After ng first birthday celebration ni Baby Sabine, Angelica Panganiban at Gregg Homan, destination wedding naman nila ang aasikasuhin

Pagkatapos daw ma-postpone ng dalawang beses ang kasalang Angelica Panganiban Gregg Homan, matutuloy na raw ito sa 2024. Sa YouTube vlog nila na The Homans, ni-reveal nila na nakapag-ocular na umano sila sa Siargao kunsaan magaganap ang kanilang destination wedding.

Photos: @iamangelicap

Pagkatapos daw ma-postpone ng dalawang beses ang kasalang Angelica Panganiban Gregg Homan, matutuloy na raw ito sa 2024. Sa YouTube vlog nila na The Homans, ni-reveal nila na nakapag-ocular na umano sila sa Siargao kunsaan magaganap ang kanilang destination wedding.

Nag-celebrate ng first birthday ang baby girl nina Angelica Panganiban at ng fiancé niyang si Gregg Homan na si Amila Sabine or Baby Bean.

Naganap ang birthday party ni Baby Bean sa Mangrove Resort in Subic noong nakaraang September 23.

Sa mismong kaarawan ni Baby Bean noong September 20, nag-post ng isang tagos-pusong mensahe si Angelica para sa kanyang anak.

“Punong puno ng takot ang buong pagkatao ko ng ganitong oras last year. Marahil dahil sa dami ng mga hindi ko alam gawin. Sa lahat ng duda. At nang sa hindi ko na mapigilan ang grand entrance mo. Pero sa kabila ng lahat ng kaba, ikaw ang nag gabay sa 'kin kung pa'no maging isang ina. Hindi perpekto, pero sapat. 'Yun naman ang mahalaga. Salamat salamat salamat ng paulit-ulit sa pinakamasayang chapter ng buhay ko. Happy birthday love. Isang taon na kong baliw sayo. Ilang taon pa kaya tayo magiging baliw sa isat isa? Mahal na mahal kita ng wagas."
 


Pinost din ni Angelica ang ilang photos na kuha ng Cocoon Studio PH at nilagyan niya ito ng caption na: “Our little cheeky baby’s first trip around the sun."


Nag-post din ng throwback photo si Angelica at may caption ito na: "Me, 36 yrs ago and now with my 1 yr old 👩‍👧"


During the September 23 celebration, present sa party ang pamilya at ilang mga malalapit na kaibigan nila Angelica at Gregg tulad nila Jayson Gainza, Sunshine Garcia, Glaiza de Castro, JC Santos, Alora Sasam, Isabel Oli-Prats, Andoy Ranay, Ketsup Eusebio, at Cherry Pie Picache.

"To all our family and friends who traveled the world to celebrate with our little one. Thank you! Pamilya habang buhay," caption pa ni Angelica sa IG.


Pagkasilang ni Angelica kay Baby Bean noong September last year, na-engaged naman ang aktres kay Gregg noong October.

At pagkatapos daw na ma-postpone ng dalawang beses ang kanilang kasal, matutuloy na raw ito sa 2024.

Sa YouTube vlog nila na The Homans, ni-reveal nila Angelica at Gregg ang mga plano sa kanilang wedding early next year. 

Nakapag-ocular na umano sila sa Siargao kunsaan magaganap ang kanilang destination wedding. 

 

"We were going to get married last year pero we wanted to make Bean a part of it. So we are going to do it early next year. We are looking at places locally to do it. But I am excited for it," sey ni Gregg.

Sey naman ni Angelica: "Parang twice na naming dinelay 'yung wedding. Last year and this year, dapat aalis kami. Ilang beses naming triny mag-elope pero parang ayaw ng mundo na itago namin. Malakas magdasal 'yung mga kaibigan at ang family members namin. So, ngayon mukhang matutuloy na siya. Meron na kaming save-the- date. Sinabi na namin siya sa mga kapamilya namin abroad para makapagtipid na sila, makapag-ipon na. 

"So, sa mga friends namin na sobrang busy 'yung schedule nila sa life, marami silang commitments, inunahan na namin sila na i-save na 'yung araw na iyon."

Bago ang kasalan, narito muna ang ilan pang kuha mula sa birthday celebration ni Sabine na ibinahagi ni Angelica.
 

 

 

 




 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.