Aga Muhlach, mag-a-apply na contestant sa Masked Singer Pilipinas kung hindi siya judge

So far, ang hula ni judge Kim Molina ay si Katrina Velarde si Diwata. United naman sina judges Aga Muhlach, Christine Reyes, at Matteo Guidicelli na si 2-2-B ay si Daryl Ong; habang si Michael Pangilinan ang ini-insist ni Kim. Lumalabas naman ang pangalan nina Carlyn Ocampo at Julie Anne San Jose sa mga hula para kay Pusaway.

Photos: Masked Singer Pilipinas | Viva

So far, ang hula ni judge Kim Molina ay si Katrina Velarde si Diwata. United naman sina judges Aga Muhlach, Christine Reyes, at Matteo Guidicelli na si 2-2-B ay si Daryl Ong; habang si Michael Pangilinan ang ini-insist ni Kim. Lumalabas naman ang pangalan nina Carlyn Ocampo at Julie Anne San Jose sa mga hula para kay Pusaway.

Magkaka-alaman na sa Sabado, December 26, kung sino ang mag-uuwi ng Golden Mask mula sa tatlong natitirang mystery contestants—sina “Diwata”, “22B”, and “Pusaway”—sa very successful show ng Viva sa TV5 na Masked Singer Pilipinas.

So far, ang hula ni judge Kim Molina ay si Katrina Velarde si Diwata. United naman sina judges Aga Muhlach, Cristine Reyes, at Matteo Guidicelli na si 2-2-B ay si Daryl Ong; habang si Michael Pangilinan ang ini-insist ni Kim. Lumalabas naman ang pangalan nina Carlyn Ocampo at Julie Anne San Jose sa mga hula para kay Pusaway.

Bukod sa kaabang-abang na mga performaces ng mga masked singers na talaga namang ang huhusay, tinututuklan talaga ang mga reveal o tanggalan-ng-maskara moments. 

Exciting naman kasi talagang malaman kung tama ba ang hula mo o hindi, mapa-judge ka man o audience.

Kami, personally, ay tinututukan naming ang mga reactions ng judges lalo na kapag nagsimula na ang chant na “Tanggalin na yan!”

Nakaka-aliw kasing tingnan ang mga rehistro ng reactions nila Aga, Cristine, Matteo, at Kim kapag nagtanggal na ng mask ang sinumang nakasalang. Dismayado na mali ang hula, disbelief, pagka-mangha...may napapakamot, napapatayo, napapa-OMG, may napapa-hawak sa ulo, may laglag ang panga...That, in itself, is entertaining. Ang mga unguarded at taong-tao gesture ng mga celebrities. Makaka-relate ka, as an audience, sa outright na nararamdaman nila.

Nine out of twelve na ang na-unmasked mula nang magbukas ang show sa TV 5 last October. Sila ay sina Renz Verano (Aspin), Meds Marfil (Syokoy), Nina (Bee-Ni-Bee-Ni), Bituin Escalante (Marieposa), Joey Generoso (Agila), Lolita Carbon (SeaReyna), Roselle Nava (Adarna), Carl Guevarra (Valentino), at Wency Cornejo (Tikboy).

(L-R): Pusaway, Diwata, and 2-2-B

 

Top-notch performers lahat ang gagaling pang ma-meke dahil sadyang iniiba nila hindi lang ang respective performance styles nila kundi maging mga boses para lang iligaw ang judges at ang audience.

Kaya nga sa virtual press conference ng Masked Singer Pilipinas last Monday, isa sa mga unang nausisa sa mga judges at maging sa host ng show na si Billy Crawford, ay kung sino, among the nine performers ang gumulat talaga sa kanila during the unmasking moment.

Up to now ay hindi pa raw maka-get over si Billy sa fact na napag-costume ng mga tao behind the show ang legendary singer na si Lolita Carbon ng bandang Asin. Na-starstruck daw siya.

“Ako talagang nagulat ako kay Lolita Carbon,” maagap na sagot ni Billy. “Kasi I mean for someone as iconic and legendary as Asin, alam mo ’yon? Para maka-guess lang na hindi mo pa alam na sila ’yon, na alam mo na nagpe-perform lang silang lahat naka-maskara at naka-costume... 

“Kaya nga nu’ng tinanggal niya, nakita mo na lapot na lapot at tunay na tunay na nararamdam ng isang Lolita Carbon pagkatapos mag-perform. Nakaka- starstruck din, e. Alam mo ’yon? Nakaka...pambihira naman, Lolita Carbon tumapak sa entablado namin?

“Katulad ng sinasabi ni Kuya Aga, kami, ’yong respeto namin sa mga performers and singers... kumbaga, imagine ’yong hirap na pinagdadaanan nila every time na nagte-tape or nagso-show ng dahil naka-maskara sila. Alam mo ’yon? Naka-costume sila.

“Mapa-costume nila ang isang Lolita Carbon at hindi mahulaan... ibang klase na ’yon. Tatatak at tatatak na sa tao ’yon.”

Sa huli ay dinagdag ni Billy na sana raw ay maging aware ang mga kabataan sa kung sino at ano ang nai-ambag ng mga gaya ni Lolita Carbon sa history ng Pinoy music.  

“Sana matutunan ng mga kabataan ngayon, ano ba ang Asin? Sino sila? Ano ba mga kanta nila? [Ano] ang naibigay nila sa industriyang OPM [Original Pilipino Music]?”

(Lolita Carbon is an influential figure in the Pinoy rock scene na nagsimula ang musical journey since the 70s. She was the lead singer of the Asin band, na nagpasikat ng mga kantang "Masdan Mo Ang Kapaligiran,” "Itanong Mo Sa Mga Bata," at "Gising Kaibigan."

Clockwise from top left: Lolita Carbon (SeaReyna), Nina (Bee-Ni-Bee-Ni), Roselle Nava (Adarna), and Joey Generoso (Agila).

 

Samantala, si Nina naman, ang singer ng hits such as “Someday” at “Jealous”, ang gumulat nang husto kay Judge Kim.

“Kasi pinakita niya talaga ’yong versatility niya. Like we know Nina as the soul siren,” patungkol ni Kim kay Nina. “At iba ’yong quality ng boses niya sa mga records niya and all that. Tapos iba pinabas niya [sa Masked Singer]...iba ’yong pagiging balladeer niya, kung ano ’yong mga genre niya na kinanta niya sa costume n’ya. 

“Nagulat talaga ako. I think pati ’yong mga kapwa ko judges parang nagulat din...at natuwa si Nina... siya na din nagsabi na natuwa s’ya na naka-linglang siya. Kumbaga ang saya ng kanyang mga ginawa.”

Kabisado raw lahat ni Cristine Reyes ang mga hugot songs ni Roselle Nava, kaya gulat na gulat siya na siya pala si Adarna.

“Kasi parang hindi ko in-expect na sasali s’ya kasi diba?” nagtatakang-humahangang sey ni Cristine. “Parang... she’s okay for fun. Parang ang galing lang na game siya sumali. And of course, alam ko lahat ng kanta niya that’s why parang memorable talaga sa akin si Roselle.”

Dalawa naman ang nang-windang kay Judge Matteo—sina Nina at Joey Generoso.

“After na-reveal na si Nina si Nina, sabi ko talaga itong mga masked singers parang iniba na talaga nila ang boses nila diba?” esplika ni Matteo.

“Di ba, Nina’s voice is very, very distinct. Everybody knows her voice and how she sings. And when she removed that mask, ‘Ah, si Nina pala?!’ 

“And my second contestant, I’ll have to say Joey G...because the whole time I was so certain it was Mitoy [Yonting]. I was so certain Mitoy...lakad palang—lahat. Mitoy talaga. Sabi ko, ‘Mitoy talaga ito.’ Pag tanggal niya ng maskara, hindi pala—Joey G. And everybody knows Joey G’s voice also, e, diba? They really changed their voice... their original voice, their distinct voice. So, ’yon.”

(Mitoy Yonting, the lead vocalist of  The Draybers band, is the grand winner of the Voice Season 5 in ABS-CBN in 2017.)

Samantala, kung gaano ka-excited at kakulit ang look ni Judge Aga every week ay ganoon pa rin siya during the press conference. Kaya bago pa man sagutin ang tanong, pinasalamatan at pina-ulanan muna niya ng papuri ang mga celebrity contestants na sumali.

Mukang nag-enjoy talaga nang husto si Aga ang stint niya as judge dahil high na high din siya sa pagbibida ang show nila sa entertainment press. 

And that’s to the point na sinabi niyang kung hindi siya judge ay malamang na mag-bo-volunteer daw siyang contestant dahil bukod sa masayang experience ito, ay mataas daw ang entertainment value para sa mga manonood.

Sey ni Aga: “First, you know, as part of the Masked Singer Pilipinas, parang you’re always grateful for all these mga talented artists who joined, who took time out, just to perform na naka-mask, nahihirapan sila, mainit ’yon and game na game sila! 

“You know, before I say this... bago ko ituloy ’yong sagot ko, I really wanna take this opportunity—sana makarating ’to ’no?—na to invite all big artists, big, small talented artists to join because it’s really fun...Parang you just get to sing and play along with the judges, with the Masked Singer Universe, you know, the fans... kumbaga, how you fake it...

“Like si Joey G.? Parang who would have known really? Iniiba niya ’yong boses niya, pati ’yong lakad niya, ’yong galaw niya...iniba niya! 

“Nu’ng lumabas si Joey G., parang,  ‘What?’ Sabi ko... e, ang ganda-ganda ng boses ni Joey G. Dito pina-flat niya ’yong boses niya. Iniiba niya talaga. My God! Imagine? Of course, Nina...’yong mga sinabi nila...Lolita...

“Kung hindi nga ako kasama...kung hindi ako judge dito sa Masked Singer Pilipinas, Men, this is the chance for me to join and sing also because I’m a frustrated singer. Now if you’re masked and naka-costume ka, I would not mind. I’m gonna perform. Alam mo ’yong ganu’n? Ang sarap ng feeling. 

“So, ini-invite ko ang lahat to come and join the fun. Not for us, but for the fans out there...’yong mga nanood ng TV because ang sarap, e, to play around and just to keep them guessing.”

Sa sobrang pagka-excited, tila nadulas si Aga na magkaka-Season 2 ang Masked Singer Pilipinas dahil nga nag-iimbita na siya ng mga future contestants. 

Hindi naman kataka-taka, if ever man, dahil hit nga ang show.

Pero sinalo muna siya ni Billy at nagbiro na hanggang Season 24 daw kasi ang kanilang show.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Arthur Nery talks about an effortless give-and-take kind of love in his song collab with Jason Dhakal

Super Tekla, masaya ang Pasko dahil kapiling ang panganay na anak

Rayver Cruz, ipinasilip ang bagong bahay na regalo sana niya sa yumaong ina

Liz Uy announces pregnancy with second baby and hints about being already married to tech businessman Raymond Racaza

Morissette is now engaged to singer-songwriter David Lamar; says he is “the one whom my soul loves."

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.