Ai-Ai delas Alas, di na muna itutuloy ang pagbubuntis next year

Nalungkot daw silang mag-asawa sa desisyon na wag na munang ituloy; but at the same time, they both felt relieved. Lalo na daw si Gerald na hindi lang pala nagsasabi pero matagal nang nai-stress about it. “Pag nanganak daw ako, lalagyan ako’ng anesthesia...nai-stress siya kasi alam niya nga ang lifestyle ko,” say ni Ai-Ai about Gerald.

Photos: Anna Pingol & Instagram

Nalungkot daw silang mag-asawa sa desisyon na wag na munang ituloy; but at the same time, they both felt relieved. Lalo na daw si Gerald na hindi lang pala nagsasabi pero matagal nang nai-stress about it. “Pag nanganak daw ako, lalagyan ako’ng anesthesia...nai-stress siya kasi alam niya nga ang lifestyle ko,” say ni Ai-Ai about Gerald.

Isa sa pinaka-ina-anticipate sa showbiz sa darating na taong 2020 ang napipinto sanang pagbubuntis ni Ai-Ai delas Alas through IVF (In Vitro Fertilization) na matagal na nilang na-consider at plinano ng asawa niyang si Gerald Sibayan. Gusto kasi talaga niyang mabigyan ng anak si Gerald.

Nai-consult na nila ito sa mga experts at nakapagpa-freeze na rin ng eggs si Ai-Ai. At 54, sinabi naman daw ng mga doktor niya na kaya pa niya. Unlike kasi sa ginawa nina Korina Sanchez at Mar Roxas, who had their Pepe and Pilar through a surrogate mom, gusto ni Ai-Ai na siya mismo ang magdala ng bata.

Everything’s fine until nagkasakit daw recently si Ai-Ai at doon niya na-realize na ang further complications na hindi niya naisip noon.

Kaya kaninang hapon, sa renewal contract signing niya—for the 5th time—as endorser ng ng Hobe QuickCook Noodles, malungkot niyang ibinalita na hindi na nila itutuloy ni Gerald ang planong pag-aanak.

Na-bring up kasi ang topic dahil may nagtanong kung hindi raw ba bawal sa kontrata niya sa Hobe ang magbuntis dahil makakabawas ito sa visibility niya kung sakali. At dito na nga nilahad ni Ai-Ai ang para sa kanya ay both good and bad news.

Bad dahil hindi na matutuloy; and good dahil minus stress sa kanilang mag-asawa. 

Ayon kay Ai-Ai, ang pagiging dependent niya sa organic food ang nagpa-kumplika ng lahat. Four years na kasing panay organic lang ang kinakain ni Ai-Ai, dahil ito naman ang nakagaling sa kanyang psoriasis, isang skin disorder na ayon sa healthonline.com ay isang “chronic autoimmune condition that causes the rapid buildup of skin cells. This buildup of cells causes scaling on the skin’s surface.”

“Dahil diba may psoriasis ako? Tapos ’yong psoriasis ko pag nag- flare up siya, hindi ko alam kung ano ’yong igagamot ko kasi sa totoo lang ang psoriasis wala naman gamot kasi autoimmune ito. So, automatic siya na pag mababa ang resistensiya mo nagkakaroon ka; pag meron kang... actually pag sobra ka sa sugar at saka sa fats, magkakaroon ka rin. At saka pag may sakit ka inside, meron ka rin no’n. ’Yon ’yong mga na-aral ko na sa tagal na meron ako nito,” paliwanag ni Ai-Ai.

“Nag-try na din ako ng lahat na ng gamot sa psoriasis. Parang nag-aano ’yong lungs ko. Hindi ako makahinga. So, sabi ko, ‘E, mamatay ako rito kung ipagpapatuloy ko itong kakainom ng kung anu-ano man ’yon.’ 

So, tin-ry ko ’yong cook book para sa may psoriasis. Ngayon no’ng sinunod ko ’yon, Diyos ko para siyang binura ng eraser. Oo para talaga siyang binura.” 

At dahil sanay na ang katawan niya sa organic substances, hindi na nito ma-recognize ang anything synthetic including medicines. At malaki ang chance na maipasa niya ito sa bata habang nasa tiyan niya.

“So, paano pag may sakit siya [baby], tapos naanuhan mo siya ng gamot or something? Synthetic ’yon. Hindi naman p’wedeng gano’n,” maikling paliwanag ni Ai-Ai during the presscon proper.

Nalungkot daw silang mag-asawa sa desisyon na wag na munang ituloy; but at the same time, they both felt relieved. Lalo na daw si Gerald na hindi lang pala nagsasabi pero matagal nang nai-stress about it.

“Pag nanganak daw ako, lalagyan ako’ng anesthesia...nai-stress siya kasi alam niya nga ang lifestyle ko,” say ni Ai-Ai about Gerald.

“Dati kasi hindi niya sinasabi sa akin na gano’n pala ’yong nararamdaman niya. So, isang gabi nagkaroon kami ng ano parang tampuhan lang naman, hindi naman ano... doon parang nag-ano kami bull session na, ‘Ganito: sasabihin ko lahat ng gusto ko, sabihin mo lahat ng gusto mo.’ At isa ’yon sa napag- usapan, super-stressed siya talaga.

“Nalungkot din ako,” pag-amin niya. “Pero mas inintindi ko ’yong kapakanan ng magiging anak ko kasi tama siya, e, tama siya doon sa sinasabi niya.”

Pag nagkakasakit daw kasi siya, hindi na raw maganda ang epekto sa kanya ng pangkaraniwang gamot. Kaya hangga’t maaari ay hindi siya umiinom ng synthetic medicines.

Kasi ’yong epek sa akin ng gamot iba na e, masyado nang malakas...’yong nahihilo ako, nasusuka ako. So, pa’no ’yong baby? Hindi ka din naman p’wedeng uminom ng gamot pag buntis ka, e.”

Isa pa nga rin daw sa ikinaka-stress ni Gerald ay ang kung talaga bang kaya niya pa at her age?

“Isa pa rin ’yon. S’yempre ayoko naman magpaka-plastik. Hindi na rin naman ako bata diba? And siya rin alam din niya ’yon na hindi ka naman bata. What if? ‘What if, diba, na may mangyari sa’yo pa’no kami? Pa’no kami ng mga anak mo? Iwanan mo kami? E, di ito—ten fingers—nganga! Hahaha!”

Kung may magandang dulot daw sa kana yang organic lifestyle, may adverse effect din daw ito na pinagdudusahan niya. At damay na ang baby kung sakali kaya wag nalang daw.

’Yong kalusugan ko and ’yong kalusugan no’ng baby...kasi nga ’yong lifestyle ko pag naaanuhan ako... saka diba may allergy ako? Minsan nakakakain ako, kunwari kakain ako sa labas, kahit organic ’yon, may mga content na may allergy ako. So, pag nakain ko ’yon kunwari, nati--trigger ’yong allergy ko. Hatsing ako nang hatsing. Nilalagnat ako minsan sa sobrang allergy ko. Pa’no ako iinom ng gamot kung buntis ako?” 

In fact, hindi raw niya i-aadvise na basta mag-shift sa organic lifestyle ang mga tao. 

“Kahit wag kayo mag-organic but sana walang preservative masyado ’yong food ninyo.”

Pinangangatawan lang daw niya dahil effective nga sa psoriasis niya at kung mahal man daw ang organic products, mas mahal pa rin daw magpa-gamot.

“Mas mahal yong gamot, yong gamot na sinasaksak sa akin two hundred thousand ’yon, isang ganon. Isang pok, tapos na. Parang, ‘Tapos na po?’”

Anu’t anupaman, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Ai-Ai na mabibiyayaan sila ni Gerald ng supling.

“Makikita n’yo nalang bibinyagan na ’yong anak namin, gano’n!” matalinhagang dagdag tsika niya.

Ayaw pang kumpirmahin ni Ai-Ai kung agree na siyang magpa-surrogate. Basta at this point daw ay susubok pa rin sila ni Gerald ng ibang paraan.

“God is god. May mangyayari at may mangyayari.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ai-Ai, excited nang maging piloto ang mister niya

Ai-Ai, ready nang mag-buntis next year

Ai-Ai, kinumpirmang may pang-MMFF movie sila ni Coco at Jennylyn

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.