Ai-Ai, best actress na naman!

Ai-Ai, best actress na naman!

Hindi naka-attend si Ai-Ai delas Alas sa awards night ng Cinemalaya Film Festival na ginanap kagabi, August 12, sa Cultural Center of the Philippines.

Kaya hindi niya napigilang mapahagulgol nang malamang siya pala ang itinanghal na best actress para sa matapang niyang performance sa School Service as abusive adoptive mother ng mga batang ginagawa niyang pulubi para pagkakitaan.

Kasama ni Ai-Ai na nagdi-dinner ang asawang si Gerard Sibayan at panganay na anak na si Sancho nang makarating sa kanya ang balita at maagap na nakunan ng video ni Sancho ang paghagulgol ng ina na tila hindi ine-expect na mananalo siya dahil balitang mabibigat din ang acting ng mga katunggali niyang sina Glaiza de Castro ng pelikulang Liway at Iza Calzado ng Distance.

Ang director niyang si Louie Ignacio ang tumanggap ng Balanghai trophy niya on her behalf. Ang veteran actor naman na si Eddie Garcia ang itinanghal na best actor para sa pelikulang ML.

Hindi ito ang first time na nag-uwi ng best actress trophy si Ai-Ai, pero first niya ito from Cinemalaya.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.