After three years of trying, Lovely Abella and Benj Manalo, nakabuo na ng kanilang “miracle baby”

“Sa lahat po ng nakakabasa nito, kahit anong hihilingin mo kay LORD ibibigay niya di man agad agad pero ibibigay niya sa Perfect time niya kaya wag ka mawalan ng pag asa, lalo mo higpitan ang Faith mo saknya dahil sigurado ako na ang pinagdadasal mo ay parating na." - Lovely Abella

PHOTOS: @benj on Instagram

“Sa lahat po ng nakakabasa nito, kahit anong hihilingin mo kay LORD ibibigay niya di man agad agad pero ibibigay niya sa Perfect time niya kaya wag ka mawalan ng pag asa, lalo mo higpitan ang Faith mo saknya dahil sigurado ako na ang pinagdadasal mo ay parating na." - Lovely Abella

Miracle baby kung ituring ng comedienne-entrepreneur na si Lovely Abella ang ipinagbubuntis n’yang Baby No. 1 nila ng husband n’yang si Benj Manalo.

(They each have panganays from their previous relationships.)

Sa ipinost nga n’yang short video sa Instagram recently, naiiyak na ibinalita ng aktres sa kanyang mister na sinagot na ng langit ang kanilang ipinagdadasal.

Makikita nga sa video na natutulog pa si Benj nang gisingin s’ya ni Lovely para sabihing may regalo s’ya dito. Kasunod nito ay ipinakita n’ya ang kanyang pregnancy test kit na may dalawang guhit na nangangahulugang buntis nga s’ya.

Napasigaw ng “Yes!” na lang ang actor sa magandang balitang ito ng kanyang misis.

At sa inilagay na caption ni Lovely sa kanyang IG post, inilahad n’yang hindi s’ya makapaniwala noong unang nalaman n’ya na nagdadalangtao na s’ya. 

“In GOD's Perfect TIME! MIRACLE HAPPENS! Grabe para akong himatayin ng oras na to, di ako makapaniwala bago ko ibigay sa Asawa ko @benj Napakagandang Blessing sa unang buwan ng 2023!” panimula ng Kapuso actress sa mahaba n’yang caption. 

Sa kabila ng kondisyon ni Benj at edad n’ya ay successful na nakabuo pa rin sila ng anak kaya naman tinawag n’yang "miracle baby" ang nasa sinapupunan n’ya.

“After 15 years sa unang anak ko, at after 3 years na tintry namin ng Asawa ko tsaka palang binigay ni Lord, Miracle Baby para sa amin knowing na mababa ang Sperm count ng asawa ko, kung kani kanino nadin ako nagtanong para mag paalaga dahil tumatanda na din ako turning 37 this year kaya mas takot na ako sa mga impossibleng mangyari sakin,” salaysay ni Lovely. 

“Pero iba ang FAITH namin kay LORD lalo na ang Asawa ko ang dasal niya palagi na sana mabigyan niya kami ng anak at grabe PRAISE GOD napakaganda ng regalo mo samin. [three folded hands emojis],” pagpapatuloy n’ya. 

Dalangin pa ng celebrity mom, maging malusog ang baby nila at maging maayos ang kanyang pagbubuntis.

“Lord Praying po na maging healthy siya at di po ako mahirapan and Please Pray for us po ni Baby [three folded hands emojis] waiting na lang po kami sa Heart beat niya today siya po ay 5 weeks and 5 days [three folded hands emojis],” she prayed. 

“Sa lahat po ng nakakabasa nito, kahit anong hihilingin mo kay LORD ibibigay niya di man agad agad pero ibibigay niya sa Perfect time niya kaya wag ka mawalan ng pag asa, lalo mo higpitan ang Faith mo saknya dahil sigurado ako na ang pinagdadasal mo ay parating na [three folded hands emojis],” pagtatapos n’ya. 

 

S’yempre, masaya si Benj sa paparating na blessings sa kanila ni Lovely. Sabi nga n’ya sa kanyang latest Instagram post, ito na ang pinakamagandang anniversary gift na natanggap nila. 

“Have Faith in God. 2023, sabi nila swerte ako kasi year of the rabbit ako, pero mas kumapit ako sa promise ni Lord samin. This is the best wedding anniversary gift samin ni Lord! Wohoooo!!! [Three pleading face emojis],” panimula ng actor sa kanyang post. 

Talagang answered prayer daw ang nangyari dahil makailang ulit n’ya itong ipinagdasal sa Itaas.

“Yes finally after many years of trying, we are now having a baby. Just to give you a background, mababa po ang sperm count ko and that is one of the reasons kaya hirap kami ng asawa ko. Been battling this issue sa sarili ko for how many months now pero lagi ko kinakausap si Lord,” he shared. 

Sabi ko, ‘Lord alam ko hindi ko na kailngan mag pa freeze para lang makabuo kami. Hindi ko kailngan uminom ng gamot para makabuo kami. Lord alam ko kapag hiniling ko sayo ibibigay mo siya samin in YOUR PERFECT TIME.’

“Yes we are very happy kasi may sobrang gandang gift si Lord samin, posting this kahit na napaka private kong tao lalo na sa relationship namin ng asawa ko kasi I want you guys to know that the Lord is keeping His promises. Grabe siya gumalaw. Trust in Him with all your heart.”

Masaya rin daw s’ya ngayong magkakaroon na ng kapatid si Crisha, ang step daughter niya at anak ni Lovely sa past relationship nito, at si Nathan na anak naman n’ya sa dati n’yang karelasyon. 

“This time, we will cherish every moment sa new chapter ng buhay namin. Ang anak namin si Crisha and si Nathan mag kakakapatid na after how many years and were so blessed to have God beside us,” aniya.

Humiling din s’ya sa kanilang online followers na isali sa kanilang dasal na maging maayos ang pagbubuntis ni Lovely. 

“Were asking for your prayers for my wife and our baby na maging healthy ang pregnancy niya,” panawagan ni Benj.

“If your loosing hope, this is your sign that anything can happen if you believe and trust in the Lord. Godbless everyone,” pagtatapos n’ya. 

Dumagsa naman sa comment sections IG posts ng mag-asawa ang pagbati mula sa kanilang fans and celebrity friends such as Bianca Umali, Camille Prats, Cai Cortez, Jerald Napoles, Kathryn Bernardo, Kitkat, John Prats, and more. 

SCREENSHOT: @lovelyabella_ on Instagram
SCREENSHOT: @lovelyabella_ on Instagram
SCREENSHOT: @benj on Instagram
SCREENSHOT: @benj on Instagram

The couple tied the knot in 2021 and they celebrated their second wedding anniversary yesterday, January 23.

Congratulations, Lovely and Benj!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kasal nina Benj Manalo at Lovely Abella, minadali daw para makabuo na agad ng baby

Lovely Abella at Benj Manalo, may bago ng “baby.”

Pangako ni Lovely Abella sa namayapa niyang mother-in-law: “Di ko pababayaan ang anak mo.”

Lovely Abella, napatunayang ideal husband si Benj Manalo habang nagbabakasyon sila sa Thailand

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.