Nagpalitan ng sweet messages ang mag-asawang Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan ngayong nagse-celebrate sila ng kanilang 9th anniversary as a couple.
Kapwa idinaan ng dalawa ang nakakakilig na paandar sa kani-kanilang recent posts sa Instagram.
Sa IG post ni Ai-Ai, binati niya ang kanyang mister at humiling na pagpalain pa sana ang kanilang pagsasama.
"Happy 9th year anniversary as a couple my darling ko...May our marriage be blessed with love ,joy and companionship for all the years that we will be sharing," pahayag ng Kapuso comedienne.
Kalakip ng post niya ang short video presentation ng yearly photos nila mula 2014 to present.
Binago raw ni Gerald ang paniniwala niya sa mga lalaki matapos ang mga failed marriages niya noon.
"I always thought that a perfect husband is a myth, kathang isip lang .. sabi sabi .. kwento kwento kasi dati ang lalaki saken toxic ...aba nag babago pala ang pananaw," aniya.
"[T]otoo pala na may lalaking maayos , may asawang mabait meron palang forever...akala ko bilihan lang damit ang may forever (21)," pabirong dagdag pa ni Ai-Ai.
Kaya naman ganu'n na lang ang pasasalamat niya na dumating sa buhay niya si Gerald.
"[T]hank you very much for being my husband, my partner, my boyfriend , my friend my ka tsismisan at ang importante sa lahat my provider ang nag papakain saken .. @gerald_sibayan," lahad pa ng Comedy Queen sa kanyang mister.
Excited na rin umano siya sa 10th anniversary nila sa susunod na taon.
"[I] love you so much my darling ko yes looking forward sa 10 years naten next year.. tarush te going strong !!!" saad pa niya.
May pahaging din ang aktres sa mga nagsasabi noon na hindi sila magtatagal ni Gerald. Malaki kasi ang agwat ng kanilang edad.
"[A]ng lungkot ng mga bashers at hater 9 years na e mali sila HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA," pang-aasar n'ya.
"Seriously thank you LORD sa greatest blessing ng buhay ko. #paginggitpikit [Face with tears of joy emoji]," pagtatapos ni Ai-Ai.
S'yempre, hindi naman nagpadaig si Gerald dahil may IG post din siya for his wife.
"Happy 9th anniversary of our relationship from girlfriend until you became my wife., i love you so much [Three face blowing a kiss emojis] many more years to come for us my wife [Three face blowing a kiss emojis]," pagbati niya kay Ai-Ai.
Nagbigay pa siya ng tip kung paano mapapanatiling matatag ang pagsasama ng mag-asawa.
"For a good and long relationship is to put GOD in the center of our life [Folded hands emoji] @msaiaidelasalas," pagtatapos ni Gerald.
Taong 2014 nang maging magkasintahan sina Ai-Ai at Gerald na nauwi sa kanilang pagpapakasal noong December 2017.
YOU MAY ALSO LIKE:
Pokwang, sinagot ang tanong kung sino ang mas magaling sa kanila ni Ai-Ai delas Alas
Ai-Ai delas Alas mourns the passing of her adoptive mom, Justa delas Alas
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber