"Welcome Home, Bong!"

The luncheon hostesses Manay Ichu and Mother Lily Monteverde (both seated) were joined in this photo by (standing L-R) Roselle Monteverde, Gianna Bautista, entertainment writer Manay Ethel Ramos, Eric Quizon, Bong’s younger Andrea Bautista-Ynarez, Bong and Lani, and Tirso Cruz III.

PHOTOS: Melo Balingit

The luncheon hostesses Manay Ichu and Mother Lily Monteverde (both seated) were joined in this photo by (standing L-R) Roselle Monteverde, Gianna Bautista, entertainment writer Manay Ethel Ramos, Eric Quizon, Bong’s younger Andrea Bautista-Ynarez, Bong and Lani, and Tirso Cruz III.

Ilan pa sa mga naroon na hindi sumama sa group picture na ito ay sina Manay Lolit Solis, na long-time manager ni Bong; ang talent manager na si Dolor Guevarra; at si Annabelle Rama.

 

“It’s nice to be back sa aking first love,” say ni Senator Bong Revilla sa kanyang speech during the welcome luncheon na inihanda nina Mother Lily Monteverde at Manay Ichu Maceda para sa kanya noong January 10 sa Gloria Maris sa Greenhills, San Juan.

 

Pero hindi ang asawang si Lani Mercado ag tinutukoy niya kundi ang showbiz o ang movie industry na ayon din sa kanya ay pinagkakautangan niya ng loob dahil dito siya naging “Bong Revilla,” na isa sa mga top action stars ng bansa bago niya pinasok ang pulitika.

 

Narito ang ilang kaganapan sa maikling pagtitipon na yon:

 

Sa kanyang maikling speech that day, sinabi ni Senator Bong na ang pagkaka-kulong niya sa Custodial Center ng Camp Crame ang pinaka-matinding bangungot ng kanyang buhay.
“Kumbaga four years and almost six months at saka isang taon na walang tigil na pag-gulpi at pagwasak sa aking pangalan…halos anim na taon ang nawala sa aking buhay. Kung kuwentahin mo na I am now 52 years old, so 10% ng buhay ko ang parang nawala sa akin. Pero gano’n pa man, kahit ito’y masakit at mahapdi na karanasan, but this will make me a better person, a better leader, and a better husband to my wife,” sabay turo sa asawang si Lani na ikanatawa ng lahat.

 

Kasama ng mag-asawang Bong at Lani that day ang ika-apat sa anim nilang anak na si Gianna.
Nagbigay-pugay din kay Senator Bong that day ang ilang kaibigan sa industriya gaya ni Direk Eric Quizon (left) at Tirso Cruz III, na ayon sa senador ay tumulong sa kanyang gumawa ng maraming kanta habang nakakulong siya.

 

Puring-puri ni Bong ang asawang si Lani sa magandang pagdadala nito ng mga sinapit ng pamilya nila. “Siya ang naging ama’t ina ng mga anak namin, at naging ina pa ng Bacoor, Cavite.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.