Advanced screening ng #Jowable sa UP, dinagsa ng millennials; tawa-iyak reviews, dumagsa rin

The cast—led by Kim Molina—and the director and creator of #Jowable, Darryl Yap, are all present at the UP screening and even entertained questions right after. Based from the UP audience turn out, mukang excited ang mga bagets na panoorin ang big-screen adaptation ng pina-viral nilang short film ni Darryl Yap na in-upload last year sa itinatag nitong VinCentiments page. 

Photos: Viva Films & VinCentiments Facebook accounts

The cast—led by Kim Molina—and the director and creator of #Jowable, Darryl Yap, are all present at the UP screening and even entertained questions right after. Based from the UP audience turn out, mukang excited ang mga bagets na panoorin ang big-screen adaptation ng pina-viral nilang short film ni Darryl Yap na in-upload last year sa itinatag nitong VinCentiments page. 

Nagdagsaan ang mga millennials sa special advanced screening ng #Jowable  last September 21 sa Cine Adarna ng UP (University of the Philippines) sa Quezon City.

Excited ang mga bagets na panoorin ang big-screen adaptation ng pina-viral nilang short film ni Darryl Yap na in-upload last year sa itinatag nitong VinCentiments page. 

Dahil ayon na rin sa k’wento ng bida ng pelikula na si Kim Molina na kung sa short film ay rant lang ni Elsa Mangahas ang nakita,—ang pamosong lasing na babae (played by Jobelyn Manuel) na kinukuwesiyon ang Diyos sa loob ng simbahan kung bakit hindi siya binibigyan ng jowa—sa pelikula ay mabibigyang-linaw kung bakit at paano siya napunta sa himutok point na ’yon. 

#RelateMuch ang mga estudyanteng galing pa sa iba’t-ibang colleges ng Metro Manila dahil base sa mga pinost nilang reviews, may pagka-“nostalgic” feel daw ang pelikula at feeling nila ay napag-daanan o pinagdadaanan nila—kung hindi man ng mga kakilala nila—ang ilang mga sitwasyong pinakita sa pelikula.

May mga nagsipanood din out of curiousity dahil gusto nilang malamang kung paanong ang sagad sa mga irreverent scenes at dialogues na pelukula gaya ng #Jowable ay nabigyan ng R-13 without cuts na rating ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board)

.(Ang R-13 rating means that “Only viewers who are 13 years old and above can be admitted.”)

Mayroon namang na-curious din kung papangangatawan sa kabuuan ng pelikula ang mga matitinding linyahan na napanood nila sa trailer.

They found their answers after viewing the film dahil may bongga umanong bawi ito sa dulo. 

And using the hashtag #JowableGoestoUP, nag-post ng kaniya-kanyang reviews ang mga nasidayp sa UP. Ang iba ay nagsabing “nadaya” diumano sila ng trailer dahil hindi lang daw pala komedi ang movie kundi may matinding kurot din sa dulo. Hindi daw nila inakalang may matinding singhutan daw palang involved kapag pinanood ang pelikula. Dagdag pa nila, hindi lang daw pang-millennial ang pelikula dahil even the oldies can relate. Tama nga si Direk Darryl when he said, “it’s more than just the trailer.” And he, based from these initial reactions, delivered.

Puring-puri ng mga bagets ang acting ng buong cast pero marami ang nag-single out kay Kim Molina at ang iba sa kanila ay idineklara na siya bilang bagong “Hugot Queen.” Marami ring pumuri sa story and plot ng pelikula  and some even predicted that Daryll will be the “next big director” of Philippine movies.  

Looks like Viva Films is on a winning streak dahil after ng mga blockbusters na Just A Stranger at ang mga foreign releases nilang Parasite at Angel Has Fallen, tila mangangalembang sa takilya ang #Jowable.

#Jowable, which will have its premiere tomorrow night (September 23) at the SM Megamall, will start showing on Wedneday, September 25. 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.