngayong magpa-Pasko na naman

More than a year na rin mula nang pumanaw ang adoptive mom ni Ai-Ai delas Alas kaya naman naiyak daw s’ya nang maalala ito. Nanumbalik daw kasi ang mga memories nila together dahil sa mga Christmas songs na narinig n’ya.

PHOTOS: @msaiaidelasalas on Instagram

More than a year na rin mula nang pumanaw ang adoptive mom ni Ai-Ai delas Alas kaya naman naiyak daw s’ya nang maalala ito. Nanumbalik daw kasi ang mga memories nila together dahil sa mga Christmas songs na narinig n’ya.

Hindi napigilang ma-senti ni Comedy Queen Ai-Ai delas Alas matapos n’yang maalala ang pumanaw n’yang adoptive mom na si Mama Justa.

Nanumbalik daw kasi sa kanya ang mga alaala nila noon nang makarinig s’ya ng mga kantang pamasko. 

Noon daw kasing bata pa s’ya ay madalas s’yang sinasama nito para mag-Simbang Gabi. 

“Kanina galing ako sa work pag labas ko yung bahay sa tapat ng work namin parateng nag papa tugtog may speaker sa labas music ng christmas songs.. ewan ko naalala ko nanay ko kasi madalas kaming mag simbang gabi kahit bata pa ako,” pagbabahagi ni Ai-Ai sa kanyang Instagram post ngayong araw, October 2.

Tuwing pagkatapos ng misa, magkasama raw sila na mag-iikot para maghanap ng makakainan.

“[N]aalala ko nag sisimba kami sa balintawak sa St Joseph church tapos mag lalakad kami sa madaling araw hanggang baesa kasi minsan walang jeep, sa carenderia sa daan bukas yun kasi may mga nag dadaang nag sisimbang gabi naalala ko kumakain kami champorado mahilig kasi ako sa champorado,” pagbabaliktanaw n’ya.

“[W]ala lang naalala ko lang simpleng buhay and simpleng happiness ko na binibigay nya kasi alam nya magiging masaya ako ).. (and madlas kami kumain sa maxs na kaya ko umubos ng isang buong manok na parate nya kine kwento sa officemates nya,” pagpapatuloy ng komedyana.

Dahil hindi na napigilang maiyak, nawirduhan daw sa kanya ang daughter n’yang si Sophia.

“Natatawa anak ko kasi bigla nalang ako umiiyak … @delasalasophia ewan ko ba kahit pala adoptive mom mo lang no pag sya talaga nakasama ko memories nakakaiyak,” paliwanag ng Kapuso comediene.

“[P]artida masungit at strict pa si mother goose nyan..parate pa kami mag kaaway dati nung dalaga pa ko and minsan noong may una pa akong husband hehe,” saad pa ng aktres.

Sa dulo ng kanyang IG post, ipinahayag ni Ai-Ai na miss na n’ya ang ina ngayong mahigit isang taon na nila itong hindi kapiling. 

“[M]iss you mama labyu,” pagtatapos n’ya.

Pumanaw ang adoptive mom ni Ai-Ai noong June 2022 sa edad na 93.

 

RELATED STORIES:

Ai-Ai delas Alas mourns the passing of her adoptive mom, Justa delas Alas

Ai-Ai Delas Alas, bigo sa paggaya sa ultra-trending TikTok dance moves ni Marian Rivera

Pagta-trabaho sa nursing home sa Amerika, napakinabangan ni Ai-Ai delas Alas sa pagganap ng role na may Alzheimer's disease

Ai-Ai delas Alas now works as an activity director sa isang post-acute rehabilitation center sa Amerika

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.