Advise ni BB Gandanghari sa pamangking si Kylie Padilla at kay Aljur Abrenica: “Try to keep your dirty linen in the washroom.”

Hanggang hiwalayan lang daw ang isyung alam ni BB Gandanghari tungkol sa kanyang pamangkin na si Kylie Padilla at estranged husband nitong si Aljur Abrenica.

Photos: @gandangharibb / @kylienicolepadilla / @ajabrenica

Hanggang hiwalayan lang daw ang isyung alam ni BB Gandanghari tungkol sa kanyang pamangkin na si Kylie Padilla at estranged husband nitong si Aljur Abrenica.

“What’s your take on Aljur (Abrenica) and Kylie (Padilla)?” ito ang binasa ni BB Gandanghari sa kanyang pag-i-Instagram Live noong October 21 (October 20 sa Amerika) habang umiinom ng paboritong brand ng beer at kumakain appetizer niyang edamame sa isang Japanese restaurant sa Los Angeles, kung saan siya naka-base ngayon.

“Ano ba? Ano ba ang isyu?,” balik-tanong niya sa netizen na nagtatanong. “Ang alam ko lang nagka-problema sila, nagkahiwalay sila. But that’s all I know.  Matagal na silang hiwalay, that’s what I know.”

“Curious lang po ano po say n’yo kay Kylie” basa ulit ni BB sa isa pang tanong ng netizen.

“I don’t know the issue, so let me know I’m so out of touch, I’m sorry,” sagot ulit ng tiyahin ni Kylie.

Sinabi ng netizen na talk of the town ang kanyang pamangkin. “Kanina pa ’yang talk of the town, what’s the talk of the town nga? Can you just say it?  What’s talk of the town?” natatawang nakukulitang balik ni BB.

“‘Sabi ni Aljur, Kylie cheated daw’” balik ng netizen na ang tinutukoy ay ang now-deleted controversial Facebook post ni Aljur na nag-aakusang naunang magloko between them si Kylie.

“No way! Sinabi niya ’yan?” nanlaki ang mga matang sagot ng tiyahin ng aktres.

Tila nag-iisip at sabay tanong sa viewer niya: “Sinabi niya (Aljur?) I don’t know na.  That, hindi na ako p’wedeng makialam kasi hindi ko alam ’yan.  Ngayon ko lang… this is the first time [I’m hearing this], so, I don’t know. Hindi naman ako nagtatanong. So, pero ito lang ang sa akin kasi ang paghihiwalay...galing tayo diyan di ba?”

Hindi kami sigurado kung sino ang tinutukoy ni BB na nakahiwalayan niya. Kung ito ba ay si Carmina Villarroel noong si Rustom Padilla pa siya o ang misteryosong aktor na laman ng kanyang kontrobersayl na vlog noong 2020 na itinago niya sa pangalang “Jonathan.”

“Ang paghihiwalay is not a joke,” patuloy niya sa live stream. “Something to be...para mapag-usapan ka?  Masakit ’yan.

“So, what I can advise these two [Aljur at Kylie]?  Being younger that you are, try to keep your dirty linen in the washroom. I’m sure you know what I mean…Ayoko, mahirap makialam!

“Try to keep things in private as much as possible kasi may mga anak kayo, unang una. So, ’yun lang. ’Yun lang ang masasabi ko kasi very sensitive ang subject. I think what they need to think about now are the children,” pagtatapos ng auntie ni Kylie Padilla.

Pero mukang may karugtong pa ito, this time baka in vlog from na, dahil sa caption ng kanyang live stream ay ito ang naka-saad:

#HappyHour 🍺💯

“Ang mga aabangan. My advice to Kylie and Aljur  (emoji broken heart and praying hands)
“I still miss you… more than ever (emoji dog)
“As Filipinos, wag sana tayo masyadong tactless. HINDI tayo PERFECT.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.