Marami ang naaliw sa naging Instagram video post ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai Delas Alas kunsaan makikitang sinusubukang niyang pag-aralang sayawin ang viral na TikTok dance moves ni Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Ang trending TikTok dance ni Marian ay saliw sa "Price Tag” single ng British singer na si Jessie J na nag-hit noong 2011, pero sa TikTok ay may bagong trending choreography para dito na kinaswal lang gayahin ni Marian pero hindi ma-gets ni Ai-Ai.
(At press time ay meron ng 89 million views ang TikTok post na iyon ni Marian mula nang i-post nya six days ago. Sa TikTok account palang niya 'yon at hindi pa kabilang ang sa ibang platforms at mga nag-share at nagre-post.)
Sa kanyang Instagram caption, sinabi ni Ai-Ai na “Bilang kambal at gusto ko makisali sa trending, two days ko na siyang iniisip bakit 'di ko magawa. Anak ng pucha magaling akong magsayaw, hindi ko mapaniwalaan ang sarili ko bakit hindi ko magawa, e, madali lang naman hahahaha.”
Kaya naisip na lang daw ni Ai-Ai na baka hindi talaga para sa kanya ang dance step na 'yon at nag-request kay Marian na gumawa na lang ng iba.
“Baka 'di talaga sa akin 'to, so kambal, gawa ka na lang ng iba he he he.”
At nag-post ito ng mga hashtags na: #trendingmoneymoney, #nawalannaakongpagasa, #ibanalangsasayawinko, at #shutatalagaanongnangyaresaken.
Nag-reply naman si Marian sa Instagram post na ito ni Ai-Ai at sinabi lang na: “Whahahahaaha kambi.”
At sinagot pa rin ito ni AiAi na: “Kambi sumuko na ko. Sa Oman na lang mag-Tiktok tayo, ‘wag na ganyang steppp ayoko na.”
(Kambi o kambal ang naging tawagan nina Ai-Ai at Marian mula nang magsama sila sa pelikulang Kung Fu Divas noong 2013.)
Samantala, nang tanungin namin ang walang kupas na si Marian kung ano ang masasabi niya na nag-viral na naman ang sayaw niya, shy monkey shy emoji lang ang naging reply niya sa amin.
At press time, tila pinagbigyan niya ang hiling ni Ai-Ai na gumawa ng ibang dance steps na p'wede nitong gayahin. Ang latest TikTok dance post ni Marian ay sa saliw naman ng kantang "It's Plenty" ng Nigerian singer na si Burna Boy, habang ang choreography naman ay binuo ng Pinoy choregrapher na si Ken Queta. At mula nang i-post niya ito kagabi ay nakapagtala na agad ito ng 15.5M views (as of last count) kaya malamang ay kabugin pa nito ang "Price Tag" post niya.
Ang tanong, magaya kaya ni Ai-Ai?
YOU MAY ALSO LIKE:
Ai-Ai Delas Alas and Gerald Sibayan exchange sweet messages on their 9th anniversary as a couple
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber