A year after her breakup with Lucena Mayor Mark Alcala, Ashley Ortega, hindi pa handa sa bagong relasyon

Last year ay nakipaghiwalay si Ashley sa boyfriend na si Lucena City Mayor Mark Alcala. Ayon kay Ashley, nagsimulang lumabo ang relasyon nila ng alkalde nang maging abala sila sa kani-kanilang mga trabaho. Ngayon, ay ini-enjoy niya ang kanyang career at pagta-travel as a single woman.

Photo: @ashleyortega on Instagram

Last year ay nakipaghiwalay si Ashley sa boyfriend na si Lucena City Mayor Mark Alcala. Ayon kay Ashley, nagsimulang lumabo ang relasyon nila ng alkalde nang maging abala sila sa kani-kanilang mga trabaho. Ngayon, ay ini-enjoy niya ang kanyang career at pagta-travel as a single woman.

Pagkatapos magbida sa Hearts On Ice noong nakaraang taon, muling mapapanood sa mapaghamong papel si Ashley Ortega sa highly-anticipated GMA Prime epic series na Pulang Araw.

Ayon sa Sparkle actress, isang magandang opportunity para sa kanya ang mapasama sa isang larger-than-life na teleserye. Pagkakataon din daw ito na maraming matutunan ang mga televiewers sa history ng ating bansa.

"I'm really excited kasi talaga 'yung Pulang Araw, pinag-isipan talaga ng production. There's so many things na matutunan, especially mga Pinoy. Kasi, the story is about history," sey ni Ashley sa event na DITO Telecommunity last April 11 sa One Bonifacio Highstreet Mall in Taguig City.

Isa pa sa ikinatuwa ni Ashley ay ang makasama sa Pulang Araw sina Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco, Sanya Lopez, at Dennis Trillo.

Last February, kabilang din si Ashley sa ni-launch via the all-women powerhouse group na Sparkle 10. Nakasama niya rito sina Faith Da Silva, Rabiya Mateo, Lianne Valentin, Shuvee Etrata, Lexi Gonzales, Angel Guardian, Liezel Lopez, Kate Valdez, and Elle Villanueva.

“I'm really grateful for GMA in launching a new batch of girls which is the Sparkle 10. And I'm really happy to work with those girls kasi they are all intelligent. They are all bold and brave, so, we’re just really grateful na ni-launch kami,” sey ni Ashley.

Dahil sa magandang direksyon ng career ni Ashley, tama lang daw na isakripisyo niya ang kanyang lovelife.

Last year ay nakipaghiwalay si Ashley sa boyfriend na si Lucena City Mayor Mark Alcala.

Ayon kay Ashley, nagsimulang lumabo ang relasyon nila ng alkalde nang maging abala sila sa kani-kanilang mga trabaho. Ngayon, ay ini-enjoy niya ang kanyang career at pagta-travel as a single woman. 

"My heart is so full, and I'm happy. But, I'm still single. But, I'm enjoying my single era. 

“Feeling ko hindi ko rin muna makikita ang sarili ko in a relationship with someone. It was a tough year for me. Maraming iyak-iyak. Pangit din kasi na parang magpi-pretend ako na ayaw ko 'tong maramdaman. I will allow myself to feel para ma-release ko 'to.

"I think doon din ako nag-heal parang oh my gosh I don't need a guy in my life. I'm happy. I'm at peace and I'm really blessed.

"But I do go out and hang out with guys, to get to know them, pero hanggang doon lang. I always tell them also na, 'Ano lang, ha, this is like a casual hangout.' I just really wanna explore and get to know a lot of people," sey pa ni Ashley.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ashley Ortega, kumabog ang dibdib sa mga intimate scenes with Khalil Ramos sa kanilang Cinemalaya movie

Ashley Ortega, wish nang magka-“Xian Lim” sa tunay na buhay

Ashley Ortega, ipinagpalit ang showbiz sa pagiging competitive figure skater

Ashley Ortega on her new leading man Xian Lim: “Super sweet and super humble… Wala ’yong feeling star.”

Trending-sa-acting Legal Wives star Ashley Ortega, handa raw gawin ang lahat for stardom

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.