After one sexy movie, Gab Lagman, balik sa pagiging wholesome

Tila nag-experiment lang si Gab Lagman sa ginawa n'yang pagpapa-sexy sa pelikulang Bula last year with sexy siren Ayanna Misola. Pero dahil bibida bilang college boy sa The Rain in Espana series for Viva Prime naman, balik wholesome si Gab Lagman na maganda ang simula ng 2023 dahil kasali rin siya sa wholsome ding movie na Girlfriend Na Pwede Na ng Viva Films.

PHOTOS: Viva Films

Tila nag-experiment lang si Gab Lagman sa ginawa n'yang pagpapa-sexy sa pelikulang Bula last year with sexy siren Ayanna Misola. Pero dahil bibida bilang college boy sa The Rain in Espana series for Viva Prime naman, balik wholesome si Gab Lagman na maganda ang simula ng 2023 dahil kasali rin siya sa wholsome ding movie na Girlfriend Na Pwede Na ng Viva Films.

Matapos magpa-sexy nang slight sa Vivamax movie'ng Bula katambal si Ayanna Misola last year ay balik muna sa paggawa ng wholesome projects ang Viva hunk na si Gab Lagman.

Heto nga’t isa s’ya sa lead stars ng upcoming romantic comedy film na Girlfriend Na Pwede Na kasama ang reel-and-real-life couple na sina Kim Molina and Jerald Napoles. 

At dahil mukhang naudlot ang pagsabak ng aktor sa mga sexy roles kaya natanong s’ya ng entertainment press sa media conference nila kamakailan kung nahihiya ba s’ya sa ginawa n’yang pagpapa-sexy sa pelikulang Bula. May nakapansin din kasing hindi kasali sa naging film credentials niya sa pag-i-intro ng host ng si Jean Kiley ang Bula.

Sagot ni Gab, ang management daw n’ya ang nagpasya na bumalik muna s’ya sa pagiging wholesome dahil wholesome ang mga nakalinya n’yang proyekto sa ngayon. 

Hindi naman po. My management talked about it po kasi and I have this show upcoming and it’s very wholesome, The Rain in España,” paliwanag n’ya. 

Natanong din ang gwapong aktor kung nakaramdam ba s’ya ng pagbabago at adjustment sa mga ginagawa n’ya ngayong wholesome projects after n’yang magpa-sexy sa isang pelikula. 

Wala naman po kasi ito naman po ’yong unang ginagawa ko before ko ginawa ’yong sexy film na Bula,” tugon ni Gab.

’Yon nga, my management talked about it na just go back po muna in doing wholesome projects.”

Ayos lang naman daw ito sa kanya at masaya s'ya sa mga projects n'ya ngayon. 

Katunayan, naka-relate nga daw s’ya sa character n’ya sa pelikula na si Jigs. Pareho daw kasi sila na wala pang planong mag-settle down. 

Ito kasi ang isa sa conflicts ng kuwento ng pelikula na dahilan para magkalabuan sina Jigs at Pam na character naman ni Kim Molina. Gusto na kasing mag-settle down ni Pam habang career pa ang priority ni Jigs.

Dahil dito ay napilitan si Pam na i-hire si Isko, ang character ni Jerald Napoles, para magpanggap na bago n'yang boyfriend. Inisip n'ya kasi na sa ganitong paraan ay magselos si Jigs at maisip nito na makipagbalikan sa kanya. 

Naka-relate po ako sa character ko. ’Yong guy is hindi pa ready to settle down. Kasi gusto na magpakasal nu’ng Pam. Parang naka-relate ako,” pag-amin ni Gab. 

Hindi pa kami both ready [ng character ko] and I feel like it’s all about timing. Kasi dito, inuna muna ni Jigs ’yong career n’ya, e,” dagdag pa n’ya.

Ganu’n naman daw kasi s’ya sa personal na buhay at hindi s’ya basta-basta pumapasok sa isang relasyon para masabi lang na may girlfriend. 

Kung papasok ako sa relationship, I know that enough na s’ya for me,” pagtitiyak pa n’ya. 

Hindi naman kaya mag-mukhang kontrabida si Gab sa pelikula lalo pa’t gino-groom s’ya ng Viva para maging leading man?

“I don’t see it as a kontrabida. Parang ano naman ’yon, e, normal na pinagdadanan ng mga may relasyon. I feel like it’s just normal and tao lang po s’ya,” depensa n’ya sa kanyang karakter.

Happy naman umano s’ya na mapasama sa pelikula nina Kim at Jerald dahil maging s’ya ay fan daw ng KimJe tandem.

“I feel grateful and blessed kasi fan po ako ng KimJe. Sobrang gaan sila nakatrabaho. Parang kuya’t ate ko na. May mga advice sila sa akin, especially kami ni Je kapag wala [kaming eksena] grabe ang kuwentuhan,” pagbabahagi n’ya. 

“And thankful ako na ngayong January ipapalabas ’yong movie kasi [that’s] good start for 2023,” pagtatapos ni Gab.

Mapapanood ang movie'ng Girlfriend Na Pwede Na nina Kim Molina, Jerald Napoles, at Gab Lagman simula January 18 in cinemas nationwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Gab Lagman, na-challenge gumanap na high school f*** boy sa The Seniors

Sanya Lopez, muntik na palang masungkit ni Gab Lagman

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.