100-year-old Juan Ponce Enrile tells Korina Sanchez how he wants to be remembered

“What an extraordinary man, what an extraordinary life like none other I know of among our public servants in history."—Korina on JPE

“What an extraordinary man, what an extraordinary life like none other I know of among our public servants in history."—Korina on JPE

Veteran broadcast journalist Korina Sanchez-Roxas sat down with the one and only living legend Juan Ponce Enrile in an exclusive interview. 

Kasabay ng interview na ito ang 100th birthday ng dating senador at ngayon ay presidential legal adviser ni Pangulong Bongbong Marcos.

“Natatandaan ko pa ang suot ni Adan at ni Eba nung makilala ko sila. Zero. Wala. Hubad,” pabirong hirit ng centenarian.

“What an extraordinary man, what an extraordinary life like none other I know of among our public servants in history. Imagine, ilang beses na siyang namatay mula pa noong 16 years old siya, dahil pinagsasaksak s'ya ng classmate niya dahil sa isang babae,” lahad naman ni Korina. 

Naging prominente at humawak ng napakahahalagang posisyon sa mga nagdaang administrasyon mula kay Ferdinand Marcos, Cory Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo, Noynoy Aquino at ngayon, kay Presidente Bongbong Marcos ulit —kakaiba ang mga pananaw ng nag-iisang Enrile. 

Narito ang ilan sa mga quotable quotes na binitiwan niya kay Korina: 

“Let us not be fooled. Hindi natin kaibigan ang bansang China.”

“Ang kailangang pangulo ng bansa natin ay 'yung hindi bastos at hindi mamamatay tao.”

“I am worried about this new generation. They are too soft. Masyado silang malambot. Hindi sila handa sa pananalakay ng ibang bansa.”

“Wala naman bawal sa akin kainin. Hindi ko rin alam pano ako umabot nang ganitong edad.”

"How would you want to be remembered?" Korina asked. 

“Just make sure to spell my name, Juan Ponce Enrile, correctly.”

Watch the exclusive interview of Juan Ponce Enrile on his 100th birthday on NET 25 today, Sunday, 5 pm.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.