After and despite everything, Ogie Diaz, mahal pa rin si Liza Soberano

Wala raw pinangarap si Ogie Diaz para kay Liza Soberano kundi ang tagumpay nito kahit hindi na s’ya ang manager nito. “Ako naman ang lagi kong hiling sana mas sumikat ka kung saan mo man gusto, mas sumikat ka sa pinili mong management, sa pinili mong career path."

PHOTO: @ogie.diaz.5 on Facebook

Wala raw pinangarap si Ogie Diaz para kay Liza Soberano kundi ang tagumpay nito kahit hindi na s’ya ang manager nito. “Ako naman ang lagi kong hiling sana mas sumikat ka kung saan mo man gusto, mas sumikat ka sa pinili mong management, sa pinili mong career path."

Dumagsa raw ang mga namba-bash ngayon sa comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz matapos lumabas ang second part ng interview ni Boy Abunda kay Liza Soberano.

Nailahad kasi doon ng dati n’yang alaga kung magkano ang nakukuha nga mga entities na naghahati-hati sa kinikita niya, namely ang kanyang Tita Joni, ang Star Magic at si Ogie.

Ayon kay Liza, 30 percent umano ang napupunta kay Ogie bilang talent manager n’ya, 20 percent naman daw para kay Tita Joni bilang kanyang road manager at personal assistant, habang ang ten percent ay para sa Star Magic.

Bale, 40 percent na lang umano ang naiuuwi ni Liza at mababawasan pa ito ng US and Philippine tax.

Kalaunan ay nagkaroon naman daw ng adjustment dito. From 30 ay naging 20 percent na lang ang nakukuha kay Ogie, 15 for Tita Joni, habang nananatiling ten percent ang para sa Star Magic.

Dahil dito ay naglabasan umano ang mga bashers ni Ogie. Pinaratangan s’ya na kaya daw s’ya nagsasalita laban sa aktres ay dahil hindi na umano s’ya makakakuha pa nang malaki sa kinikita nito. 

Ito ang nilinaw n’ya sa inilabas n’yang video ngayong araw, March 15, sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update.

Nu’ng dumating po sa buhay ko si Liza Soberano sinabi ko noon pa, 30 percent po ako,” pahayag ni Ogie sa video.

Build-up contract daw kasi ang meron sila ng aktres dahil dinala ito sa kanya na wala pa itong pangalan sa showbiz. 

Literal, ibi-build up mo s’ya. Kaya 30 percent, na eventually nababawasan ’yan kapag sumikat na ’yong artista, nakilala na,” paliwanag n’ya.

At iyon naman daw ang nangyari dahil eventually ay ibinaba daw n’ya ang komisyon n’ya sa aktres. 

Pero dumating sa point na ’yong kontrata po ni Liza sa akin, hindi pa natatapos ang five years, gumaganu’n na s’ya [sumisikat na],” pagbabalik-tanaw n’ya.

Kaya ang sinabi ko, since ang Star Magic ay pumasok sa eksena, at s’yempre, marapat lamang na kumuha sila ng ten percent… Imagine-in mo, 30 percent ako, ten percent sila, kawawa naman si Liza. Kaya ako na po ’yong nagbaba ng 20 percent,” saad n’ya.

Mali daw ang sinabi ni Liza sa interview na sa Tita Joni n’ya nanggaling ang desisyon na ’yon. 

Ako ang nagdesisyon na magbaba. Alam ’yan ng tatay ni Liza. Ako ang nagbaba,” giit ni Ogie.

Kaya sinasabi ko dito ako ang lumabag sa kontratang ginawa ko. Oo, dahil nakita ko naman ’yong effort nu’ng bata.”

Nagbigay pa s’ya ng background kung ano ang naging papel ni Tita Joni sa buhay at showbiz career ni Liza.

Ngayon, gusto kong bigyang linaw ito, hindi para idepensa ’yong Tita Joni ni Liza na s’yang nagdala sa akin [kay Liza] kasama si Dudu [Unay] na discoverer din ni Liza,” patuloy na pagbabahagi n’ya.

Sila ang nagdala sa akin dahil ako ang gusto ni Tita Joni na ako ang mag-manage kay Liza na noong araw ay Hope Soberano pa ang pangalan.

Kaya pagdala sa akin, 30 percent ’yon. S’yempre, si Tita Joni ang kumupkop kay Liza mula US hanggang dito, hanggang Pangasinan… Si Tita Joni nu’ng umpisa ay meron ding komisyon,” lahad pa ni Ogie.

Hindi ko alam ang usapan nila ni Liza pero sinabi dito ni Liza sa interview [with Boy Abunda] 20 percent si Tita Joni bilang s’ya ’yong naka-discover, nag-aalaga, kumupkop, RM [road manager], PA [personal assistant].

At ako ay 30 percent, so 50 na agad. Tapos ten percent ’yong Star Magic. E di, 60 na. Forty na lang daw ang nakukuha n’ya. Plus ’yong ten percent [mapupunta pa] sa US tax. Thirty na lang daw [ang nakukuha ni Liza].”

Wala daw itong katotohanan. 

Ako na po ang nagsasabi… Kung para kay Liza ’yon ang totoong natatandaan n’ya, para sa akin hindi po ’yon totoo,” deklara ni Ogie.

Mahirap ito sa totoo lang. Ka-cheap-an itong inaano ang komisyon pero naging isyu kaya iisa-isahin ko na po,” saad n’ya. 

S’ya daw ang kumausap kay Tita Joni at nagsabing sa parte ni Liza manggagaling ang komisyon nito.

“Twenty [percent] ako, ten [percent] ang Star Magic...Ilan na? Thirty [percent]. Ngayon, si Tita Joni kinausap ko. ‘Tita Joni, ang komisyon mo ay mangagaling sa 70 [percent] na natitira kay Liza,’” paglilinaw ni Ogie sa kanyang vlog.

“Ten percent si Tita Joni doon kaya seven percent lumalabas [ang nakukuha n’ya]. Kung susumahin natin, Liza used to get 63 percent.”

Hindi n’ya daw alam kung saan nakuha ng aktres ang computation nito.

Kaya hindi ko alam kung saan galing si Liza na 30 percent na lang ang nakukuha n’ya... Hindi totoo. For the longest time na magkasama kami ’yon ang set up namin,” saad pa n’ya.

Ako pa nga ang nagsabi, ‘Anak, gusto mo bang babaan natin si Tita Joni?’ Kasi nagbaba ako, e, from 30 to 20. ‘Ay hindi po. Deserve po n’ya ’yon.

S’yempre, hindi naman namin p’wedeng galawin ang ten percent ng Star Magic. So, ganu’n ang kalkulasyon. ’Yong ten percent ni Liza sa US, obligasyon ni Liza ’yon sa US.”

Sinagot n’ya rin ang sinabi ni Liza na hindi umano s’ya nagpapakita sa mga shoots and taping nila at si Tita Joni lang umano ang lagi nito kasama.

Bilang manager po, alam ng mga staff at alam n’ya mismo na pumupunta ako sa set. Pero hindi naman madalas,” depensa ni Ogie.

At para patunayan, naglabas pa s’ya ng photos nila ng aktres na kinunan sa set ng mga teleserye nito.

Nagpupunta ako sa Baguio nu’ng Forevermore. Nagpupunta ako sa Bulacan nu’ng Bagani. Naku, iisa-isahin ko pa tuloy,” pagre-recall ni Ogie.

Nagpupunta din ako sa ibang taping at shooting n’ya. Sinamahan ko pa s’ya sa New York. Sarili kong pera ang ginamit ko para lang masamahan ko lang si Liza.”

Kahit naman daw hindi s’ya makapunta sa set ay naroon naman daw ang in-assign n’yang road manager ni Liza na s’ya daw mismo ang nagpapasweldo galing sa sarili n’yang bulsa.

Kung wala naman ako du’n, kaya nga may sarili akong RM o road manager na binabayaran ko sa sarili kong pera,” patuloy na pagsisiwalat ni Ogie.

“’Yong road manager po, ibig sabihin, manager mo s’ya on the road. Pag wala ang manager, s’ya ang manager. Ganu’n naman talaga,” dagdag pa n’ya.

Pero never daw s’ya nawala tuwing may isasara silang deals for endorsements ng aktres.

Ang importante, present po ako sa lahat ng dealings. Present ako sa lahat ng negotiation. Kasi, at the end of the day, pag naibenta ko nang mas mataas ’yong alaga ko, bongga ka na. Ayan ang TF [talent fee] mo, mataas,” katuwiran pa ni Ogie.

Hindi rin daw n’ya alam kung saan nanggaling ang tsikang hindi na s’ya nakakakolekta ng parte sa kinikita ni Liza sa last two years ng kanilang kontrata.

Wala ho akong sinasabi na hindi ako tumatanggap ng komisyon,” pagtutuwid ng comedian/talent manager.

Ang sinasabi ko hindi na tumatanggap si Liza ng mga project dahil nga papunta na s’ya doon sa ibang direksyon. Naghihintay na lang s’ya na matapos ang kontrata,” he continued.

Magkaiba po ’yong hindi na tumatanggap ng komisyon sa hindi na tumatanggap ng project si Liza. 

Ang tinatanggap na lang po namin mismo ay ’yong [mga komisyon mula sa] existing contracts.”

Samantala, sa kabila ng mga nangyari, mga nasabi, at mga natanggap nilang bashing ay wala daw galit si Ogie sa dati n’yang talent.

Hiling lang n’ya dito na sana ay panoorin muna nito ang mga videos sa vlog n’ya para makita nito na never n’ya umanong siniraan ang aktres.

Unang-una, sana ay lahat ng palabas namin dito nu’ng nakaraan ay napapanood mo, at kung paano namin s’ya i-deliver para mas maramdaman mo na sincere kami doon sa sinasabi namin na mahal kita, na ako ay nagmamalasakit sa’yo,” mensahe ni Ogie sa dati n’yang talent.

Wala daw s’yang pinangarap dito kundi ang tagumpay nito kahit hindi na s’ya ang manager nito.

Ako naman ang lagi kong hiling sana mas sumikat ka kung saan mo man gusto, mas sumikat ka sa pinili mong management, sa pinili mong career path,” pag-a-aaddress n’ya kay Liza. 

Mas lampasan mo kung ano ’yong nagawa namin ng Star Magic, ng ABS-CBN, at ng Star Cinema. Iyon ang hangad ko para sa’yo.”

Bukas daw ang linya n’ya para kay Liza any time.

Pero wag mong kakalimutan na nandito lang naman ako. Open ang aking communication lines, anak,” pagtitiyak n’ya.

Mananatili rin daw si Liza bilang eldest daughter n’ya. 

Kung kinukuwestiyon mo ang pagtawag ko sa’yo ng anak, basta para sa akin ikaw ang panganay kong anak. At lagi mong tatandaan nandito lang ako pagka kailangan mo ako,” he said.

Malaki raw ang tiwala n’ya na maaabot ni Liza ang mga pangarap nito.

“Anak ko ’yan kaya feeling ko ay lilipad pa ’yan nang napakataas,” pahayag n’ya. “Basta lagi kang mag-iingat, anak, at lagi mong ipagtatanong lahat ng decisions mo sa mga taong alam mong nagmamalasakit sa iyo dahil definitely sila ang makakapagpayo sa’yo kung tama o mali ang iyong gagawin. Kasi mahal ka nila. 

At mahal kita, anak,” pagtatapos ni Ogie.

Narito ang kabuuang video ni Ogie Diaz:

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ogie Diaz to Liza Soberano: "Sorry, anak, kung in any way na-offend kita, or feeling mo kinalaban kita, or feeling mo kinokontra kita."

Liza Soberano, naiyak sa sama ng loob kay Ogie Diaz: "It feels like he’s trying to fight me or trying to ruin me when I never said single bad thing about him."

Pag-aartista, hindi raw pinangarap ni Liza Soberano pero "I needed to make money for my family."

Ogie Diaz, hinanapan ng resibo si Careless CEO Jeffrey Oh sa claim nitong inimbitahan si Liza Soberano noon na mag-audition sa Spider-Man

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.